Chapter 7

17 0 0
                                    

(Reign’s POV)

After ng birthday party ni daddy hindi na naman kami nagkita kita ng mga kabarkada namin ni ren. Namimiss ko na sila  >.<

“Kambal! Pumunta muna kayo sandali dito sa sala!” si daddy yun.

Halos sabay lang kami ni Ren nagbukas ng pinto at bumaba na kami.

“Bakit po Dy?” tanong ni Ren at umupo kami sa sofa.

“Tutal mababait naman kayong bata, naisipan namin ni mommy nyo na bigyan kayo ng regalo.”

“Weh? Mababait? Ako lang kaya Dy ang mabait!” ayos tong si Ren ah! Sya lang daw?

“Anong ikaw! Asa ka dude!” hahaha mabait na kami ng lagay na yan? Daddy talaga patawa e.

“Hay kasasabi ko lang ng mabait e, tsk tsk” at nailing na yumuko si daddy hahaha

“Eh ano nga po bang meron?” ano kaya iniisip ni daddy?

“Maganda kasi ang takbo ng negosyo natin at ang trabaho ng mga kuya nyo, so napag-usapan namin na bigyan kayo ng gift, tutal halos isa at kalahating taon na lang ggraduate na kayo ng college” umpisa ni mommy.

“Mag-isip kayo ng gusto nyong regalo. Syempre wag naman yung OA gaya ng house and lot o kotse ha” pabirong sabi ni daddy.

“Seryoso po ba talaga kayo??” sabay na tanong namin ni Ren

“Ayaw nyo?” sabay na tanong din nina daddy at mommy. Hmm nakikigaya na sila ha, hahaha

“Ako po cellphone! Yung latest po!” sabi ni Ren. Hmm ako kaya?

“Ikaw Reign?” tanong ni mommy. Hmm ano nga kaya?

“Ah alam ko na po! Pero….”

“Pero??” nagtatakang tanong ni daddy.

“Hmm Dy My, gusto ko po ng scooter!”

“Ah yun lang p… ANO?? SCOOTER??” hehehe para may service na ko pag uuwi ako.

“Anak sigurado ka bang ikaw si Reign? Baka naman nagkakapalit kayo ng kaluluwa ni Ren?” hala si mommy nakakatakot ang theory!

“Weh sigurado ka Bal???” mukha ba kong mahilig magjoke? Tss

“Naisip ko po kasi na pwede ko yung gawing service para pag gabi ang uwi ko hindi hassle.”

“Pero anak masyadong delikado, cellphone na lang din kaya ang sayo?” aww gusto ko talaga ng scooter T_T

“Yun po talaga gusto ko, mag-iingat naman po ako e, promise!.” pilit ko habang nakataas ang kamay. Parang nanunumpa lang ah haha.

“Hay sige na nga, pero eto ha, wag kang kaskasera ha. Kilala kita!”

“Yey!! Hahaha salamat po!!” at nagtatakbo ako para yakapin sila ni mommy

“Ay ang daya! Ang mahal ng sayo!” haha nainggit si Bal??

“Osige dadagdagan ko ng PSP ang sayo Ren, Ok na? ” sabi ni mommy

“HUWAW!! HAHAHA salamat po!!” at nakisama na sya sa group hug! Nakakatuwa naman! Hahaha

“O sya sige magsi-tulog na kayo at may klase pa kayo bukas!”

“SALAMAT PO!!” sabay na sabi namin ni Ren at bumalik na kami sa kanya kanyang kwarto.

1 week na ang nakalilipas ng ibigay sa amin ang mga WISH namin ni Ren. Color blue ang pinili kong scooter haha may favourite! Sinamahan ako ni Daddy kumuha ng licence. Kumuha na rin naman si Bal.

MOONLIT JOURNEYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon