Chapter 4

399 19 0
                                    

HEIRA'S POV

Inilalagay na ni Chanyeol yung mga gamit namin sa kotse niya.

"Sigurado ka ba talagang magsasabay tayo papuntang Airport? Hindi naman kaya magkaissue toh?" nababahalang tanong ko sa kanya. 

Kasi tinext kaming pareho ng Secretary ng CEO na sa Airport na raw kami magsikita-kitang lahat.

Tapos ang EXO daw ay kelangan may kasabay na staff para mabantayan sila. At etong si Chanyeol ay gusto akong isabay -_-

"Hay nako. Just believe me,okay? Halika na." sabi niya saka ako pinapasok sa kotse niya.

Nagmaneho na siya papuntang Airport. Malayo palang kami ay kitang-kita na namin yung mga fans nila. At dahil sa sobrang daming tao ay naisipan naming sa private gate nalang ng Airport dumaan.

Pagkarating namin doon. Nandoon na rin ang ibang staffs. At ipinaliwanag rin ni Chanyeol bakit kami magkasabay na pareho.

Mukha namang napaniwala niya ang ibang staffs. Tsk tsk. Kaya lumalaki lalo tenga nito eh. -_- Ang hilig kasi magsinungaling.

"Yodaaaa!" lahat kami ay napatingin sa sumigaw. Si Baekhyun pala.

"Baek -_-" sabi ni Chanyeol. Hehe,asar na yan.

"Hehehe. Sarreh! Sinong kasabay mong pumunta dito? Tsaka saan galing yang mga gamit mo? Eh di ka naman bumalik ng Dorm ah." napantig naman ang tenga ko sa tanong ni Baekhyun.

Wengya! Ang chismoso pala talaga ng baklang toh--este ng Baekhyun na toh.

"Ah yun ba? Kina Mama Park ako pumunta,right? And doon ko nalang rin kinuha yung mga gagamitin ko." palusot naman ni Chanyeol. Hay! Buti naman at nakaisip ng magandang rason ang loko.

"Ah. Ganoon ba? O sige. Teka lang ha.."

Maya-maya pa dumating na rin si Kate. Wengyang babae toh. Ang tagal talaga kahit kelan.

"PaVIP much?" nakataas kilay na sabi ko sa kanya.

"Ikaw naman. Nagpaganda pa ko noh. Alam mo naman. Nagpapacute pako kay Fafa Dyo. Hihihi.." malanding loka toh -___-

"Hay nako.  Oh halika na. Aalis na daw tayo." sabay tayo ko at ayos na ng mga bagahe.

Nang nasa loob na kami ng eroplano ay magkatabi kami ni Kate. Napatingin ako sa EXO nang dumaan sila.

"Hi Noona!" kaway sakin ni Sehun at Kai. Ngumiti naman ako at nag-hi rin sa kanila.

Nang dumaan na si Chanyeol ay umiwas ako ng tingin. Nang tingnan ko ulit siya. Ang sama ng titig niya sakin. Problema nun?

Pagkatapos ng ilang oras o minuto dahil hindi ko na rin namalayan ang oras ay nakarating na kami ng Japan.

As expected,EXO. Ang daming fans. Jusko lang. Ang hirap makadaan! Pagkatapos ng pakikipagsiksikan ay nakasakay na rin kami sa Bus.

Bus yung ginamit para daw sama-sama kaming lahat. Dinala na kami sa Hotel na pagtutulugan naming lahat. At dahil hapon na rin naman ay binigay nalang samin ang natitirang oras para makapagpahinga.

Kais maaga pa daw ang punta namin sa shooting place kung saan kukuhaan ng litrato ang EXO para sa simula ng World Tour nila.

Habang kami ni Kate ay naisipan naming pareho na matulog nalang muna. 

Ipipikit ko palang ang mata ko nang biglang tumunog ang phone ko.

Si Chanyeol..

Sinagot ko naman ang tawag niya.

"Bakit?" bungad ko sa kanya.

"I miss you.." Ano daaaaaaw?!

"Ha? Anyare na naman sayo? Nakadrugs ka ba?"

Secretly Married To An IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon