Pagkatapos Pulutin ni Jess ang nabasag na Picture Frame na may Picture ni Tristan ay agad din pumasok sa isip ni Jess ang Pag-aalala sa Amo kaya tinawagan niya ito gamit ang Cellphone ngunit walang sumasagot.
"Naku, baka may nangyari nga Kay Sir Hindi siya sumasagot.. Pero baka tulog lang siya kaya hindi niya masagot ang tawag ko."
Kahit nag-aalala ay wala ng nagawa si Jess kung hindi ang maghintay sa pag-uwi ni Tristan para malaman kung ligtas nga ito.
Kaya umakyat na siya sa kwarto para matulog. Kinabukasan ay agad na gumising ng maaga si Jess para maghanda ng umagahan sapagkat sa pagkakaalam niya ay uuwi na si Tristan.
Niluto niya ang mga paborito nitong breakfast tulad ng Pancake , Garlic Rice at bacon with cheese siyempre hindi mawawala ang paborito nitong inumin tuwing umaga ang Hot Chocolate. Nakaayos na lahat sa Table ang kanyang mga hinanda. At ilang oras na din ang lumipas ngunit wala pa ding nadating na Tristan sa bahay hanggang dumating na ang Takip-silim ay hindi pa din dumating si Tristan.
"Ano ba itong si Sir hindi man lang nagtxt o tumawag kung uuwi siya para hindi ganitong nag-aalala at naghihintay ako sa kanya."
Para na din mawala ang kanyang pag-aalala Kay Tristan ay Naisipan niyang tawagan si Mr.Chan nagbabaka-sakali siya na Alam nito kung nasaan si Tristan. At hindi nga siya nagkamali dahil nasa kanila nga si Tristan at sinabi nitong may appointment ito sa mga Sponsors kaya hindi muna ito makakauwi sa Loob ng dalawang Linggo at binilin din nito na si Jess Muna ang bahala sa Mansyon.
Sa Kasalukuyan naman ay may Hila-hilang dalawang Buhay na kambing si Mr.Chan papasok sa Loob ng bahay at dumiretso agad ito sa isang malakimg kwarto na katabi lang ng kanyang Master's Beedroom. Masasabing kataka-taka kung bakit may dala-dala itong mga hayop sa isang kwarto na nasa loob ng bahay. Sa loob ng kwartong ito ay makikita agad ang malaking Book shelves na nasa kanang bahagi at ito ang nilapitan ni Mr.chan Kasama ang mga hayop na dala niya. Pagkatapos ay inabot niya isa-isa muka sa book shelves ang tatlong Libro na may mga pamagat na "The Black Sheep"; "Care of the Blood" at "Mystery of Secrets". Matapos makuha ang tatlong librong ito ay nahati sa dalawa ang Magkatabing Book Shelves na isa palang lagusan o Secret Door.
Ng mabuksan ang Secret Door ay pumasok na siya dito at tinungo niya ang hagdan pababa ng isang Underground Room.Nakakamangha ang Underground Room na ito dahil para kang nagbalik sa sinaunang panahon sa lumang disenyo nito at ang kapansin-pansin dito ang malaking Silda.
"Hindi ko akalain na Makukulong ka ulit dito Tristan Pagkatapos ng Limang Taon."
Ang laman pala ng Sildang iyon ay Si Tristan ngunit sa Anyo ng Isang Werewolf.
(Maswerteng natagpuan ni Mr.Chan si Tristan bilang isang Werewolf sa labas ng kakahuyan na malapit sa highway na dinaanan niya ng gabing iyon. Kaya agad niya itong hinuli sa pamamagitan ng pagbaril ng pampatulog na may napakalas na dosage dito.)
At ng marinig niya ang Boses ni Mr.Chan ay nag-wala ito ng walang humpay makikita dito ang nanlilisik na mata at mala-halimaw na mga pag-ungol. Hindi Lingid sa kaalaman ni Mr.Chan na kapag nakatakas ito ngayon ay katupusan na din ng buhay niya at ng iba pang makikita nito sapagkat wala itong sinasanto at ang alam lang nito ay pumatay at kumain ng biktima pag dinatnan ng gutom.
Kaya itinutok na nito sa Werewolf ang dala nitong baril na may bala na may mataas na Dosage ng Pampatulog at ibinaril dito kaya agad nawalan ng Malay ang Werewolf at nakatulog ito. Sinamantala naman ni Mr.Chan ang Pagkatulog nito at agad na binuksan ang silda at doon ay ipinasok niya ang mga dalang kambingm. Binilisan niya din ang pagkilos dahil kahit malakas ang pampatulog na inilagay niya dito ay isang minuto lang ay magigising na ulit ito.

BINABASA MO ANG
WOLFMEN (The Secret Of The Lockwoods)
Werewolf"When the Full Moon comes, The Beast Was Coming." Marami na tayong narinig na kwento tungkol sa mga Werewolf at sa modernong panahon ngayon may mga naniniwala pa ba sa mga nilalang na ito? Paano kung ang isang hindi pangkaraniwang nilalang ay magma...