Chapter 4

43 0 0
                                    

“ANGEL!!!!!!”- huh?

Angel? Isa lang naman ang tumatawag sa akin nun ah? Lumingon ako sa likod, wala namang tao.

“Ah, Julia Daina, may narinig ba kayong tumawag sa akin?”

“Hmm, parang may narinig akong tumawag ng Angel?”- Julia

“Baka iba yung  tinatawag nun?”- Daina

“hehehe, siguro nga.” Kung tama ang taong iniisip ko, imposible namang andito sya? May OJT sya sa NAIA e? hmm baka nga hindi ako yun.

Nagpatuloy na lang kami sa pag lalakad.

“ANGEL SANDALI LANG!!!!!”

“Parang kilala ko yung boses e? sandali lang ha?”

“Sige”- Julia

Lumingon lingon ako sa paligid. May tumatakbo palapit sa amin, mukahang lalaki sya at may dala-dala syang plastic.

“waahh! Hay.. ang bingi.. mohh.. ta..la…ga!” humihingal na sabi ng lalaki

“CHRIS?????”

“Hay taong to, ako nga! Hatid na kita pauwi?”- Chris

“Ha? E sige, sandali lang”

“Ahm Julia, Daina di muna ako sasabay sa inyo ha?”

“Ah ok lang, hihihi kaw ha may boylet ka pala ha! Irereto pa naman sana kita sa pinsan ng BF ko hahahaha!”- Julia

“Ayiieeee sino sya? Ha? hahaha” –Daina

“Hahaha praning kayo talaga! Kabarkada naming yan ni Ren”

“Sya ingat ikaw ha? Text ka pag naka-uwi ka na”- Daina

“Yep! Yep! Ingat sila sa inyo!”

“Haha bruha! Sige!”- Julia

“Teka Chris? Anong ginagawa mo dito? Di ba may OJT ka?”

“Bakit bawal na ba ako dito? Tsaka pwede naman kaming umuwi pag walang pasok e.” –Chris

“Ah…….”

“ehhh ihhh ohhhh..”- Chris (sabay abot ng dalang plastic)

“Ano naman to?”

“Kwek-kwek. Bumibili kasi ako kanina ng Makita kitang dumaan, e di mo agad ako nakita ng tawagin kita kaya yan, pinabalot ko na lang.”- Chris

“Ah! Kaya pala naman hindi kita agad nakita! Kala ko ibang tao lang.”

“Gabi na ah? Ngayon ka lang uuwi??”- Chris

“7:30 kasi ang tapos ng klase namin kaya ngayon pa lang talaga kami makakauwi.”

“Buti may nakakasabay ka pauwi.”- Chris

“oo nga e”

Si Chris Magsino e kabarkada namin ni Ren, classmate namin sya ng third and fourth year high school. Nung una hindi namin sila kasundo kasi mukhang maaangas at mahilig sa away, pero dahil sa basketball nagka-ayos kami.

Mababait naman pala sila, ang cool nga e, tsaka dun namin nalaman na hindi pala talaga sila ang nauunang maghamon ng away, lapitin lang talaga sila.

Sa kanila mo makikita na hindi sila nang-iiwan ng katropa sa ere, “laban ng isa, damay buong tropa” yan ang motto daw nila. Nakakatuwang isipin na kahit mga mukha silang walang kinabukasan mahigpit naman nilang pahalagahan ang isang kaibigan.

Hindi nga halos makapaniwala yung iba kong mga kakilala at naging classmate dati na mapapasama kami sa barkada nila. Puro kasi sila akala.

MOONLIT JOURNEYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon