Chapter 10 (Love Part 2)

5 1 0
                                    

Pagkarating na pagkarating ni Tristan sa bahay ay agad itong nagyakag na mamasyal..

"Jess, magbihis ka na may pupuntahan tayo."

"Ok, Sir.."

"Ah, Jess.."

"Bakit po Sir?"

"Wag mo na akong tawaging Sir , hindi kasi ako komportable e. Tristan na lang ang itawag mo sa akin."

"Sige."

Umakyat na sa kwarto si Tristan para magbihis.

Habang si Jess naman ay nag-aayos na napatigil siya ng makita ang sarili na nakangiti mula sa salamin. Hindi pa din kasi ito makapaniwala na iba na nga ang trato sa kanya ni Tristan parang pakiramdam niya ay wala ng among at assistant sa pagitan nila.

Sa kabila ng ngiti niya ay bigla itong napatanong sa sarili.

"Bakit kaya.. Ibang-iba na si Sir Ngayon, kasi lagi na siyang nakangiti at lagi na along kinakausap tungkol sa mga personal na bagay na may kaugnayan sa akin? Ang layo na niya mula sa dating siya."

Bahagyang nagulat si Jess ng maya-maya ay may kumatok sa pintuan niya.

"Uh, Tristan , ikaw pala!"

"Handa ka na ba?"

"Oo naman. Ano Tara na?"

Paglabas ng bahay ay Sabay na pumunta ang dalawa sa Parking Lot upang makasakay na ng Kotse at ng bubuksan na ni Jess ang Kotse ay pinigil siya ni Tristan.

"Oooooopppss!"

"Bakit, Tristan?"

Habang nakatingin si Jess Kay Tristan ay nakangiti itong pinagbuksan ng pinto at malambing siyang pinapasok ng Kotse.

Ilang Minuto ng nasa byahe ang dalawa.habang si Tristan ay patuloy sa pagkekwento ay nakakatitig lang si Jess sa kanya at tila walang naririnig at tanging ngiti lang ang tila response sa mga kwento ni Tristan. Dahil hanggang Ngayon ay hindi pa din makapaniwala si Jess sa mga gingawa ni Tristan. Tila nawewerduhan ito sa lalake at kasabay din nito ang kilig na nadarama niya.

Tila ang gaan lang sa pakiramdam na magkasama sila.

"Jess!"

"Hey, Jess?"

"Ah, sorry,tawag mo ba ako?"

"Oo, kanina pa kasi kitang tinatanong pero nakangiti ka lang at nakatitig sa akin."

"Ganun ba, Sorry talaga may iniisip lang kasi ako."

"Pwede bang malaman kung ano yun?"

"Uh, basta wala yun."

"OK."

Nakarating na si Tristan at Jess sa isang Carnaval.

Dito sa Carnaval na ito una silang nagkapalagayan ng Loob at dito din sila unang magkasamang namasyal.

Mula sa Entrance ay hinawakan ni Tristan ang kamay ni Jess at sabay silang tumakbo papunta sa isang Game Booth.

Pinuntahan nila ang Game Booth ng Archery. Alam ni Tristan na magaling dito si Jess kaya malilibang ito dito. Kaya ito ang pinili niyang puntahan.

Si Tristan ang unang sumubok.

Kailangan lang ma-Hit ng gamer ang Red Circle na nasa gitna ng isang malaking Dart Board para makuha ang Prize.

Pagkatapos ng tatlong subok ni Tristan ay nabigo itong ma-Hit ang Target.

"Oh, Jess bakit ka natatawa?"

"Wala ang Cute mo kasing tingnan habang nagseseryuso ka sa Target."

"Ikaw talaga, O ikaw na."

At inabot na ni Tristan ang Archer Kay Jess.

Nakaposisyon na si Jess Handa na nitong bitawan ang palaso patungo sa Target.
Napatingin si Tristan Kay Jess habang Seryuso ito at naka-Focus sa target. At tila slow motion ang sumunod na nangyari nabighani siya sa kagandahan ni Jess. Ang mga nangungusap at inosenteng mga mata ang labi noting mala labi ng isang anghel at ang napakaamo nitong mukha. Habang patagal ng patagal ang titig niya ay kumakaba ng kumakaba ang kanyang dibdib.

Habang nakatingin si Tristan Kay Jess ay napukaw din ang atensyon nito sa palaso na binitawan na ni Jess at sinundan niya ito ng tingin hanggang sa tumama o na-hit nito ang target.
Ng tumama ang palaso sa Red Target ay napahawak si Tristan sa Kanyang dibdib at kasabay nito ang pagtigil ng tila Slow Motion na pangyayari.

"Yeheeyyy! Look Tristan, na-hit ko young target."

"Uh! Eh! Oo na-hit mo nga , ang galing mo ah."

Matapos ma-claim ang Price nila ay sumakay naman sila sa Perry's Wheel. Masayang masaya sila habang magkatabing malakas na nagkukwentuhan. nagkatinginan na lang sila bigla ng huminto sa pinatuktok ang  kanilang inuupuan at mula doon ay nakita nila ang magandang tanawin. Tanaw na tanaw mula dito ang kabuan ng Carnaval at sa di-kalayuan ay Tanaw din mula dito ang Orange na mga ulap na gawa ng Sunset.

"May sasabihin ako Sayo.."(magkasabay na banggit ng dalawa sa isat-isa)

"Ahmm, sige ano yun Jess?"

"Kasi.. Eh , ikaw muna Tristan."

"Ahem! Ladies First nga diba!"

"But not this time!"

Walang katapusang dahilan ang dalawa kung sino ang mauuna hanggang sa di-sinasadyang pagkakataon ay nabigkas nilang magkasabay ang isang salita. Ang salitang pumutol sa mga pagdadahilan nila. Ang salitang ito ay ang..

"I LOVE YOU!"

WOLFMEN (The Secret Of The Lockwoods)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon