Natahimik ang dalawa ng marinig ang salitang nasabi nila pareho ng sabay.
"Mahal mo ako Jess?"
"Ah, eh O-oo, Tristan I Love You.. Matagal ko ng Alam sa sarili ko na espesyal ka sa akin. Eh Tristan diba mahal mo din ako?"
"Oo Jess, mahal na mahal kita. Hindi ko kasi maipaliwanag kung bakit ang gaan ng lahat pag kasama kita. Matagal ko na sanang gustong aminin sayo pero nauunahan ako ng pagkakataon."
Ng magkaiminan ang dalawa ay naluha na lang si Jess sa saya dahil nalaman na niya na hindi One Sided ang nararamdaman niya.
Habang si Tristan naman ay nakangiting niyapos si Jess.
Habang magkayakap sila ay muli ng umandar ang Perry's Wheel at kasunod nun ay ang pagbaba nila dito para maglibot pa sa Carnaval.
Habang magkasabay na naglalakad ang dalawa ay napahinto si Jess at tinawag niya si Tristan.
"Tristan, sigurado ka ba na mahal mo ako?"
" Oo, Jess mahal kita at Sigurado yun. Bakit, nagdududa ka ba?"
"Ah, hindi , hindi lang kasi ako makapaniwala na nagustuhan mo ako na isang assistant lang."
"Alam mo Jess, kapag nagmahal ka dapat hindi mo maiisip ang difference ninyo dahil sa pag-ibig wala dapat sukatan."
Dahil sa sinabi ni Tristan ay napangiti multi si Jess na may kasabay na kunting pagluha na dulot ng sayang nararamdaman. At lalo pa itong umigting ng halikan siya ni Tristan sa Labi. Sa pagkakataong iyon ay tila huminto ang paligid Kay Jess at tanging ang nakapikit lang na mata ni Tristan ang nakikita niya .ang malakas na pagkabog ng dibdib niya ang tanging naririnig niya sa paligid.
Sigundo lang ang tinagal ng paghalik ni Tristan. ngunit para Kay Jess ay napakahabang oras nito.
"Oh, ano Jess nagdududa ka pa ba?"
Dinukot ni Tristan mula sa bulsa ng kanyang pantalon ang isang bracelet at hinawakan niya ang kaliwang kamay ni Jess at isinuot ito.
Para Kay Jess ay isa ito sa pinakamasayang pagkakataon sa buhay niya.
Pangalawang araw na ng palugit ni Tristan. Habang nakahiga sa kama at nararamdaman ang malamig na umaga ay nakangiti itong kinakausap ang sarili sa pamamagitan ng sarili. Sinasabi nito na wala na siyang pagsisihan sa pag-alis niya dahil nasabi na niya ang matagal ng nararamdaman kahit Alam niya na posibleng malungkot si Jess sa Oras na umalis na siya. Pero ang pangako niya sa sarili na ipapadama niya Kay Jess ang pagmamahal niya kahit sa maiksing pagkakataon lang.
Bumangon na si Tristan at agad noting kinuha ang Jacket para mag-jogging.
Pag labas niya ng pinto ay nakita niya si Jess na nagdidilig ng halaman sa Garden kaya agad niya itong nilapitan."Hey, Jess. Come on, samahan mo akong mag-jogging."
"Uh, Oo ba, teka kukunin ko muna ang rubber shoes ko."
At agad na tumakbo si Jess sa loob nt bahay para kunin ang kanyang sapatos.
Habang hinihintay ni Tristan na lumabas si Jess ay may naramdaman itong kakaiba na tila may nakatitig sa kanya kaya iginala niya ang paningin sa paligid.. Ngunit wala naman siyang nakikita kundi ang harden at ang puno sa paligid. Unti-unting naging Curious si Tristan hanggang sa..
"Tristan, Tara na?"
Bahagyang nagulat si Tristan sa biglaang pagsigaw ni Jess kaya medyo nabulol ito sa pagsagot ngunit sinundan niya ito ng pag-ngiti para hindi mahalata ni Jess.
"Oooopppss!"
"Bakit Tristan"
"Yung sintas mo sa kaliwa mong sapatos Hindi pa naka-buhol."
"Ah , sorry excited kasi ako, hihi!"
"Wait, ako na ang mag-aayos niyan."
Bahagyang lumuhod si Tristan sa harap ni Jess at dinampot into ang Shoelace sa kaliwang sapatos ni Jess at ibinuhol ito ng maayos. Habang ginagawa iyon ni Tristan ay nakangiti namang nakatitig si Jess sa kanya. Hindi makapaniwalang na ang amo niya ay ipinagtatali pa siya ng sintas.
"Yan, OK na!"
"Thanks Tristan."
"Welcome, oh ano? Tara na."
Agad na hinawakan ni Tristan si Jess sa kaliwang kamay nito at magkasabay na silang tumakbo.
Malayo-layo na din ang natakbo ng dalawa at sa mga oras na iyon at hingal na hingal na si Jess sa pagod. Kaya nagpasya silang huminto muna.
Pinili nila ang tumigil sa matahimik at maaliwalas na parte ng daanan. Hindi maitatangging napakaganda ng tanawin dito nasa isang lambak sila at mula sa baba niton ay kitang-kita ang asul na karagatan. Ang bawat ihip ng mahinang hangin ay dumdampi sa kanilang balat na nagpapaginhawa ng kanilang pakiramdam.
"Its a beautiful day. Diba Jess?"
"Oo nga Sir. Sana laging ganito noh?"
Biglang natigilan si Tristan ng nasabi ni Jess ang salitang iyon. Sapagkat Alam niya na pwedeng maulit pa ang ganitong pangyayari sa kanilang dalwa dahil sa pag-alis niya.
"Jess, may sasabihin ako sayo."
"Ano yun Tristan?"
"Jess lagi mong tatandaan mahal na mahal kita at hindi magbabago itong nararamdaman ko para sayo."
"Oo naman Tristan alam ko naman na seryuso ka sa akin, pero bakit Parang may iba sayo Ngayon."
"Wala.. Ano ka ba, Tara mag-jogging pa tayo."
Nagpatuloy pa ang masayang pangyayari sa dalawa.
Bukod sa pamamasyal nag-date din sila sa mamahaling restaurant , nanunuod ng sine, at nag-swimming sa beach. Natapos ang maghapon ng dalawa ng masaya at puno ng mga tawa at kulitan sa isat-isa.
Gabi na ng makadating sila sa bahay at pagkapasok nila ay kapwa sila nagtungo sa kanilang mga kwarto para magpahinga.
Matapos mag-ayos ni Tristan ay bumaba ito sa kusina para kumuha ng maiinom. Ng mapadaan siya sa harap ng pintuan ni Jess ay napatigil siya dito.
Habang nakaharap siya sa pinto at hindi niya naiwasan ang malungkot dahil alam niya na sa kabila ng pintuang ito ay nandito ang babaeng kanyang pinakamamahal at bukas ay lilisanin na niya.
"Sorry Jess. Sana balang araw maintindihan mo kung bakit ako lumayo sayo sana balang araw magkasama na tayo na wala na akong dapat pang asikasuhin kundi ikaw."
Hindi namalayan ni Tristan na nasambit niya ang mga salitang iyon sa harap lang ng pintuan na dapat ay Kay Jess niya sinabi. Pero ayaw niya itong gawin dahil naisip niya na mad magiging mahirap pa ang kanyang pag-alis kung sasabihin pa niya ang lahat. Sa mga panahong ding iyon ay inuna ni Tristan ang kanyang mga kalahi kesa sa pansarili niyang kaligayahan.

BINABASA MO ANG
WOLFMEN (The Secret Of The Lockwoods)
Werewolf"When the Full Moon comes, The Beast Was Coming." Marami na tayong narinig na kwento tungkol sa mga Werewolf at sa modernong panahon ngayon may mga naniniwala pa ba sa mga nilalang na ito? Paano kung ang isang hindi pangkaraniwang nilalang ay magma...