Chapter 8: Double Date Disaster

415 3 0
                                    

Chapter 8: Double Date Disaster

-STEF'S POV-

"Ready ka na ba?" nakangiting tanong sa'kin ni Third habang ini-escortan niya ako papunta sa Sushi Mushi.

Isang Japanese Restaurant na puro Sushi ang sini-serve. May pagka-class din 'tong resto na to.

Ano pa ba ang ini-expect ko, eh si bespren ang pumili ng lugar na 'to.

Ubod din kasi 'yun ng yaman. Off budget ko ang mga pagkain dito but since si bespren ang nag-invite sa'min, siya raw ang gagastos.

"Oo, siguro?" mahina kong sagot sa tanong ni Third.

"Uy ano ka ba, cheer up! Nandito naman ako eh."

Nginitian ko lang si Third tsaka tumango.

"Basta pag gusto mong umiyak mamaya, kurutin mo lang ako para hindi ka makaramdam ng sakit o lungkot." pabirong sabi niya.

"Waaa! 'Kaw talaga! Sino naman nagsabing iiyak ako mamaya?" sabi ko sa kanya sabay belat.

"Bakit naman hindi? Makita mo ba naman ang lalaking mahal mo na may kasamang iba. Di ka kaya iiyak?"

"Third..."

"Hahaha! May punto naman ako di ba?"

Behind those laughs, alam kong nasasaktan ka rin Third.

Ang laking pagbago ni Third ever since nung nagtapat ulit siya sa'kin.

Lahat ng galit ko sa kanya dati naglaho na lang bigla.

If only matuturuan ko lang 'tong puso ko na mahalin ka ulit Third, kaso iba na ang laman nito.

"Bes!" Pareho kaming napalingon ni Third kay Debbie.

Ang ganda talaga ng bespren ko.

Kaya di na ako nagtaka kung bakit siya ang minahal ni Gabe.

"Bes! Sorry we're late. Itong si babe kasi eh. Ang tagal magbihis. Hehe!"

"Okay lang 'yun no. Kararating lang naman namin ni Third."

"Oh well, that's good. So pano? Pasok na tayo?"

"Sige."

-Sa loob ng Restaurant-

"Huwaw! Di na ako makahintay na kainin ang lahat ng 'to!" wika ni Third.

"Psh. Di ka pa ba nakakain ng sushi dati?" sabi naman ni Gabe na kung di ako nagkakamali ay may halong pang-iinis.

"Ano ba akala mo sa'kin? Japanese kaya ang great great grandfather ko. Natural nakakain na ako neto."

Gusto ko sanang tumawa kasi nakita kong medyo napikon si Gabe sa sinabi ni Third pero pinigilan ko lang, baka kung magsuntukan pa 'tong dalawang 'to eh.

The whole night kumain lang kami at nagkuwentuhan tungkol sa mga random na bagay.

Napansin kong si Debbie lang at si Third ang laging nagsasalita.

Well may times din na nagsasalita ako pero di gaya ng dalawang 'to.

Samantalang itong si Gabe naman, sobrang tahimik.

"Ay tignan niyo 'yun oh! Di ko alam may piano pala dito." biglang sabi ni Debbie.

"Talaga? Saan?" excited na tanong naman ni Third.

Tinuro ito ni Debbie tsaka naman tumayo si Third.

"Third, saan ka pupunta?" tanong ko.

"Basta. Brb!" sabi niya sabay kindat.

MY BF's BF (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon