Chapter 3: Pictures

528 4 0
                                    

Chapter 3: Pictures

One week na nang umalis si Debbie. Naninibago pa rin ako na wala siya dito. Dati rati kasi, halos araw-araw kami naglalakwatsa ng bruhang iyon.

Papunta ngayon ako sa bahay ng boyfriend ni bestfriend, inutusan kasi ako ng magaling kong kaibigan na puntahan 'yung Gabe na iyon.

Dapat daw mag-'bonding' kaming dalawa. Tss, kailangan pa ba 'yun?

Ang hirap kasi sa'kin, di ko matanggihan bespren ko. At mas lalong di ko siya maiisahan.

Dapat daw kasi may picture kaming dalawa ni Gabe na nakikipag-bonding sa isa't isa, at dapat daw ipadala ko na 'to sa kanya mamaya. Ibang klase talaga ang lukaret na Debbie na 'yun!

Nandito na ako sa harap ng bahay ni asungot #2, siya si asungot #2 kasi si #1 ay 'yung unggoy kong ex boyfriend na walang alam kung hindi ang magpa-cute. Nakakasuka naman. Grrrr!

Priness ko 'yung doorbell nila.

After 4 presses, wala pa rin may lumabas. Priness ko ulit ito, pero wala pa rin.

Kumatok naman ako ng pagkaingay-ingay, pero wala pa rin.

Grabe ha! Mga bingi ba mga nakatira dito?Hello! May tao kaya sa labas ng gate niyo, pagbuksan niyo kaya.

Hindi ba uso sa kanila ang hospitality? Tsk.

"S-sandali lang. Nandiyan na." - narinig ko ang boses ni asungot #2 na palapit sa gate.

Nang nabuksan niya na ang gate, di ko napansin na nakanganga ako.

Sino ba naman ang hindi mapapanganga pag nakakita kayo ng half naked na lalaki na may 6 pack abs sa tiyan niya.

Makalaglag panty 'to, kulang na lang matulo laway ko dito. Shit!

"Uy! Estefania! Okay ka lang?" nagbalik na lang ako sa realidad nang winave ni asungot ang kamay niya sa harap ng mukha  ko.

Was I daydreaming about his abs awhile ago? Eww, no way.

"H-ha? O-okay lang. Ba't ganyan suot mo?" sabi ko habang iniiwas ang tingin sa kanya. Naku! Baka magkasala pa ako dito. No bueno! Boyfriend 'to ng bestfriend ko!

"S-sorry, nasa banyo pa ako nung nag-doorbell ka. Ako lang dito mag-isa sa bahay. Hindi pa nga ako tapos maligo eh. Hehehe."

Napansin kong cute din pala 'tong asungot na ito pag naka-smile, no wonder na inlababo bespren ko dito pero whatever.

Looks can be deceiving, I still don't like him. Asungot pa rin siya sa paningin ko. Hmp!

"Bilisan mo nga! Para ka namang babae kung kumilos eh." naaasar kong sabi sa kanya.

"E paano ba naman kasi, tumawag ka sa'kin 5 minutes before ka nakarating dito. E kagigising ko palang nun eh."

Aba? Ako pa sinisi ngayon?

Kasalanan ko ba kung bakit demanding girlfriend nito? Hay na ko!

"Ewan ko sa'yo. Bilisan mo na lang kasi. Sige na, chupi! Pumasok ka na dun." - sabi ko sa kanya sabay taboy sa loob.

"E ikaw? Doon ka na lang maghintay sa living room namin."

"Wag na! Dito na lang ako sa labas, basta bilisan mo na!"

"Okay, sabi mo eh. Pero next time, pwede? Mag eye contact ka naman, wala kasing mata 'tong abs ko eh." sabi niya sabay kindat at pumasok na siya sa loob ng bahay nila.

Ano daw? Sinasabi niya bang kanina pa ako nakatingin sa abs niya? Ngangung 'yun ah!

Pero teka? What?

MY BF's BF (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon