Finale: 10 Years After

578 14 2
                                    

Chapter 10: After Ten Years (FINALE)



-GABE'S POV-

It has been 10 years nang huli ako nakapunta sa Pinas.

And finally I'm here!

Hindi madaling magpabalik-balik sa Pilipinas lalo na't sobrang busy ang schedule ko.

Civil Engineer na ako at di lang iyon, naging assistant coach pa ako ng Los Angeles Lakers.

Bwahahaha! De joke lang! Sobrang ambisyoso lang?

Pero 'yung totoo, assistant coach ako ng Bruins Men's basketball team ng UCLA.

'Yung mismong team na sinalihan ko nung college pa ako.

Laking pasasalamat ko na tinanggap ko ang athletics scholarship na inoffer sa'kin ni Mr.Lim, kung hindi dahil sa scholarship na 'yun, e di sana nganga ako ngayon.

E di sana di ko nakamit ang mga pangarap ko.

Ay mali! Di ko pa pala nakakamit ang lahat ng pangarap ko.

May isa pang natitira na dapat ko nang matupad.

At iyon ang muling balikan ang asal matandang dalagang 'yun.

Kamusta na kaya siya? Wala akong nababalitaan tungkol sa kanya nung nandun ako sa California.

Pero di ko nga rin maintindihan kung bakit all these years, siya pa rin ang hinahanap ng puso kong 'to.

Kaya nga papunta na ako ngayon sa pinagtatrabahuan niya.

Narinig ko sa ilang common friends namin na isang successful executive chief of staff na siya ng isang sikat na magazine dito sa Pinas.

Di ko aakalaing magiging writer pala siya.

Nandito na ako sa labas ng building ng mismong pinagtatrabahuan ni Estefania.

Pagkapasok ko sa loob, nakita ko agad si Stef sa elevator.

Balak ko pa sana siyang lapitan pagkalabas niya ng elevator kaya lang may kasama siya.

Si Third?

Bakit sila magkasama?

Nagkikita pa pala sila? Anong ginagawa ni Third dito? E sa pagkakaalam ko, hindi naman siya writer ah.

Naglalakad sila papunta sa direksiyon na kinatatayuan ko.

Agad ako nagtago sa likod ng isang malaking halaman.

Nakita ko silang nagtatawanan. Ang saya nilang dalawa.

"Kaw talaga! Di mo naman ako kailangan sunduin pa dito eh!" sabi ni Stef kay Third sabay tawa.

"E ang kupad mo kasi kung kumilos eh tsaka ang bagal mo pang magdrive!"

"Tse! Mabagal ka diyan. Nag-ooverspeed kaya ako minsan. Bleh!"

"Overspeeding? Aba! Hardcore ah! Hahaha!"

"Ewan ko sa'yo! Hahaha!"

"Halika na nga, baka magclose pa bigla ang 'The Jewels' eh."

The Jewels? Isang jewelry store 'yun ah?

At sa pagkakaalam ko, sikat ang store na 'yun sa mga unique na wedding rings nila.

Wait.... wedding ring?

Wag niyong sabihing...

"Ang aga pa kaya para magclose sila! Napakapraning mo talaga as in! Ang sabihin mo, excited ka lang sa kasal!"

MY BF's BF (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon