Scene 2

21 0 0
                                    



Tagpuan: Bahay ng pamilya Santillan

Tauhan: Yaya Rosa, Yaya Gumamela, Helena, Victoria,Doña Victorina,Don Lucas

(sa kusina...)

Yaya Rosa:Uy Mela, buntis kuno si Maam Nimfa, narinig ko sa kapitbahay madalas daw magkasama yun at ang kanyang nobyo

Yaya Gumamela: Grabe ka naman day, malay mo di naman yun totoo, hindi naman ganun si Maam Nimfa ah.

Yaya Rosa:Hindi nga, totoo yun narinig daw kasi mismo ng kapitbahay na pinag-uusapan nila yun

Helena:What is that? Tama ba ako ng rinig? Buntis ang kapatid ko?

(silencio)

Helena:Bakit hindi kayo makasagot?Totoo ba?!Sagutin niyo ako!

Mga Yaya:Si, senyorita.

Helena:Sinasabi ko na nga ba!!

(pupunta sa sala)

Helena:Mama, iyo bang sinisigurado kung walang ginagawang kabalbalan ang magaling mong anak?

Victoria: Anong ibig mong sabihin ate? Mukhang may nais kang tumbukin?

Helena:Alam niyo bang buntis si Nimfa?

Victorina:Por Dios Por Santo, totoo ba yan Helena, hindi iyan magandang biro para iparinig mo sa amin ng iyong papa!

Victoria:Oo nga ate, magtigil ka nga!

Lucas:At kanino mo narinig iyan?

Helena:Sa mga katulong, they heard it from our neighbors.

Lucas:Nasaan si Nimfa?!

Victoria:Papa, maghunos-dili ka, makakasama iyan sa iyo

(Nimfa,papasok, magmamano)

Lucas:(pipigilan si Nimfa pagmamano) Totoo ba?

Nimfa:Pa!

Lucas:Totoo bang buntis ka? Ha Nimfa!

Victorina: Lucas, tumigil ka muna baka mapano ka. Nimfa sagutin mo kami!

Nimfa:Ma, sorry po, patawarin niyo po ako.

Victorina:Pinag-aral ka naming para magkaroon ka ng magandang kinabukasan pagkatapos ano ito?

Lucas:Lumayas ka!

Nimfa:Pa, please, wag naman po, pakinggan niyo po ako.

(Papasok si Isco)

Isco:Mawalang galang nap o , wag naman po sanang umabot sa ganito.

Helena:At isinama mo pa ang iyong nobyo, hala sige lumayas kana.

Lucas:Nimfa, Layas! Wala akong anak na gaya mo, isang malaking kahihiyan ang ginawa mo (maninikip ang dibdib)

Victorina:Lucas!Lucas!

Victoria:Yaya, tubig bilis!

Nimfa:Papa, Papa!

Victoria:Lumayas ka na , tingnan mo kung ano ang dinulot mo, umalis kana muna...

Isco:Nimfa, tara na muna, bumalik nalang tayo kapag maayos na ang lahat...





"Sa Ugoy ng Duyan"

Anindie film by 9 – Prime


Sa Ugoy ng DuyanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon