Lumipas ang first week ng klase. Masaya naman. Haha lagi na lang masaya nasasabi ko ah.
Yey! Uuwi ngayon sina kuya!
May 3 akong kuya. Actually 2 beses lang nanganak ang mommy namin.
Haha magulo ba? Ganto kasi yan, may dalawa akong kuya, kambal sila. Si kuya YUAN BENEDICT, mas matanda sya ng 6 mins kay kuya YUAN BERNARD. May trabaho na sila, si kuya Ben Industrial Engineering ang course, sa factory ng cereals sya nagttrabaho bilang manager kaya madami kaming supply, si kuya Nard naman, Culinary , 2 building lang ang pagitan nila, sa hotel nagttrabaho si kuya Nard, Head Chef sya dun, astigin di ba Haha.
May isa pa akong kuya. Pero 8 minutes lang ang tanda nya sa akin. So in short, may kakambal din ako ^_^ sya ang aking dearest BAL(short for kambal), si REN ANGELO, computer science naman sya, same school kami. Mahilig yan mag computer kaya hindi na kami nagtaka sa gusto nya.
Madaming natutuwa sa aming magkakapatid, bibihira daw kasi ang dalawahan ang labas. So ako ang pinaka bunso. 3 years lang ang pagitan namin sa dalawa naming kuya.
Dahil ako ay unica hija, sobra akong batayan ng mga kuya ko. Nadaig pa nila sina daddy at mommy. Certified daddy’s girl din ako. ^_^v yeah!
Hahaha si mommy kasi busy sa work, aalis siya sa umaga tulog pa kami, dadating sya sa gabi tulog na kami, si daddy naman hinahatid nya si mommy tapos sa motor shop na sya didiretso o hinahatid nya kami minsan ni Bal sa school. Pero pag Sunday naman syempre family day kaya uuwi sina kuya, walang work si mommy at close ang shop ni daddy. So happy happy! ^_^.
So Sunday ngayon, kagabi dumating sina kuya, sa iisang condo lang naman sila nakatira kaya nagsasabay na sila pauwi sa bahay at malapit lang naman ang work place nila sa isa’t isa kaya hindi sila mahirap hagilapin.
“Bal! nawawala belt ko, kinuha mo ba??”- Ren
“wala sa akin! Tanong mo kay manang. Kung saan saan mo kasi nilalagay.”
Ganyan kami madalas, lalo na pag nag mamadali, si Bal kasi kung saan lang lagi nilalagay ang gamit, tapos sa akin hahanapin. Di naman ako mukhang lost and found e.
“Mga bata bilisan nyo baka malate tayo sa mass.”- mommy
“My, Dy, family day sa company namin next Saturday, kailangan present kayo lahat dun ha, Nard wala ka naman work nun di ba?”- ben
“yup.”-nard
“yey! Family day!! Hihi dami pag kain!!” sabay kami ni Bal
Identical twins kami. Pati sa mga hilig namin, hilig nya, hilig ko din, gaya ng anime, basketball, movies fav color, food at kung anu ano pa, pero mas mahiyain ako sa kanya. :P
“Hay nako ang dalawang matakaw, nabuhayan na naman ng alaga!” Kuya Ben at Nard
Kambal nga sila remember? Malimit din magkatugma ang iniisip ng dalawa na yan. Si Kuya Ben mas strict sya kumpara kay kuya Nard. Pero parehas naman silang mabait at super sweet ^_^
“hahaha kayo talaga mga bata! Sya halina kayo at baka malate na tayo sa mass.”-mommy
“halina kayo at baka wala na tayong maabutan ng mass, ayaw nyo naman sigurong ang mommy nyo ang mag sermon sa inyo di ba?” sabay takbo palabas ng bahay. Hahaha tatay ko talaga loko din.
After naming umattend ng mass diretso kami sa mall. Kain muna tapos namili ng kung anu- ano. Ganto lang kasimple ang family namin, sama samang nagpapasalamat kay Jesus, kumakain kami ng 3 beses sa isang araw, at ineejoy ang pagiging isang pamilya. After sa mall diretso na kami sa bahay.
BINABASA MO ANG
MOONLIT JOURNEY
Teen Fictionfirst crush ko sya. ganto pala ang feeling. makita nya kaya ako? kahit madaming nakapaligid sa kanya? ---------------------------- ang mga pangalan lugar at pangyayari ay base lang po sa imagination ko. may ibang kinuha ko sa totong buhay. kung may...