"Sinabi ko na sa iyo Camille na ang Werewolf na hinahanap natin ay Walang iba kundi si Tristan."
"Ano pang hinihintay natin? Tawagan na natin si Mr.Kyle para mapapunta na natin ang kasama natin dito."
"Tama ka!"
Sa kasalukuyan ay medyo nang-hihina pa si Tristan dahil sa epekto ng Green Liquid kaya bahagya lang kung maigalw niya ang kanyang katawan bilang Werewolf.
"Magaling Clark at Camille. Sa ilang saglit lang ay nandiyan na ang mga kasama niyo."
Natagalan na sa paghihintay si Jess kaya nag-alala na ito. Kaya kinuha nito ang Cellphone sa Bag at tinawagan niya ito. Ngunit hindi ito sumasagot. Kaya mas lalo pa siyang kinabahan.
Sa kakahuyan naman na malapit sa Event ng party ay patuloy na nagtatago si Tristan bilang isang Werewolf ngunit madali din siya g nasusundan ni Camille at Clark. Hanggang sa dumating na nga ang mga kasamahan nito. Isa -isa na nilang inihanda ang mga Traps at iba pang mga kagamitan. Unang sumugod si Erwin itinutok niya ang archer kay Tristan at agad na Binitawhan ang palaso nito. At sa pagkakataong yun ay mabilis na nakailag si Tristan kasabay din noon ang pagkabalik ng kanyang ulirat at lakas na pansamantalang pinahina ng Green Liquid.
Tumakbo ito palayo at agad din itong sinundan ng grupo.
Hanggang makarating siya sila ng gitna ng kakahuyan.
"Tristan. Lumabas ka na.. Hindi mo kami matatakasan."
Ilang saglit lang ay sinunggaban ni Tristan si Erwan kaya natumba ito sa sahig at nasugatan dahil sa kuko nito.
Kaya agad tinulungan ni Camille at Clark na makatayo ito ng akmang itatayo na nila si Erwan ay biglang dumaan ng mabilis sa likod ni Camille at nasakmal nito ang ulo ng babae kaya napugot ito . at ng makita ito ni Clark ay napasigaw ito .
Napahawak naman sa kani-kanilang sandata sina Leonard at Alex pati na din Si Erwin. Alam nila na posibleng isa sa kanila ang pwedeng isunod ni Tristan.
at si Clark na nga ang sinugod nito nasunggaban nito ang kaliwang braso ni Clark kaya naputol ito at natangay ni Tristan. Sa pagkakataong din yun ay napana na siya ng palaso ni Erwin at bumulagta na lamang ito sa sahig.
Habang nanghihina ay tinurukan ito ito ni Leonard ng Chemical kaya bumalik ito sa pagiging anyong tao."Ibang klase ka ding Werewolf ka at pinahirapan mo pa kami."
Tinalian ng mga ito si Tristan at isinakay sa Kotse. Upang dalhin Kay Kyle para ito ang maghatol sa kahihinatnan ng nahuling Werewolf.
"Hello! Mr.Kyle nagawa na namin ang plano. Nahuli na namin ang Werewolf."
"Magaling.. Dalhin niyo siya sa akin."
"Okay, Mr.Kyle."
Habang nasa kotse ay iniinda pa din ni Clark ang sakit ng naputol na braso.
"Tumahimik ka nga Clark. Mabuti nga at yan lang ang napala mo , hindi kagaya ni Camille na nasawi na."(Wika ni Leonard na nagmamaniho ng Kotse)
"At Kasalnan yun ng Werewolf na into."(Tugon naman ni Erwin at Alex)
Sabay nitong pinagbuhatan ng kamay ang nasa gitna nilang si Tristan.
Habang tumatakbo ang kotse ay biglang may isang lalaking humara sa unahan ng kanilang sasakyan. Na nagging dahilan upang maipihit ni Leonard ang manobela at naging dahilan ng bahagya nilang pagkabundol sa isang puno sa tabi ng kalsada.
"F**k shit! Sino bang lalaki iyon?" (Daing ni Leonard)
Nagising na lang din sa pagkakabundol ang iba pang kasama ni Leonard sa Loob ng Kotse ay dumaing na lang sa pagkagulat.
Agad din namang lumabas sa kotse si Leonard upang i-check kung sino ang lalaking umulpot sa harapan ng sasakyan nila.
Ngunit ni isang bakas ay wala siyang nakita.
Hindi maintindihan ni Leonard kung bakit bigla siyang kinabahan.
Sa Loob ng sasakyan ay nakikita ng apat ang pagiging balisa ni Leonardo mula sa Labas.
"Anong nangyayari kay Leonardo bakit balisa siya?"(tanong ni Clark sa mga kasama)
Bigla namang napatingin si Tristan sa
Bintana ng kotse at napatingin sa siya sa mga bituin. Nagulat siya ng biglang may dumaan na Shooting Star. Biglang pumasok sa isipan niya ang sinabi ni Jess sa kanya tungkol dito.Sa tuwing may dadaan na Shooting Star ay may dadating na Guardian angel upang iligtas siya sa kapahamakan.
At walang ano-ano ay napatingin silang lahat kay Leonardo dahil sa lakas ng pagkakasigaw nito.
Nakita ng kanilang mga mata ang pagdamba ng isa pang Werewolf Kay Leonardo at kung paano nito sakmalin ang Leeg nito.
Sabay tingin ng Nanlilisik na mga mata nito kanila.
[To be Continued..]
WOLFMEN©

BINABASA MO ANG
WOLFMEN (The Secret Of The Lockwoods)
Hombres Lobo"When the Full Moon comes, The Beast Was Coming." Marami na tayong narinig na kwento tungkol sa mga Werewolf at sa modernong panahon ngayon may mga naniniwala pa ba sa mga nilalang na ito? Paano kung ang isang hindi pangkaraniwang nilalang ay magma...