HEIRA'S Point of View
"Baliw ka na talaga." sabi ko sa kanya habang nagda-drive siya.
"Why? Dating in the middle of the night? Isn't that romantic?" nakalokong ngiti niya.
"Tss. Romantic-romantic ka dyan." saka ako umiwas ng tingin sa kanya. Baka kasi mahalata niyang kinikilig ako.
"Hmm,I'm really lucky to have a wife like you." titig na titig siya sa mga mata ko habang sinasabi niya yun.
Ngumiti lang ako at umiwas ng tingin sa kanya. You're making my heart beat so crazy, Chanyeol-ah.
Pagkatapos ng almost 30 minutes na biyahe ay huminto kami sa isang dalampasigan. Medyo malamig pero buti nalang at may extrang jacket and heat pads na dala si Chanyeol.
Naglagay rin siya ng tela sa buhangin at may kinuha na mga pagkain. Mukhang pinaghandaan niya nga ata talaga 'to. Umupo na kaming dalawa na magkatabi, nakansandal pa ang ulo ko sa balikat niya.
"Heira, ayoko ng humahabol ka sa mga sasaengs ha? Baka mapahamak pa 'e. Sobra akong nag-alala sayo." Hinarap niya ako at hinawakan ang mga kamay ko.
"S-Sorry. Sobra lang naman akong kinabahan 'nong makuha niya ang phone mo. Baka kasi may mga importanteng bagay doon." Napayuko nalang ako, feeling of guilt siguro.
"It's okay basta wag mo na ulit gagawin 'yon kung ayaw mong mawalan ng menstruation for nine months." Agad ko namang nakita ang pilyo niyang ngiti kaya pinalo ko sa siya sa balikat niya.
"Manyak ka talaga!" Tinawanan niya lang ako ng sobrang lakas at inakbayan. Kinain rin namin ang mga pagkaing dala niya then we started star gazing.
It was around 3am nang makabalik kami ng Hotel ni Chanyeol pero mas nauna akong naglakad papasok ng hotel kesa sa kanya kasi baka may makapansin sa aming dalawa.
Pagkarating ko sa room 'e tulog na tulog pa si Kate. Agad naman akong nagbihis pantulog at nahiga na, inalala ang magagandang nangyari kanina. May ngiti sa labi akong natulog.
CHANYEOL'S POV
"Saan ka galing, Hyung?" Nagulat ako nang pagpasok ko 'e gising pa si Sehun. Ngumiti naman ako agad para hindi niya mahalatang kinakabahan ako.
"Sa baba lang, nag-kape. Ikaw? Ba't gising ka pa?" sagot ko naman habang nagbi-bihis na ng pantulog.
"Nagising lang ako bigla 'e." Tumango-tango nalang ako sa kanya saka humiga sa kama ko.
"Ahm, Hyung, pwede ba akong magpa-tulong sayo?" Napatingin naman ako kay Sehun nang tawagin niya ako.
"Sige, ano ba 'yon?" Sagot ko na walang pag-aalanganin.
"Pwede mo ba akong tulungan maging kaibigan si Heira Noona?"
Parang gusto kong bitayin si Sehun sa mga oras na 'to dahil sa sinabi niya. Kinakain ata ako ng selos ko, umiwas ako agad ng tingin at kinalma ang sarili ko.
"Kaibigan lang ba?" Tanong ko sa kanya ng seryoso.
"Hehe, oo sana, Hyung." Kinagat ko ang ibabang labi ko saka ako tumango kay Sehun at umayos na ng higa.
"Yes, thank you, Hyung!" Masayang sabi ni Sehun saka humiga na rin sa kama niya pero ako, naka-close fist na at pinipigilan na magpadala sa emosyon. Nakakainis!
HEIRA'S POV
We are already going sa lugar kung saan gaganapin ang another video shoot nila for their concert's teaser. As usual kasama ko ang EXO sa loob ng bus.
I was checking their schedule para malaman na on track pa rin kami sa flow ng sched nila. Hindi kasi pwede na may ma-miss kaming sched.
Naglalaro ng word play ang EXO sa bandang mga upuan ng Bus. As usual, ang iingay nilang siyam. Nasa bandang harap kasi ako kasama ang ibang staffs.
BINABASA MO ANG
Secretly Married To An Idol
FanfictionShe's secretly married to Park Chanyeol. Genre: Fanfiction and Romance. [ON-GOING]