Scene 36

1 0 0
                                    


Scene 36

Tagpuan:Sa bahay ng mga Bartolome

Tauhan:Nimfa

Nimfa: (nagdadasal) Diyos ko, ano po ba itong nangyayari s akin at sa pamilya ko, hirap na hirap nap o ako at parang gusto ko nalang sumuko. Ano po bang nagging pagkukulang ko bakit nagkakaganito ang pamilya ko, ganun ba kabigat ang kasalanan ko at parang sobra sobra naman nap o at, Panginoon, alam niyo po ba kung gaano kasakit para sa isang ina ang Makita ang nahihirapan niyang anak na may sakit at magsasabi pang gusto niyang makapag-aral,sa araw-araw na ginawa niyo, ang makitang pumasok ang mga anak ko na walang ibang dalang baon kundi kanin, wala kahit singkong pera, ang araw-araw at paulit-ulit na pagkain nila ng tuyo,itlog,lucky me o kaya asin,yun bang kahit gaano ko kagustong mabigyan sila ng pera para hindi sila mahiya sa mga kaklase nila pero di ko magawa kasi wala akong maibigay, kaya siguro ako ikinakahiya ni Ciara, pero indi ko naman po siya masisisi,bakit po napakadaya ng mundo?Marami po diyan ang mayayaman pero hindi nila Makita ang halaga ng pera, gastos lang ng gastos eh yung mga anak ko kahit anong hinapangan ang gawin ko, wala pa rin, at ngayon iniwan pa kami ni Isco, parang binagsakan nap o ako ng langit at lupa Panginoon, siguro ito nap o ang parusa sa akin sa ginawa ko noon kay mama at papa, ganito pala kahirap maging isang magulang, ganito pala kahirap maging isang ina, Panginoon, gabayan niyo po ako upang magkaroon pa ako ng lakas ng loob para harapin ang mga problemang ito para sa mga anak ko.


Sa Ugoy ng DuyanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon