Scene 46

1 0 0
                                    


Scene 46

Tagpuan:Bahay ng mga Bartolome

Tauhan:Nimfa,Crissa

Crissa: (umiiyak)Ang kakapal ng mukha nila,babayaran pa nila si nanay para mapawalang sala ang hayop niyang anak.

Nimfa: Crissa, anak...

Crissa: (yayakapin ang nanay) Nay...

Nimfa:Alam ko na anak..wag ka ng umiyak,hindi ka pababayaan ng nanay..

Crissa:Nay,wala naman akong ginawa sa kanila eh,bakit nila nagawa sa akin yun!Ang bababoy nila, mapepera nga hayop naman ang ugali...galit nag alit ako sa mundo nay,wala ng kwenta ang buhay ko, napakadumi ko na, wala ng magpapahalaga at magmamahal sa akin dahil sa ginawa ngmga Hudas nay un, kung pwede nga lang pumatay ako mismo ang papatay sa kanila.Nay, gusto ko na pong mamatay,sana kunin nalang ako ng Diyos, kung wala po ako wala pong magiging parausan ang mgayun at wala nap o kayong magiging sakit ng ulo. Sorry po nay, hindo ko sinabi sa inyo,hindi kop o kasi kaya...

Nimfa:Nak,nasasaktan na si nanay sa nangyayari sa inyo,wag mong sabihin na wala ng magmamahal sa iyo,nandito pa si nanay at ang mga kapatid mo oh,tatanggapin pa rin kita kahit anong nangyari sa iyo,mahal ka ng nanay eh,kasi anak kita...Ayokong nakikita kayong nahihirapan kasi higit sa lahat ng tao ako ang nasasaktan...Wag kang mag-alala nak ha, hindi ko hahayaan na hindi nila pagbayaran yung ginwa nila sayo.

Crissa:Pero nay mahirap po silang kalaban,mapera po sila.

Nimfa:Wala akong pakialam nak, hindi ko hahayaang bilhin nila ang batas,kaya tumahan ka na at ayusin mo ang sarili mo ha,maging malakas at matatag ka,nandito lang si nanay sa tabi mo.

Crissa:Nay salamat po(yakap)

Nimfa:Sige na anak,magpahinga ka muna.


Sa Ugoy ng DuyanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon