chapter 9

16 0 0
                                    

Chap 9

“Hatid na kita?”

“Ah naku may sc..” hindi na nya ako pinatapos

“Oo nga pala, hmm  sige tara kuhanin na muna natin ang scooter mo tapos lakad na lang tayo hanggang gate, ok lang ba?”

“Ah ok lang”

Pumunta na kami sa may parking ng scooter ko habang bitbit yung flowers.

Inaakay nya papunta sa may gate ang motor ko habang nasa tabi naman nya ako.

“So paano mo ko nakilala?”

“Hmm katabi nyo lang noon ang room namin, second year ka third year ako, at dahil sa iisang room lang ang assign sa karamihan sa subjects mo kaya malimit kitang makita, sa fifth floor yun at dun lang din sa floor na yun  ang room ko sa karamihan sa subjects ko.”

“Ahh, hindi kita matandaan e hehehe”

“Hahaha ok lang, maaga ka kasing pumasok at minsan nakakasabay mo lang ako sa may stairs, pero syempre nasa likod mo lang ako, hanggang sa lagi na kitang hinihintay sa may lobby tapos sasabay na ko sayo paakyat sa fifth floor. Nun lang din ako natuto mag hagdan hahaha”

Wow ha? As in Wow!! Di ko man lang napansin yun???

“Bakit mo naman ako hinihintay??” ay ano ba malamang nga para makisabay di ba? paulit-ulit?? Hahaha

“Nung una hindi ko din alam, tapos parang nakasanayan ko ng hintayin ka, minsan nakikita ko na kasabay mo ang kakambal mo.”

Pati yun alam nya? Astihin talaga to!

“Tapos palagi lang kitang nakikita na naka-upo minsan sa may hagdan, o kaya nakatingin ka sa ground floor, naalala ko nga nun e, nagsusulat ka tapos nilalaro mo yung ballpen mo, tapos nabitawan mo, napakamot ka na lang sa ulo mo nun, tapos pumasok ka na sa room nyo, ang cute mo nga nun e hahaha”

Eh?? Tanda nya yun? Bat parang di ko maalala?? Feeling ko namula ako. Uminit mukha ko e, mabuti na lang gabi na kaya di nya makikita hahaha. Tumigil muna kami sa may gate para magkwentuhan. Hmm mukha naman syang mabait, pero parang may kakaiba sa kanya.

“Nagtataka nga mga kabarkada ko kasi daw lagi akong naghahagdan, kahit kasi kasabay ko sila minsan, pag nakita kita na paakyat ng hagdan tumatakbo ako para sabayan ka tapos sila naman mag-e-elevator, sabi ko na lang para mag-exercise hahaha”

“Hahaha, ayoko kasi makipag siksikan sa elevator, tsaka mas masaya mag hagdan.” Exercise ko na din kasi yun tapos nakakapag muni muni ako. (ang deep haha)

“Tapos yun lagi kitang tinitingnan sa labas, di lang ako nagpapahalata sayo, nahihiya kasi ako lumapit kasi pag nakikita kita lagi ka lang mag-isa tapos ang seryoso lagi ng mukha mo, hahaha naisip ko ang suplada ka siguro, pero kahit naisip ko yun mas gusto ko lalong makilala ka.”

Grabe ang puso ko! Pahinging tali, o kandado, o posas, o kahit ano!! Grabe tatalon na ata sa loob ng katawan ko ang puso ko! Grabe ganito pala pag kinikilig! Shemay!!! Hahaha

“Hehehe tahimik lang kasi talaga ako, may mga kaibigan din ako pero minsan lang ako sumama, nahihiya din kasi ako makihalubilo sa iba, kaya madalas mag-isa lang ako dati.”

Tama. Dati mag-isa lang ako, pero ngayon hindi na. madami na akong kaibigan ^_^

“Oo, dati nga, ngayon lagi na kitang nakikitang nakangiti, at mas gumanda ka, napansin ko ngang mas dumami na mga kaibigan mo at hindi ka na laging mag-isa.”

“Alam mo ng una ntatakot ako sayo.”

“Hahaha ganun ba? Pasensya na ha?”

“Ok lang, pero ngayon magaan na loob ko sayo, talaga palang matagal mo na akong kilala, hahaha. Salamat ha?”

“Salamat? Para saan?”

“Kasi kahit mukhang suplada ako, pinilit mong kilalanin ang tulad ko, hehe ang iba kasi pag nakitang mukhang suplada ang isang tao, kalimitan kahit hindi naman talaga nila kilala e ang iisipin nila masama na yung ugali ng mukhang suplada na yun.”

Ganun naman kasi palagi, kaya dati mas gusto kong mag-isa. Pero maliban yun kina Yiel at Lorry. Love na love ko ang dalawa na yun.

“ Hahaha sanay na din naman akong mapagkamalang suplada, at hinahayaan ko lang sila na isipin ang mga gusto nilang isipin, hindi naman nila ako kilala e. ang mahalaga may mga kaibigan ako na kilala ako at mahal ako ^_^”

“Ni minsan hindi ko naisip na masama ka.” Seryosong sabi nya.

“So paano gumagabi na masyado, salamat din sa mga flowers ha?”

“Wala yun, sabihin na lang natin na way yun para sa pakikipag kaibigan ko sayo” ang cute talaga nyang mag smile! Ayieee hahaha

“So sige, mauna na ako, ingat ka na lang ha?”

“Sige ikaw ang mag-ingat, bbye!”

“Bbye!”

At umalis na ako habang kumakaway pa sya.

Nakita kong naglakad na din sya sa kabilang way. Mabait sya. Nakakatuwa ^_^ may bago na akong friend at hindi ko inaasahan na magpapakilala na sya ngayon, pero bakit parang may kakaiba talaga sa kanya? Sana makilala ko pa sya.

Pagkadating ko sa bahay, kinuwento ko agad kay Ren ang nangyari.

“Rico? Hmm hindi ko sya kilala e”

“Ganun ba? Pero alam mo magaan ang pakiramdam ko sa kanya”

“Siguro mabuting tao talaga sya? Ikaw na ang kumilatis.”

“Pero may kakaiba sa mga mata nya.”

“Mapula ba? Baka adik? hahaha”

“Naman Ren e! hindi yun, parang malungkot sya”

“Oh? Baka naman vampire? hahaha”

Pinagpapalo ko nga ng unan! Sira ulo talaga tong isang to e!

“Hala naman! Ang tindi mo talaga kausap no?”

“Pero seryoso Bal, mag-iingat ka ha? Baka pamaya may kakaibang balak pala yan sayo ha?”

“Wala naman siguro, tsaka kung meron man, yari sya sa akin!” at sabay suntok ko sa hangin.

“Sya sige na at inaantok na ako, bumalik ka na sa kwarto mo”

“Ok! Goodnight!”

“Goodnight, makikipatay na din ng ilaw ha, salamat”

Hmm sana makilala ko pa si Rico, minsan lang ako magkaroon ng kaibigan sa ganoong way. Hmm minsan? Haha sya lang pala! Kakaiba yung feeling, parang ang saya ko. Siguro kasi first time lang may gumawa sa akin ng ganun. Hmm syempre may nagbibigay din ng flowers at balloons sa akin, mga kuya at kabarkada ko pag birthday ko, pero si Rico… ayyiiieeee!! Hahaha kinikilig talaga akoooo..

*brrrtttt*

From: Chris ^^

Goodnight Angel ^_^

Aba! May load si Chris himala!

To: Chris ^^

Aba asensado may load! Haha Goodnight ^^

Ano kaya nakain ng tao na yun at naka-alala bigla? Hay makatulog na nga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 05, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MOONLIT JOURNEYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon