HEIRA'S POV
"Heira, gumising ka na. I'm going to EXO's Dorm. Baka nagtataka na sila ‘e. Dalawang gabi na’kong hindi umuuwi." rinig ko ang husky voice niya. Dahan-dahan ko namang minulat ang mga mata ko. Nakatalikod siya sakin habang sinusuot ang polo niyang puti.
Then, humarap siya bigla. Ay shet! Ba't di niya pa binubutones yang polo niya?! Tumalikod ako sa kanya kasi naman ano! Kahit na isang buwan na kaming mag-asawa ‘e hindi pa rin naman ako sanay na makita ang katawan niya.
Bumangon na ako at inayos ang sarili ko. Naramdaman ko namang ang paglapit niya sakin.
"Heira, kapag nasa trabaho tayo pwede bang iwasan mo ang pagpapacute sakin?" ANO DAW?!
Humarap ako sa kanya saka siya binigyan ng masamang titig. HOLLER?! Hindi ako nagpapacute sa kanya 'no!
"Anong sabi mo, Park Chanyeol?!" galit na sabi ko.
"Hahahahaha! Ang epic talaga ng mukha mo kapag nagagalit ka! Hahahahahahaha." Kita niyo na! Pinagtitripan niya na naman pala ako. Walangya!
"Huy! Bawiin mo yung sinabi mo! Hindi ako nagpapacute sayo, ano!" sabi ko saka ko siya hinabol. Naghabulan kaming dalawa paikot ng bahay.
"Hahahaha! Hindi ko babawiin yun. Gusto kong makita yung epic mong mukha eh! Hahahahaha. Parang si Suho Hyung lang!" tawa pa rin siya ng tawa. Nako lang talaga. Kapag talaga ikaw naabutan ko.
Patay ka saking bata ka.
"Anong nangyayari sa inyo dito?" Napatigil kaming dalawa ni Chanyeol sa paghahabulan nang dumating si Ate Yoora. Ate siya ni Chanyeol.
"Ateeeee!" parang batang sigaw ni Chanyeol saka yumakap kay Ate Yoora. Lumapit din naman ako.
"Ate, namiss kita! Ilang linggo ka ring naging busy ha?" sabi ni Chanyeol.
"Hay nako, Chanyeol. Tigil-tigilan mo’ko ha. Heira, kamusta ka naman dito? Hindi ka ba inaapi nitong magaling kong kapatid?" tanong ni Ate Yoora sakin.
"Nako, hindi naman, Ate. Super good boy nga nitong kapatid mo 'e." May sarkistong sagot ko saka tiningnan ng masama si Chanyeol na nakatago sa likod ni Ate Yoora.
"Mabuti naman kung ganoon. O sige na. Ituloy niyo na ang naudlot niyong landian—este lambingan at ako'y aalis na rin."
"Ha? Aalis ka na agad?" Chanyeol
"Oo. Meron kasi akong importanteng lakad. O sige. Babayuuu!" saka umalis si Ate Yoora.
Dahan-dahan pa sanang aalis si Chanyeol pero nahila ko yung necktie niya.
"At san ka pupunta?" saka ko siya tiningnan ng matalim.
"He-he-he.. Heira naman. May lakad pa ang asawa mo. He-he-he.." natatakot na sabi niya. Ang cuuute! Ay este ang pangit!
"Tsk." sabi ko lang tsaka hinila siya palapit sakin at inayos ko ang necktie niya.
Nang matapos kong maayos ay nagkatitigan kami sandali. Pero agad din akong umiwas.
"M-Maliligo nako. O sige,umalis ka na. Shoo!" sabi ko habang pinagtatabuyan siya.
"Maaga pa naman. Gusto mo paliguan kita?" O_O Ano daw?! nang-aasar na naman siya. Argh!
"H-Heh! Bastos!" saka ko siya tinapunan ng tsinelas ko at dali-daling umakyat papuntang kwarto.
Rinig ko pa hanggang dito sa taas ang malakas niyang tawa. Wengya talaga yun!
Naligo na ako at ginawa ang daily routine ko. Nang makababa ako ay wala na siya. Napangiti naman ako ng mapait. Lagi kong iniisip na ang malas ko kasi sa edad na 23 ikinasal na agad ako. Pero ang totoo naman ay ang swerte ko.
BINABASA MO ANG
Secretly Married To An Idol
Fiksi PenggemarShe's secretly married to Park Chanyeol. Genre: Fanfiction and Romance. [ON-GOING]