“May isang kundisyon.” Ngumiti ako ng nakakaloko.
“Ano yun?” masyado syang seryoso hahaha >:]
“Ang kundisyon ay………”
“Ay??” hahaha ang sama ko ba? Gusto ko lang tingnan reaction ng ugok na to. Tsk tsk excited sya masyado! Hahaha
-_- à hehe para mukha naman akong seryoso kunwari.
“Bilahan mo ng tubig ang kapatid ko. Mineral ha yung malamig.” Sabay abot ko ng kamay ko para makipag shake hands. Tanda ng pakikipag kaibigan ko sa kanya.
“Woah pare salamat! Maraming salamat talaga! hahahaha” tuwang tuwang nakipag kamay sya sa akin. Grabe kung hindi nito tinigilan ang kamay ko masasapak ko ito e! buti wala masyadong tao sa kinatatayuan namin, baka isipin bading kami. eeewwwww
Tumakbo agad sya sa canteen para bumili ng tubig. Patapos na din naman ang game e at tambak ang kalaban. 56- 38. Syempre kapatid ko ang may pinakamadaming score! Sigurado MVP na naman to. T_T samantalang ako hindi man lang maging MVP. Pero ayos lang hahaha ang mahalaga e makapag laro kami. ^_^
“Ilang minutes na lang pre?”
Nagulat naman ako dito sa Chris na to, bigla bigla na lang sumusulpot.
“Ah seconds na lang ang hinintay, panalo naman na sila e. Galing ng kakambal ko no?” pagmamayabang ko
“No contest pare. She’s perfect.”
“Hoy ugok, tigilan mo pag e-english ha. Naiintindihan ko naman preo nasa pilipinas ka huy!”
“HAHA sorry pare.”
Natapos na ang laro at nagsilapitan na kami sa kanila, syempre agad lumapit sa akin si Reign.
“Yehey kuya! Hahaha nanalo kami! Akala ko matatalo kami ngayon e!” nagpupunas ng pawis na salubong sa akin ni Reign.
Teka nasaan na ang waterboy ni Reign?? Lumingon-lingon ako at hayun!
“Wait lang Bal ha. Wag ka aalis dyan!” utos ka sa kanya.
“Huh?? Ahh okaaayyyy..” nagtataka pero sumunod na lang sya.
Ano bang problema ng ugok na yun! Tsk nagtatago sa may puno! Argh sobrang torpe pala ng hayop na to! Ako nababad trip sa kanya e. tss
“Hoy? Ano gagawin mo dyan sa pinabili kong tubig? Aantayin mong mag-evaporate??” inis na sabi ko sa kanya.
“Pare nakakahiya. Ikaw na lang mag bigay oh.” Sabay abot ng tubig
“Ano ka ba? Ang angas mo kanina tapos ngayon ganyan ka?”
“Huh? Anong maangas??” ay hindi nga pala nya alam na nanonood ako sa kanila kanina.
“Tsk. Nakita ko lahat kanina habang kausap mo yung mga alagad ni Andrei. Lumabas ka nga dyan ang arte neto. Ipapakilala kita sa kapatid ko!”
“HA?? Ah.. eehhh.. wag na! ok na ko dito! Titingnan ko na lang sya!”
“Ay pota!” sabay hila ko sa kanya. Wala na syang magagawa magkasing katawan at tangkad lang kami, pero mas malakas ako sa kanya! Hahaha
“Ui bal may papakilala ako sayo si pareng Chris bago NATING katropa!” syempre nasa iisang barkada lang kami ni Reign, halong babae at lalaki naman kasi kami at in-emphasize lo talaga ang NATIN hahaha.
“Ha?? Ahh hello. Hehehe. Classmates naman tayo dib a kuya? Kaya kilala ko na sya.” Halatang nagulat sya pero alam nya sigurong hindi naman ako lalapit sa tao lalo na at hindi ko gusto. Ayaw namin sa plastic hahaha.
BINABASA MO ANG
MOONLIT JOURNEY
Teen Fictionfirst crush ko sya. ganto pala ang feeling. makita nya kaya ako? kahit madaming nakapaligid sa kanya? ---------------------------- ang mga pangalan lugar at pangyayari ay base lang po sa imagination ko. may ibang kinuha ko sa totong buhay. kung may...