Chapter 7: Concern (is such a big word)

403 3 0
                                    

Chapter 7: Concern (is such a big word)

-GABE'S POV-

"Wala pa ba si Stef?" naiinip kong tanong kay Debbie.

Halos mag-iisang oras na rin kaming palibot-libot sa mall, pero hanggang ngayon di pa rin bumabalik ang Estefaniang 'yun.

Baka kung ano pa ang masamang nangyari dun.

"Tini-text ko na siya babe. Coming na raw siya, maghintay na lang tayo."

"Saan ba siya pumunta?"

"She's meeting a friend daw. May pinag-usapan daw silang importante."

Friend? Sino naman kaya 'yung friend na 'yun?

Babae kaya 'yun o lalaki?

Kung lalaki, ano naman kaya pinag-usapan nila at pinaghintay nila talaga kami ni Debbie ng halos isang oras?

Kaibigan niya ba talaga 'yun? O higit pa dun?

Admirer niya kaya 'yun? Manliligaw? O baka boyfriend?

Bwiset! Ba't ba ako concern kung may dini-date siya eh wala naman akong pakealam sa asal matandang dalaga na 'yun.

Sa katunayan, mismong concern ako sa dini-date niya.

Goodluck sa kanya, siguradong maaasar lang siya sa bunganga nung Stef na 'yun. Whahahaha!

"Nandito na pala si bespren eh... and OMG! What is he doing here!" bigla akong napalingon sa direksiyon ni Stef.

Kaya naman pala nagulat si Debbie sa nakita niya dahil kasama ni Stef ang hinayupak niyang ex.

"Sorry kung pinaghintay ko kayo ng matagal. I just settled some things." sabi ni Stef.

Settled some things? May connection kaya 'yung things na to kay Third?

"Like what? Anyway, why are you with him?" tanong naman ni Debbie.

"Uhh, bes... I have to tell you something, I mean, WE have to tell you something."

Bakit parang may kakaiba akong nararamdaman?

I feel like something wrong is going on.

"Ano 'yun bes?"

"Ah ehh ano kasi-" di na napatapos ni Stef ang gusto niyang sabihin dahil pinutol ito ni Third.

"Kami na ulit ni Stef."

Di ko alam pero parang gusto kong manuntok ng tao ngayon.

I clenched my fist para pigilan ang sarili ko.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit ba ako nagkakaganito?

Bakit nakakabwiset marinig ang mga katagang 'kami na ulit.'

"What?! Are you serious?!" pati si Debbie nagulat din sa sinabi ni Third.

"Totoo ang sinabi ni Third bes. Oo, kami na ulit." mahinang sabi ni Stef kay Debbie.

Hindi ko maintindihan?

Paano naging sila ulit? Akala ko ba kinamumuhian niya ang lalaking 'to?

"Ano? Bakit naman ang bilis? Why didn't you tell me Stef?" - Debbie

"Sorry bes. I'll talk to you later. Maiwan na muna namin kayo."

"Pero Stef!" - Debbie

"I'll call you later. Sorry ulit for waiting. See you!" Agad namang umalis si Debbie kasama si Third.

"Woah. Grabe! I didn't see that one coming." sabi naman ni Debbie habang nakatingin pa rin kina Debbie na papaalis.

"Sigurado ba siya sa lalaking 'yun? Baka mamaya gaguhin na naman ulit siya nun?" tanong ko sa girlfriend ko.

MY BF's BF (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon