Chapter 2

48 0 0
                                    

Eto ako ngayon nag papatay ng oras sa activity area. 1:30 na at 3:00 pa ang klase ko. Umuulan pa sa labas. Ano ba naman yan naturingang mamahaling school, tumutulo naman ang bubong. Kelan kaya nila maiisipang ayusin yan?

“hi Reign!”

“uh, hello po.”   Ano nga ba ulit pangalan nito? Tsk patay

“Riza! Bakit mo ako iniwan sa CR!” ahh kilala ko tong isa na to, si Lyn! Haha maingay na tao talaga. Ayun Riza nga pala pangalan nitong bumati sa akin.

“haha sorry! Nakita ko kasi si reign, e masyadong seryoso kaya nilapitan ko. Kilala na kita kasi hinabilin ka sa amin ni Lorry”-Riza

“ahh, hehe ganun ba.”

“uy, Reign ako nga pala si Lyn! haha”

“ahm, hello po. Ahh upo kayo oh.” Aww nakaka touch naman sina Lorry

“hay ang tahimik mo nga talaga! Haha nako mag babago yan kasi lagi ka na naming makakasama! hahahaha”-Lyn

“pag pasensyahan mo na yan ha, sobrang daldal lang talaga, pero super bait naman nyan. ”-Riza

Haha natatawa naman ako sa kanilang dalawa. Ang lalakas ng boses. Nakalulon ba sila ng amplifier?

“so friends na tayo ha? Sa gusto at sa gusto mo! hahaha”-Lyn

“haha sure! Gusto ko yan! ^_^”

“ayos! Haha mamaya papakilala ka namin sa iba”- Riza

“haha sige salamat! Nakakatuiwa naman!”

“haha oh di ba, nag sasalita ka na din ng madami! hahaha”-Lyn

NAKAKATUWA

Haha yan talaga ang paulit ulit na umiikot sa utak ko!

May mga friends na ako! Hahaha ang saya ko!

Ipapakilala daw nila ako sa iba pa! ibig sabihin mas madami na ako makakausap! Hahaha ang saya naman >_< ano kaya magiging reaction ng mga kapatid ko? Haha hindi siguro maniniwala agad ang mga yun! Haha.

Hayaan 3:00 na, pumunta na kami sa room namin. May mga classmate na din kami. Sa may bandang gitna kami umupo.

May mga lumapit sa amin at pinakilala nila ako.

Sina Theresa, Julia at Joyce, mabait sila, maingay din. Woohh challenge ba ito? Hahaha lahat ng pinapakilala nila sa akin mukhang may strong personality. Hmm mukhang lalabas na ang totoong ako ah. Hahaha.

Maya maya lumapit sa amin sina Daina, Arriane at Marie. Kilala ko na sila kasi mga girlfriend sila ng mga naging classmate ko last year. Mukha naman silang tahimik at mababait. Kami kami na din ang mag kakatabi sa row namin, yung iba sa likod na naupo. Si Meann naman classmate ko na sya last year. Feeling ko kami din ang magiging magkasama ngayon, mukhang magiging close na kami.

Maingay ako sa totong buhay. Hindi lang halata kasi sobrang mahiyain ako. Gaya na lang ng high school. First and second year, wala ako masyadong kinakausap, yung mga close lang talaga sa akin. Pero pag dating ko ng third year, hayun, isa na ako sa laging pinapatahimik ng teacher. Hahaha ang gulo ng ugali ko no? Ngayong third year college na ako, ganun din kaya ang mangyari sa social life ko? Hahaha mukhang masaya yun ah.

Nag-umpisa na ang klase.

Bigla kong naalala.

May CRUSH na nga pala ako! Hahaha.

Hinanap ko agad kung saan sya nakaupo. Ayun sa may likod pala naming sila ng mga kabarkada nya. Ang seryoso naman ng mukha nya. Kami kaya? Maging close kaya kami? O kahit mag ka-batian man lang? mahaba pa ang school year.

Ano kayang mangyayari?

Nagpakilala lang ang CI (clinical instructor) naming, though kilala na naming sya. Ayun nag discuss ng grading system, about sa syllabus, mga expectation chever, at rules and regulations sa klase. Hmm hanggang 5:30 ang klase naming, pero dahil first day, early dismissal kami.

Mga 5:00 pinalabas na kami. Ang sunod na klase naman naming ay 5:45 kaya pwede pa kaming tumambay. (yun ang sabi ng mga bago kong friends).

Naka-uwi na sina Lorry at Yiel. Duty week nga pala section nila, section C. Kami naman lecture week. 4 sections kasi kami. Ang section A at C ang mag kaparehas ng schedule, so duty week sila. At kami naman section B lecture week kasabay ang section D.

Tumambay lang kami sa activity area, malapit lang sya sa next room namin. Nag bigayan lang kami ng cellphone number, balitaan naman sila ng kung anu-ano, ako naman patawa tawa lang, comment minsan, pero ayun tahimik lang din. Di pa ko masyado makarelate :P.

Pumunta na kami sa next room. Hmm malamig masyado, gumagabi na rin kasi. Sa bandang unahan kami umupo ni Meann sa right side ng room. Sina Riza at Joyce naman sa kabilang row sa left side, yung iba naman sa dulo sa likod namin.

Hmm si Enzo kaya?

Tingin sa kaliwa.

Negative.

Lingon sa bandang likod ng kaliwa.

Negative din.

Tingin sa likod namin….

¬.¬

-_- 

O_O

♥_♥

>.<

SA LIKOD NAMIN SILA NAKA-UPO!!!! May gulay, parang ayaw ko na ulit tumingin sa likod namin ah! WOW nakakatuwa naman! Hahaha. Masaya ang araw na to! Masaya talaga!! ^_^v

Naku! naku! kailangan mag concentrate!!  First day pa naman!!

Haayyy ang cute nya ^^..

Till 7:30 ang klase namin. Hay 1 hour pa man din ang byahe ko pauwi. Sana may byahe pa ng trike sa amin T_T.

Mukha namang magiging ok ang section ko na to. May mga classmate uli ako, pero mas madami ang bagong mukha. Sana maging friends ko silang lahat!! ^_^

Dahil nga first day, maaga kaming pina-uwi.

 (bedroom)

First day. Masaya ang first day ko BES ^_^.

Pinapakilala ko nga pala si BES. Sa tingin ko hindi lang naman ako ang nilalang na tinuturing syang BESTFRIEND. Sabi nga sa nabasa kong quotation..

 “THE MOON IS A FRIEND, FOR THE LONESOME TO TALK TO.”

Sana BES mag tuloy tuloy to. Mas maraming friends, mas masaya. Hmm sigurado nakikita ka ni crush Enzo ngayon, ingiti mo na lang ako sa kanya ha?

Goodnight BES….

-----------------------------------

pwede ba kitang maging kaibigan :))

MOONLIT JOURNEYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon