Chap5
Tapos na ang midterms namin! Yehey! Hahaha at birthday ngayon ni daddy. Since sabado ngayon uuwi sina kuya! 50 years old na si daddy at naisipan nina mommy na mag handa. Mga kamag-anak at malalapit na kaibigan lang inimbita ayaw kasi ni daddy ng bongga. Masyado syang matipid haha.
Bukas gaganapin ang handaan. Inimbita na din namin ang mga kabarkada namin ng high school. Super close kasi sila sa family namin. Si Zaira, Regine at Chris lang ang nag confirm, pero sabi ni Chris pipilitin nya daw mahagilap sina Paul, Marlowe at Jonji.
Si Zaira at Regine ang mga bestfriend ko ng highschool. 5 talaga kami magb-bestfriend, si Apple, na may lakad daw kaya super sorry dahil hindi sya makakarating at si Claire na nasa London bridge is falling down na lalong hindi makakarating.
Sina Ren, Chris, Paul, Marlowe at Jonji sila naman ang mga boyfriends namin. Boy-friends. Haha madami pa kaming kabarkada pero kami kami lang ang malimit na mag kakasama kasi mga dakilang architect sila (mga drawing).
So yun nga excited na ko bukas! Haha makikita ko na ulit sila!
(kinabukasan)
Ayan! Busy na kaming lahat sa pag aayos ng mga handa. Since may kapatid kaming Chef sya na ang bahala sa mga lutuin, syempre silang dalawa ni daddy ang Head Chef. Kanino pa ba mag mamana si kuya Nard di ba? Hahaha
Mga bandang tanghali unti-unti ng dumadating ang mga bisita. Nakakahilo, kahit pa sabihin na mga kamag-anak at kaunting kaibigan lang, kung super laki naman ng angkan nyo at super friendly ka nako daig pa ang 1 barangay ang imbitado. Astigin!
Masaya naman ang birthday celebration. Mga bandang hapon ng dumating ang mga kabarkada namin ni Ren, at yun nga nahagilap ni Chris ang tatlong ugok. Nag-videoke lang kami habang kumakain. Dahil likas na tunaw atay din ang mga kabarkada namin binigyan sila ni daddy ng half case ng SanMig light. Humupa na din ang mga bisita, halos kami- kami na alng ang natira.
“Reign kumusta naman ang buhay natin dyan? Balita ko may crush ka na daw.”- Marlowe
“Kinuwento ba sa inyo ni Ren? Tsk ang ugok na yun ang daldal talaga.”
“hahaha hindi si Ren, si.. hmmmmm”- Marlowe
Tinakpan ni Ren ang bibig na Mar, hmm ano na naman kayang problema nitong kakambal ko??
“Hahaha ako! Tama, ako talaga ang nagkwento! Di ba MAR????”-Ren >:]
“ahh.. o-oo sya nga! Aha! Ha! Ha! Ha!”- Mar ¬_¬’
“Hahaha kilala ko kung sino! Tinuro sa akin ni Reign”- Zaira
Schoolmate ko nga pala si Zaira. Kaso minsan lang kung magkahagilapan kami sa school. Alien kasi ang schedule namin. Bukod tangi….
Ayun napakita ko na kay Zaira ang chrush ko at mukhang aprub naman sa kanya ^_^ magaling kumilatis ng tao yan e, super saya ko ng maging bestfriends kaming tatlo nina Regine. Sila ang masasabi mong “twin-souls” ko.
“Ano itsura? Gwapo ba? Mabait naman ba? Matangkad ba?”- Chris
“Chris? Yung totoo? Kelan ka pa naging chismoso?”- Regine
Haha yang dalawa na yan ang pinakamatalik na magkabangayan. Pag nag-umpisa yang dalawa sasali na dyan si Jonji. Crush ni Regine si Jonji ng high school pa kami.
“Kelam mo? Baket? Ikaw ba tinatanong? Taong to!”- Chris
“Oo nga naman Regine! Ano ka ngayon! Hahaha- Jonji
“Masyado kayong maingay manahimik kayo!”- Regine
Hahaha yan ang tinatawag naming lambingan ng tatlo na yan, pero kahit minsan walang nagalit o nainis man lang pag nag kaka-riot na sila.
BINABASA MO ANG
MOONLIT JOURNEY
Teen Fictionfirst crush ko sya. ganto pala ang feeling. makita nya kaya ako? kahit madaming nakapaligid sa kanya? ---------------------------- ang mga pangalan lugar at pangyayari ay base lang po sa imagination ko. may ibang kinuha ko sa totong buhay. kung may...