Scene 9

9 0 0
                                    


Scene 9

Tagpuan:Sa bahay ng mga Bartolome

Tauhan:Mag-anak na Bartolome,Victoria

Nimfa:Karang,nak,nasaan na yung tatay niyo?

Cathy:Umalis na po nay, di ko naman po alam saan pupunta.

Ciara:Nay,nag-away po ba kayo ni tatay?

Lance:Bakit po ganoon, parang lagging ang init ng ulo ni Tatay?

Nimfa:Hayaan niyo na mga anak, lilipas din yan, siya sige na at baka mahuli pa kayo sa klase niyo.Teka,Cathy?

Cathy:Po?

Nimfa:May load ba yung cellphone mo nak,pahiram muna ako sandal.

Cathy:Sige po,Crissa,asan yung cellphone,ginamit mo yukagabi?

Crissa:Hala ate,pinahawak ko yun kay Cindy eh, Bunso,asan yung cellphone?

Cindy:Doon,loob n-ng k-kwar-to.

Cathy:Wait lang po. (kukunin,ibibigay)Nay,iwan ko nayan, di ko na po dadalhin, kayong 3 bilisan niyo na, tara na.

Lance:Yes boss!

Lahat:Bye nay,alis na po kami

Nimfa:Mag-iingat kayo ha

(pagkaalis ng mga bata)

Nimfa:Ate Victoria, sana gumagana paitong number mo.

(ring,ring)

Victoria :Hello, Victoria Ocampo speaking, Who's this?

Nimfa:Ate, Ate toryang, si Nimfa ito

Victoria:Por Dios, por Santo? Nimfa, kumusta ka na, bakit ngayon ka lang napatawag?

Nimfa:Okay lang naman ako ate, kayo diyan, si Mama?Okay lang ba siya,a galit pa rin ba siya sa akin

Victoria:Mabuti naman kung okay ka lang, ah Nimfa, may sama pa rin sayo ng loob si mama eh, pero di naman na ganun kalala, syempre hndi naman talaga ganoon kadalng magpatawad eh, ina natin siya at talagang masakit para sa isang ina na yung anak niya ay mahihirapan nang magkaroon ng magandang kinabukasan.

Nimfa:Ganun ba ate?Nakakalungkot naman kung ganoon,pero naiintindihan ko naman.

Victoria:Kumusta naman kayo ng asawa mo,maayos naman ba ang inyong pagasasama?

Nimfa:Ah, maayos kami ate, oo maayos,Masaya naman.

Victoria:Good to hear that, o pano, till next time, sasamahan ko pa kasi itong mga pamangkin mo

Nimfa:Sige ate, bye.


Sa Ugoy ng DuyanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon