Scene 34

1 0 0
                                    


Scene 34

Tagpuan:TINDAHAN

Tauhan:Aling Susan,Belembe,Alfred,Isco,Sandra,Nimfa,Eloisa

Belembe:Ma, pahingi pa nga kami ng isang bote diyan.

Aling Susan:Tama nay an, kanina pa kayo nakaupo diyan.

Belembe:Last na ma, ako naman magbabayad eh.

Aling:Bel,halika nga ditto (lalapit si Bel sa ina), yang si Isco, may asawa yan, bakit nililingkis ng kaibigan mo

Bel:Hayaan mo na nay, problema na nila yan

Isco: Paniwalang paniwala si Nimfa, na maghahanap ako ng trabaho, pinangutang pa nga ako ng pera eh

Alfred:Edi tiba-tiba ka ngayon.

Sandra:Balato naman.

Isco:Akong bahala sa iyo...mamaya

Sandra:Sigurado ka ha?

Isco:Oo na..

Bel:Hoy Isco,hindi ka ba nahihiya sa asawa mo?

Isco:Hindi,nakakasawa naman na kasi ang pagmumukha non, pati yung mga kasama ko sa bahay, wala rin namang naitutulong, siya tinda ng tinda, hindi naman umaasenso, yung mga bata aral ng aral mukhang wala rin namang patutunguhan,ginagastusan lang.

Sandra:Saka bakit siya mahihiya,yung asawa niya dapat, losyang na losyang na, di man lang mag-ayos-ayos ng sarili.

(papasok sa eksena si Nimfa at Eloisa)

Eloisa:Kaysa naman sa itsura mo, mukha kang coloring book, malandi pumapatol sa asawa ng may asawa

Bel:Patay ka Sandra, nandiyan na ang asawa.

Sandra:Hindi ako natatakot sa losyang nay an

Nimfa:Akala ko ba naghahanap ka ng trabaho (umiiyak)

Isco:Yan ang mali sa iyo, ang dali mong mauto.

Nimfa:Napaniwala mo akong bumalik ka na sa dati, pero baligtad pala...

Isco:SAWANG-SAWA NA KASI AKO SA BUHAY NA KASAMA KA AT SA BUHAY NA MERON TAYO, ISANG KAHIG ISANG TUKA, BWISIT , NAHIYA NA NGA ANG DAGA SA SOBRANG KAHIRAPAN NATIN EH, DI MO PA RIN BA YUN MAINTINDIHAN HA NIMFA, AYAW KO NA SAYO.

Sandra:Tama ka ng rinig, ayaw na niya sayo at sa akin na siya sasama.

Nimfa: (luluhod at magmamakaawa) Isco, kung ayaw mo na sa akin hindi naman kita pipilitin eh, pero wag ka naman sang sumama sa babaeng yan, parang-awa mona, kahit para nalang sa mga bata.

Isco:Ayaw ko na nga diba, kayang-kaya mo naman na palakihin ang mga yan.

Nimfa:Isco,nagmamakaawa ako, maawa ka naman sa mga anak mo, ayos lang bas a iyo na masira ang kinagisnan nilang pamilya?

Isco:Wla na akong pakialam

Eloisa:Wag ka ng magmakaawa pa diyan, hindi nababagay na iyakan mo ang ganyang klase ng tao! MAGSAMA-SAMA KAYO MGA SALOT SA PILIPINAS!



Sa Ugoy ng DuyanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon