Sa kasalukuyan naman ay naghanda na ng mga damit ni Tristan si Mr.Chan dahil magbabalik na ito sa anyong tao mula sa pagiging Werewolf.
"Welcome back Tristan, matagal din ang Nine days na nakakulong ka dito."
"Huh, Ha; Mr.Chan kailangang ko ng maiinom , uhaw na uhaw na ako."
"Sige, Tristan suotin mo muna yang pants at T-Shirt mo tapos aakyat na tayo sa Taas. Nakahanda na sa Kitchen ang mga pagkain at inumin na kailangan mo."
"Sige, Salamat Mr.Chan."
Pagkatapos magbihis ni Tristan ay nagpunta na sila sa Kusina para Kumain.
Habang sila ay abala sa kanilang umagahan ay biglang napukaw ang atensyon nila sa isang Breaking News sa kanilang T.V.
"Mga bangkay ng Tatlong Lalaki natagpuan sa gubat. At ang mga katawan nito ay pira-piraso na tila kagagawan ng isang mabangis at di-pangkaraniwang Hayop."
Matapos mapanuod ni Tristan ang Balita ay nabitawan nito ang basong hawak niya.
"Oh, Tristan anong nangyare?"
Napansin ni Mr.Chan na naging balisa si Tristan kaya nagtaka na ito.
bigla ng nataranta ang binata at tumayo ito sa kinauupuan habang balisang tumakbo palabas ng bahay ni Mr.Chan. tumakbo siya ng napakabilis hanggang narating niya ang maliit na lawa na malapit sa bahay ni Mr.Chan.
"Hindi! , Hindi ako ang gumawa nun! Hindi ako Halimaw!"
Napaluhod na lang sa tabi ng Lawa si Tristan habang naguguluhan sa mga nangyari at paulit-ulit na pumapasok ang mga bulong sa isip niya.
Hanggang nakita nito ang sariling repleksyon sa tubig ng Lawa at doon ay pinagmasdan ang sarili.
"Hindi ka halimaw Tristan!"(wika ni Tristan sa Sarili.)
Nagulat siya ng biglang nakita niya sa Repleksyon ng Tubig na may taong nakatingin at nasa likod niya.
"Aaaaahhhhhhhh!"
"Hey, Sir si Jess to."
"Ikaw lang pala Yan Jess, akala ko kung sino na."
"Hahaha! Magugulatin ka pala Sir noh?"
"Ewan ko sayo, Teka pano mo nalaman na nandito ako?"
"Pinasundo ka kasi sa akin ni Mr.Chan at dito daw kita matatagpuan kasi dito ka daw tumakbo kanina."
"Ganun ba; OK!"
Magkasabay na bumyahe si Tristan at Jess pauwi ng bahay ngunit habang pauwi ay nadaanan nila ang bagong Bukas na Carnaval.
"Sir Tara naman muna mamasyal diyan sa Carnaval, Pls!"
"Next time na lang, madami pa ako gagawin."
"Sayang naman Sir gusto ko pa naman magsaya ngayon."
Sa kabila ng pagmamakaawa ni Jess sa kanya ay Hindi pa rin niya ito pinagbigyan sa halip ay pinaharorot pa niya ang sasakyan pauwi.
Habang tumatakbo ang sasakyan ay nakatulog na sa byahe si Jess habang si Tristan naman ay napatingin sa Digital Watch na nasa Loob ng Kotse nila. Napansin niya ang date ng araw na yun March 6 at bigla niyang naalala na ito ang Birthdate na nakita niya sa Personal Data ni Jess. Kaya nakonsensya siya kasi hindi niya napagbigyan ang simpleng hiling nito.
I-minaniho ni Tristan ang sasakyan pabalik ng Carnaval habang si Jess naman ay himbing na himbing sa pagkakatulog.
Pagkarating sa Carnaval ay agad na ginising ni Tristan si Jess.
"Jess, Wake Up!"
"Hmmmffff! Haaaa!"
"Were here."
"Sir? Carnaval? Akala ko sa bahay mo na tayo."
"Basta, Tara na gusto ko din magsaya."
Pagkatapos bumaba ng sasakyan ay hinila na ni Tristan si Jess papasok ng Carnaval.
Una nilang sinakyan ang Roller Coaster, halos mapaos si Jess sa kakasigaw habang si Tristan ay napapangiti na lang sa nakakatuwang reaksyon ni Jess, Sumunod naman nilang sinakyan ang Horror Train ngunit sa pagkakataong ito ay napahanga sa Reaksyon ni Jess si Tristan dahil ni hindi man lang ito natatakot sa mga Supernatural Characters dito sa halip ay tawang-tawa pa ito.
"Ibang klase talaga ang babaeng ito." (Bulong ni Tristan)
Nasundan pa ng nasundan ang pagsakay nila. Hanggang nasakyan na nila lahat ng Rides sa loob ng Carnaval.
"Grabe Sir, its such a Great day thank you po. Nag-enjoy ako ng Sobra."
"OK lang yun Jess Treat ko na yan sayo at ito pa.."
Inabot ni Tristan ang biniling Teddy Bear kanina Sabay bati nito ng
"Happy Birthday Jess!"
Habang si Jess ay tila na Shock at hindi agad nakarecover sa ginawa ni Tristan.
"Ahhhh! Ehhhhh! Thank you Sir, thank you for celebrating with me."
"Welcome Jess."
Pagkatapos magpasalamat ni Jess ay hinila nito si Tristan sa isang Game Booth.
"Hi sir mam, Try nyo na po ang bago naming games. Simple lang po ang Mechanics pag napana po ninyo ang Red Logo sa Gitna ng puting Circle na yun gamit ang archer na yan ay mananalo po kayo ng isa sa alin man sa mga Big Size na Teddy Bears namin."
"Ah, simple lang pala sige po mam, ito bayad ko, pa try ako ng isa."
Kinuha na nga ni Jess ang Archer at itinutok ito sa Red Logong Target. Na-Curiuos naman si Tristan sa gagawin ng dalaga kaya napatingin ito dito. At sa pagkakataong iyon ay tila may gaan ng Loob siyang naramdaman habang pinagmamasdan ito. Hanggang sa nakita niya na itinira na nito ang palaso at kitang kita ang tuwid na Pagtama nito sa target.
"Yesss! Wohoooo! Natamaan ko!"
Sa malakas na pagkakasigaw ni Jess ay naputol ang pagka hypnotize nito habang nanunuod sa dalaga.
"Ah, eh, Good J-job Jess!"
Nakakuha si Jess ng isang malaking White Teddy bear dahil sa nagawa at bilang pagpapasalamat ay binigay niya ito sa binata.
Hindi naman maiwasang matuwa ni Tristan sa ginawa ni Jess kaya nayakap niya ito.
At sa pagkakataong din yun ay tila masaya sila pareho sa nangyari. Bagaman sa isip ni Jess ay Awkward ang pangyayaring ito.
_________________________________________
Sa isang Terrace ng napakalaking Mansyon ay Nakatayo ang isang Matandang Lalaki. Naka-Black Suit ito Kalbo at may bigote, matangkad, maputi at singkit ang mga mata. Siya ay nag-ngangalang Tyrant Ventura.
"President Tyrant alam niyo na po ba ang balita."
"Oo! Kyle alam kong isang Werewolf ang may kagagawan sa Pagkamatay ng Tatlong Lalaki sa Gubat."
"Yun din po ang hinala ko President dahil hindi magagawa yun ng isang ordinaryong hayop at isa pa Full Moon ng mangyari yun."
"Tama ang hinala mo, kung ganun may natitira pa pala sa Lahi ng Alpha Tribe."
"Eh, Ano pong gagawin natin."
"Kailangan nating mahanap ang Werewolf na yun at paslangin."
"Masusunod po President sa Susunod na Full Moon iipunin ko ang ating mga tauhan para hulihin at patayin ang Werewolf na kasapi ng Alpha Tribe."
[To be Continued..]
OST: Adore by Paramore
©WOLFMEN

BINABASA MO ANG
WOLFMEN (The Secret Of The Lockwoods)
Werwolf"When the Full Moon comes, The Beast Was Coming." Marami na tayong narinig na kwento tungkol sa mga Werewolf at sa modernong panahon ngayon may mga naniniwala pa ba sa mga nilalang na ito? Paano kung ang isang hindi pangkaraniwang nilalang ay magma...