Episode 32 - Diary

10 1 1
                                    

4 Days nalang bago mag birthday si ate anie. Inihahanda din naman namin ang mga sarili namin para pag nagkasumbungan na. 

Alam kong mahihirapan kaming lahat magpaliwanag dahil mas paniniwalaan ni ate anie si jessie dahil pinsan nya ito kesa samin. Mga kaibigan lang naman kami ni ate anie, Syempre ay lamang padin ang pinsan.

Pag gising namin ay meron nang naka dikit na yellow pad sa ref nakalagay dito ang mga schedule kung sino sino ang maglilinis ng bahay araw araw.Kasali din si jessie dito gawa ni ate anie to sigurado.


Pero kahit na kami ang naka schedule para maglinis ng bahay ay hindi namin ginagawa dahil sinasadya naming hindi gumawa para inisin si jessie. Parang lumalabas na kung anong kalat mo ay linisin mo. Kung ano ang pinagkainan mo ay hugasan mo, Sarilihan ang tema.

Pag napapadaan kami sa sala ay palagi naming nadadatnan si jessie doon, Palagi syang nakaupo lang sa sofa at merong notebook na hawak. na Cu-Curious kami sa notebook na hawak nya palagi, Meron din kapag dumadaan kami ay sinisilip namin patalikod pero masyadong active si Jessie hinaharangan nya ng kamay nya ang notebook na sinusulatan nya. Ano kaya yon?

Napapagusapan namin ang notebook na hawak ni Jessie. 

------

AJ: Pag daan ko kanina sa likod ni jessie parang meron akong nakita na mga pangalan natin.

JB: Bat naman nya isusulat mga pangalan natin ?

AJ: Ewan ko nga eh.

Shara; Baka crush kayo. hahah

Ako: Mag-ingat tayo baka isunusulat nya sa notebook kung ano ang laging pinagagawa natin bawat galaw natin. Ingat tayong lahat sa koneho.

JB: oo nga baka nga. Pero wala yan personalin na natin yan gago na yan.

----------

Araw araw nalang ay lagi nyang hawak ang notebook na yun. Merong time na gusto namin kunin yun pero sa tuwing may gagawin sya ay lagi nyang nasa tabi ang notebook. Tuwing matutulog naman ay palagi nyang nasa ilalmin ng unan nya ang notebook. Mukhang alagang alaga ang notebook mukhang kami nga siguro ang nasa notebook.

Kaartehan naman nya. Para talaga syang bading. Notebook pang nalalaman hindi nalang sabihin ng buo, Parang special child lang eh.

------------

Bukas na ang birthday ni ate anie. Pero tahimik padin si jessie hindi din kami nagpapansinan palagi namang nagkwekwentuhan si jessie at ate anie kaya naman di ko maiwasan ang kabahan baka malay namin ay sinabi nya na agad.

Alam kong gulo kapag nagsumbungan. Sinabi ko naman sa kanilang lahat na kapag nag sumbungan na ay wala dapat kakabahan dapat kalma lang para hindi makahalata na nagsisinungaling kami. At sana naman paniwalaan kami ni ate anie kahit na pinsan nya pa si jessie. 

Nalungkot ako bigla dahil ang sarap balikan ang mga moments naming lahat nung wala pa si jessie. Tuwang tuwa ako dahil kami ang magaalaga kay jhennica ng isang taon, Dahilan yon para magkasama din kami ni shara sa iisang bahay ng mahabang panahon. Pero nararamdaman ko na, na parang malapit na kaming umalis dito. Pag naiisip ko ang mga bagay na yun ay agad akong umiiling dahil ayaw na ayaw kong mangyari ang lahat ng yon.

Lalo't na ay malapit na ang 2nd monthsary namin ni shara. Paano na kami.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secret is RevealedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon