Chapter 3

508 24 0
                                    

HEIRA'S POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Sinubukan kong bumangon pero ang sakit sakit ng ulo ko. Ugh!

Nagtaka naman ako na nasa kwarto ko na kami ni Chanyeol. Eh ang huling naalala ko naman ay naglasing ako sa bahay ni Kate kasi hindi naalala ng magaling kong asawa na Monthsary namin kahapon.

Aish. Teka,nalaman na kaya ni Chanyeol na naglasing ako?

Malamang,Heira. Kaya nga nandito ka na sa kwarto niyo,diba? Hay nako! Para naman akong baliw dito.

Napatingin naman ako sa suot kong damit. O___O BAKIT IBA NA?! WAAAAAAAAH!

Nagulat naman ako ng bumukas ang pinto ng kwarto. Si Chanyeol..

"Goodmorning." nakangiti niyang sabi habang papalapit sakin.

"I-Ikaw ba ang nagdala sakin pauwi?" nahihiyang tanong ko sa kanya. Marahan naman siyang tumango.

"Lasing na lasing ka nga eh." natatawang sabi niya. Nahiya naman ako doon. Bigla kong naalala ang damit ko.

"B-Bakit i-iba na ang suot kong damit?" argh! Nakakahiyaaaa >o<

Tiningnan ko siya. Then he smirked. O___O

"I-Ikaw?" O__O

"Hahahahahahahahahahaha! Ang epic talaga ng mukha mo kahit kelan. Hahahahaha." tawa pa rin siya ng tawa. Tapos heto ako. Naninigas na sa kama dahil sa sobrang kahihiyan.

"Si Kate ang nagbihis sayo,okay? Hahahahaha. Dinala ko siya dito sa bahay tapos siya yung pinagpabihis ko sayo." paliwanag niya. Binigyan ko naman siya ng death glare. Walangya!

Tatayo na sana ako pero sumakit naman ang ulo ko kaya napahawak ako sa noo ko.

"Aww." daing ko habang nakapikit sa sobrang sakit.

"Oh bakit? Teka,kukuha lang ako ng gamot. Humiga ka muna." nagpapanick na sabi niya saka niya ako inihiga.

Lumabas siya ng kwarto. Napangiti naman ako. Bakit ka ba ganyan Park Chanyeol? Bakit ba napaka-Perfect Prince mo? Hays.

Hinintay ko lang siyang bumalik. Nang makabalik siya ay inayos niya naman ako ng upo at pinainom ng gamot.

"Kaya mo bang pumasok sa trabaho ngayon? Magpahinga ka nalang kaya." nag-aalalang sabi niya.

"Chanyeol,kaya ko,okay? Tsaka mawawala rin naman siguro toh." sabi ko sa kanya.

"Sigurado ka ba? Ako ng bahalang rumason sa CEO." sabi niya pa.

"Chan,edi mas makakahalata naman sila. Ikaw talaga. Maliligo na ako." sabi ko sa kanya. Tinulungan niya naman akong makatayo. Kahit na ang sakit sakit na ng ulo ko kelangan kong pumasok ng trabaho.

Nang makapasok ako ng banyo ay napasandal muna ako sa pinto.

"Bakit ba kasi kelangan mo pang magtrabaho? Malaki naman ang kinikita ko sa pagiging singer ah." rinig kong sabi ni Chanyeol sa labas.

"Bago pa man tayo makasal nagtatrabaho nako sa SM Ent.,okay? Tsaka kahit na." sagot ko naman.

"Bakit? Gusto mokong makasama,ano?" panunukso niya -_-

"H-Heh!" sabi ko saka nagtungo sa shower. Rinig ko na naman ang tawa niya.

Walangya talaga! Sa bawat salita niya ata hindi mawawala ang panunukso o pang-aasar niya eh. Tsk. Baliw talaga.

Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ng sarili ay bumaba na rin ako. Nakita ko naman si Chanyeol na nakasitting pretty sa sofa habang nanonood ng TV.

Secretly Married To An IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon