Chapter 5: Accidentally

555 7 0
                                    

Chapter 5: Accidentally

-GABE'S POV-

*beep beep*

"Ay leche de noche!"

"Hahaha! Anong sabi mo? Leche de ano?Hahaha!"

Nakakatuwa talaga gulatin 'tong asal matandang dalagang Estefania na 'to.

"Putakte naman Gabe oh! Anong tinatawa-tawa mo diyan?"

"Kahit kelan asal matandang dalaga ka talaga no? Alam mo, bagay na bagay sa'yo."

Ansarap lang ng tawa ko nang biglang...

booooooogsh!

"Fvck! Anong ginawa mo!" sabi ko sabay labas ng kotse ko.

Walangyang Estefania na 'to, binatuhan ba naman ng sapatos ang pinakamamahal kong kotse!

"That's what you get for making fun of me." sabi niya sabay belat.

Buti na lang at walang gasgas ang kotse ko, anlakas pa naman ng pagkabato niya!

Di na ako nagsalita, sa halip ay inirapan ko lang siya at pinunasan ang parte ng kotse ko na binatuhan niya.

"O ano? Aalis ba tayo o patuloy ka na lang diyang papunas-punas sa kotse mo?"

At siya pa may ganang magtaray ha. Ibang klase.

At muli, di ulit ako kumibo, sa halip ay sumakay na ako sa loob ng kotse.

Nasa labas pa rin siya habang nakatitig ng masama sakin.

Ano na naman kaya problema ng isang 'to!

"Hoy! Ano? Sasakay ka ba o hindi?"

"Wag na wag mokong hino-hoy ha!" psh dami pang satsat eh.

"Kung ayaw mong pumasok, e di huwag. Mag-isa kang maglakad sa pupuntahan natin. Sige, text ko lang sa'yo kung saan." pinaandar ko na ang sasakyan ko, pero bigla na lang may bumukas ng pinto sa front seat.

"Psh, sasakay naman pala eh. Ang dami pang arte." bulong ko sa sarili ko.

"Anong sabi mo!"

"Ha? Ano bang sinabi ko?"

"Tinatanong nga kita, di ba?"

"May sinabi ba ako?"

"Walangya naman Gabe eh! Wag na nga lang. Asar!" sabi niya sabay irap.

Bwahaha! Ansarap lang asarin eh. Ewan ko ba kung bakit sa tuwing nakikita kong asar na asar ang Estefaniang 'to, tuwang tuwa na agad ako. Hahaha!

Siguro dahil nakakatawa lang talaga siya. Ewan ko ba.

After 10 minutes na biyahe, umimik na muli si asal matandang dalaga.

"Ang tagal ha. Saan ba tayo pupunta?" inip na inip na tanong ni Stef.

"Sa pupuntahan."

"Peste! Isa pa, sasapakin na kita!"

"E di sapakin mo'ko, konsensiya mo na lang bahala sa'yo pag na aksidente tayo."

"Bahala ka na nga diyan! Wag mokong kausapin!"

"E ikaw nga 'tong unang kumausap sa'kin eh."

"Wag mo nga akong kausapin eh!"

"Fine!" Psh ang sungit.

After another 10 minutes, nakarating na rin kami sa dapat naming puntahan.

Sa Funtaztic Amusement Park.

Dito ko napagpasyahang pumunta kasi isa 'to sa mga paboritong lugar na pinupuntahan ko nung bata pa ako, at na-miss ko na rin pumunta dito.

MY BF's BF (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon