Chapter 9 (The Others)

7 1 0
                                    

Patuloy pa din sa  paghahanap si Jess kay Tristan ngunit hindi pa din nito makita.

Ilang beses din siya tumawag sa phone ni Tristan ngunit hindi ito nasagot.

"Ano na ang nagyari sayo Tristan?"

Sa takot naman ng tatlo ay agad nilang kinuha ang kani-kanilang sandata at agad na lumabas ng kotse.

"Hello, Mr.Kyle may problema."

"Ano yun Clark?"

"Ahhhhhhhhhhhhhhhh!!"

"Hello Clark! Hello!"

Habang tumatawag sa telepono si Clark ay inatake siya ng Werewolf  at agad siyang sinakmal nito sa leeg at nalagutan din ito ng hininga.

Mula naman sa Telepono ay naririnig ni Kyle ang mga Ungol ng Werewolf na nagbigay linaw naman sa kanya na natambangan ang kanyang mga tauhan ng isang Werewolf.

Nagsama naman si Erwin at Alex upang harapin ang Werewolf.

Napakahigpit ng kapit ng dalawa  sa kanilang mga armas habang medyo nanginginig. Dahil alam nila na dehado na sila sa sitwasyong iyon. At bukod dito lubhang napakabilis ding kumilos ng nasabing Werewolf.

Narinig ng dalawa ang mabangis na ungol  na naging dahilan din upang tumagaktak ang kanilang pawis.

Nawala sa konsetrasyon ang dalawa ng bigla sa silang bundulin ng Werewolf na naging dahilan ng pagtilapon nila sa kalsada habang nabitawhan nila ang kanilang armas.

Habang nakadapa si Erwin ay napansin niya na ang ispada niya ay nasa di-kalayuan lang  sa harap niya. Kaya gumapang siya upang abutin ito. At ng akmang maabot niya na ito ay biglang ay biglang kinagat ng Werewolf ang binti nito at hinila gamit ang bibig nito paatras pagkatapos ay pinagpira-piraso ito gamit ang napakatatalas nitong mga kuko.

Habang si Alex naman ay nahihilo at nama Handusay pa dahil sa pagkakatilapon ay Hindi nito naiwasang mapasigaw dahil sa nakita.

At sa ilang saglit lang ay walang ano-anong tumakbo ang Werewolf dito at ng makalapit ay sinakmal ang Ulo nito hanggang sa madurog ang bungo nito at tuluyan ng nalagutan ng hininga.

Pagkatapos ng ingay na sanhi ng malalakas na sigawan ay biglang tumahimik ang bahagi ng kalsadang iyon habang tila nadiligan ito ng dugo.

Nagawa na ding huminahon ng Werewolf ng magapi ang mga Hunters at nag-anyong tao na din ito at lumapit sa Kotse.

Ng buksan niya ang pinto nito ay natagpuan nito ang walang Malay na si Tristan.

_________________________________________

Natapos na ang party at nakauwi na ng bahay si Jess at doon ay naramadaman niya na ang sobrang pagkabahala sapagkat Hindi niya nadatnan sa bahay si Tristan.

"Hala! Ano n kaya ang nangyari Kay Tristan?"

Kinuha nito muli ang Kanyang Cellphone at tinawagan si Mr.Chan.

"Hello! Mr.Chan, kasama niyo po ba si Tristan?"

"Hindi, Jess ang alam ko magkasama kayo dahil hindi ko na kayo nakita sa Venue."

"Naku, Mr.Chan bigla na lang po kasi siya umali ng hindi man lang nagsabi kung  saan siya pupunta."

"oh, no Jess! I guess there something wrong. ganito na lang I call you later, OK?"

"OK, Mr.Chan bye!"

Pagkatapos ng Pag-uusap ni Mr.Chan at Jess ay nakareceive si Mr.Chan ng isang Text message.

(Mr.Chan; Checkout the News on Tv4)

At agad ngang binuksan ni Mr.Chan ang TV at nilagay sa nasabing channel.

WOLFMEN (The Secret Of The Lockwoods)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon