Chapter 2 (He is a Wolf)

67 3 0
                                    

Pagkatapos ng photoshoot ay agad na umuwi ng bahay si Tristan upang magpahinga..

Kasama niya din umuwi dito si Jessie at habang nasa byahe ay naiilang pa si Jessie na umimik sa amo. Ngunit nawala din agad ang pagkailang niya ng kausapin siya nito, Hindi niya Alam Kong bakit ang daling napalagay ng kanyang loob dito.
Maya-maya lang ay umapaw na ang tawanan sa loob ng kotse na sinasakyan ng dalawa. At makalipas lang ang halos isang oras ay nakarating na sila sa bahay ni Tristan..

Kitang-kita sa mukha ni Jessie ang pagkamangha ng makita niya ang isang malaking kulay puting mansyon na tirahan ni Tristan.

"Wow! Sir, ang laki pala ng bahay niyo at ang ganda pa!"

"Jess! Tara sa loob!"

"Ang suplado naman ni sir."

Sa loob ng bahay ay kitang-kita ni Jess ang magandang pagkakagawa nito bukod sa mga modernong kagamitan ay kapansin-pansin din ang kaluwagan ng bahay.

Sa pagsisimula ng trabaho ni jess ay na-enjoy nya agad ang gawain dito..

Sa kasalukuyan ay naglilinis ng garden si Jess, at pansin sa mga mata niya ang pagkamangha nya sa mga tanawin dito. Nakadagdag pa din sa gaan ng kanyang pakiramdam ang tunog ng mga nagagalawang dahon ng mga puno dahil sa pagdaan ng mga sariwang hangin.

At bahagyang nabigla si Jess ng makita nya ang isang Fountain sa gitna ng garden sapagkat nakatindig dito ang isang napakagandang gintong rebolto ng isang Wolf o Lobo.

"Totoo ba itong nakikita ko, isang gintong rebolto?"

Dahil sa pagkausisa ni Jess sa Rebolto ay nilapitan niya ito at bahagyang hinaplos sa parteng paa nito.

Ngunit Hindi niya Alam na nakamasid sa kanya si Tristan at pinagmamasdan lamang ang kanyang mga ginagawa.

Sa paghakbang ng isa ni Jess ay may natapakan siyan isang Vow at katabi nito ang tatlong piraso ng archer.

"Wow! Archer Set, aheeem! Masubukan nga ang aking archery ability."

Maya-maya lang ay itinali ni Jess ang kanyang mahabang Blondie na buhok. At dinampot ang Vow.

"Teka! Ano kaya ang pwede kong maging target?"

Iginala ni Jess ang paningin at napansin niya ang isang uwak o Crow na nakahapon sa sanga ng isang puno sa di-kalayuan sa tapat niya.

Napangiti ng bahagya si Jess dahil nakita na niya ang Target niya.

Inilagay na ni Jess ang bala sa Vow at nagsimula ng mag concentrate para tamaan ang target na naka-direksyon na ang palaso sa kinaroroonan ng uwak at ang kulang na lang ay bitawan niya ang bala na binabanat at hawak ng kanyang mga kamay.

Lingid sa kaalaman ni Jess ay nakatingin na sa kanya si Tristan at naghihintay sa kahihinatnan ng kanyang ginagawa.

"Ehemm! Matatamaan kaya ng birheng ito ang kanyang target?"

Bumilang na ng Lima pababa si Jess.

"Sorry munting uwak."

Ng binitawan niya ang palaso ng pana ay mabilis itong tumungo sa direksyon ng target at walang ano-ano ay tinamaan ito sa mismong dib-dib at bumagsak agad sa lupa.

Sa nasaksihan ni Tristan ay nabigla siya sa ginawa ng dalaga.

Habang si Jess naman ay napangiti lang at sinabing..

"Hindi pa pala expired ang ability ko sa archery."

Mula sa kinatatayuan ay nagulat si Jess ng may marinig na palakpak.

WOLFMEN (The Secret Of The Lockwoods)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon