Episode 1 - Introduction

55 1 0
                                    


Ako si Roger Jeffrey C. Sicat. 21 Years old Graduate na ako ng Highschool at nakapag-college ako pero 1 sem lang ang inabot dahil din sa kapos na buhay. Nag switch kasi kami ng kapatid ko sa pagaaral pagkatapos ko ng 1 sem sya naman mag-aaral ganun lang ang tema ng buhay namin. ganun talaga kasi hindi naman kaya kami ipagsabay ng magulang ko pag-aralin kaming sabay dalawa.

Maaga akong naulila sa ama dahil namatay na sya 7years old palang ako. Hindi ko pa alam ang nangyayari noon kaya wala lang akong imik sa nangyayari. Naglalaro pa nga ako hindi ko ramdam ang kalungkutan eh akala ko naman kasi natutulog lang sya at nagpapahinga dahil may sakit sya eh. Iyak ng iyak ang Mama ko pero ako busy lang ako sa paglalaro ng kotse-kotsehan.

Hanggang sa nag matured na ang isip ko nasa 10years old na ako alam ko na ang lahat ng nangyayari sa bawat oras onti-onti kung natanggap kung anu na ang sitwasyon namin o anu man ang meron kami sa buhay. Kuntento na ako sa lahat. Kuntento na nga sana kaso mga 4 years ago ay nag asawa ulit ang mama ko hindi namin tanggap ng kapatid kong babae na si andrea ang bagong asawa ng mama namin. Eh dahil mga bata pa naman kami e wala na lang kami nagawa sa mga desisyon ni mama. Choice nya yan dyan sa masaya suportahan nalang namin dalawa.

Nagkaroon sya ng apat na anak sa bago nyang asawa Sunod sunod pa to bawat taon. Ngayon ay ayos naman ang pamumuhay namin at nasanay na kami sa mga bagong kasama namin sa bahay, Nakakalungkot pero ganun talaga kailangan tanggapin.




Secret is RevealedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon