Scene 17

5 0 0
                                    


Scene 17

Tagpuan:Sa bakuran ng bahay ng mga Bartolome

Tauhan:Wendy,Eloisa,Nimfa,Ciara

Eloisa:Naku ha,mare,napapansin ko napapadalas na ang pag-inom inom niyang asawa mo ha

Nimfa:Hinahayaan ko na nga lang at kapag sinaway ko eh mag-aaway lang kami, nakikita pa ng mga bata,pansin ko nga eh parang masama yata ang loob at di naman sila sanay Makita kami ng tatay nila na nag-aaway.

Eloisa:Kung ako sayo eh hiwalayan mo na, imbes na makatulong sa iyo ay nagiging pabigat pa

Nimfa:Buti nga mare kung ganoon kadali ang lahat, atsaka di ko yun kayang gawin dahil unang-una yung mga bata, ayoko namang lumaki sila na sira ang pamilya.

Eloisa:Jusko mare, pwede ka ng isama sa trece martires ikaw yung pang-14..

(dadating si Wendy(

Wendy:Mano po ma, auntie.(magmamano)

Nimfa:An gaga ng uwian niyo ah, kasabay mo ba si Crissa?

Wendy:Hindi po, nauna po ako sa kanya, half day lang po kasi kami ngayon dahil busy ang mga teachers.

Eloisa:Kamusta school nak?

Wendy:Okay naman ma, nakakapagod lang.Ma,may Junior's ball kami ha, dress or gown ang isusuot.

Eloisa:Ay naku si ate napagod, o sige at bibilhan ka ng mama... naku mare ditto na nga muna kami at baka mangayayat itong panganay kong ubod ng seksi, pagmemeryendahin ko muna at pagod daw, malamang gutom

Nimfa:Mare talaga,sige mag-iingat kayo.

(pag-uwi ng bahay...)

Nimfa:Nak,sukat mo nga yang damit

Ciara:Kanino to nay?

Nimfa:Sayo...

Ciara:Ano po bang meron?

Nimfa:Narinig ko kasi si Wendy na nagkwento kay Mareng Esang kanina,yung Juniors ball niyo yata yun,kaya ayan,binilhan kita ng damit..

Ciara:Eh saan naman po kayo kumuha ng pera?

Nimfa:Yung kinita ko kanina sa labada ko,diretso ko ng binili niyan...Parang wala ka namang bilib sa nanay mo... ako pa ba?

Ciara:Thank you po nay..

Nimfa:You are welcome anak...Sige na magbiis ka na.




  Sa Ugoy ng Duyan"An indie film by 9 – Prime  


Sa Ugoy ng DuyanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon