Scene 32

2 0 0
                                    



Tagpuan:Bahay ng mga Bartolome

Tauhan:Ciara,Cindy,Nimfa

Nimfa:O Ciara anak, nandito ka na pala?

Cindy:H-hi ate

Ciara:Opo,nay, Hello bunso, dun muna ako sa kwarto

Nimfa:Anak, ikaw ba yung nasa tindahan kanina?Tinatawag kasi kita eh hindi mo naman ako nilapitan...

Ciara:Ah ganun po ba, hindi kop o kasi kayo narinig eh, pasensya napo...

(aalis si Ciara,maiiyak si Nimfa)

Cindy: N-nay, b-bakit ka po umiiyak?

Nimfa:Wala nak, naalala ko lang kanina yung napanood kong magshooting sa may palengke,nakakaiyak kasi yung eksena eh.

Cindy:W-WOW...may...may a-artista po?

Nimfa: (tango)

Cindy:Nanay, m-may sasabihin po ako...

Nimfa:Ano yun bunso?

Cindy:G-gusto ko pong mag-aral g-gaya nina ate at kuya, gusto k-ko pong Makita kung anong itsura ng tinatawag nilang s-school.

Nimfa:Kung pwede lang sana anak, yan din ang gusto ni nanay, kaso hndi kaya ng katawan mo atsaka mahuhusgahan ka lang sa labas.

Cindy:M-malawak naman po ang pang-unawa ko nanay eh.

Nimfa:Ikaw anak oo, pero hindi lahat ng tao hindi

Cindy:S-sana po nagging normal nalang ako,yung gaya ng ibang bata,nakakapaglaro,nakakapag-aral,mabuti sila nakakapasok sa school pero marami diyang iba na kahit gusting mag-aral ay hindi makapag-aral, pwedeng walang pera o di kaya'y may sakit, gaya ko...lagi ko pong hinihiling sa Diyos n asana pagalingin nap o Niya ako, para indi ka na mahirapan mag-alaga sa akin,baka kasi napapagod ka na nanay.

Nimfa:Nak, kahit kalian hindi mapapagod si nanay,mahal na mahal ka po kaya ni nanay,kung may isang bagay akong ipinagpapasalamat sa Diyos yun ay yung binigay ka niya sa akin, ipinagmamalaki kita anak, at kung bibigyan man ako ng pagkakataong mamili ng anak, hindi kita ipagpapalit, dahil ang isang ina, Masaya na sa buhay niya basta Makita niya na Masaya rin ang mga anak niya, kaya wag ka ng umiyak ha, kasi nalulungkot din si nanay, ayokong umiiyak si Cinderella,basta lagi mong tatandaan, kahit anong mangyari mahal na mahal kayo ni nanay...

Cindy:I love you din po nay.Nanay,pwede niyo po ba akong kantahn,yung kinakanta niyo sa akin para makatulog ako...

Nimfa:O sige, 'Sanay di magmaliw ang dati kong araw,nang munti pang bata sa piling ni nanay.....'


Sa Ugoy ng DuyanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon