Episode 28 - Unhappy Swimming

8 0 0
                                    

Naka ready na ang lahat ng mga dadalhin para sa swimming namin. Silang lahat ay nasa labas na pero ako nasa kwarto padin at nakahiga lang. Sinigawan na ako ni ate anie na aalis na.

------

Anie: AAlis na jef tara na.

Anie: Oy tara na. anak ng tokwa nakahiga ka parin dyan.

Ako: Kayo nalang te.

Anie: Bakit ?

Ako: Wala te. May pupuntahan pala ako.

Anie: Grabe ka naman. Minsan lang tayo mag bonding eh. 

JB: Tara na jef arte naman neto.

Ako: Kayo na nga lang.

Anie: Tara na. Tatanggihan mo ba ako jef?

-------

Wala na akong nagawa at sumama nalang ako kahit wala na ako sa mood mag bonding kasama nila dahil nakakawalang gana na si shara. hindi ko alam kung ano ba ang ibig nya sabihin sa mga pinapakita nya saakin.

Bago pa man kami naglakad ay napansin ni ate anie ang kiss mark sa leeg ni JB. Bakas sa mukha ni JB na kinakabahan. Ako din kinabahan dahil baka madamay pa kami ni shara dito.

----------

Anie: JB ano yan ? 

JB: Ewan ko te eh. kagat ata to ng ipis. Ang kati

Anie: Eh parang kiss mark yan eh?. Chikinini ba yan ?

JB: Hala te hindi ah. grabe ka naman kanina ko pa nga to kinakamot eh. Lalagyan ko nga ban aid.

Anie: Wag mo na lagyan. Hayaan mo nalang. kayo ha.

JB: Hindi nga chikinini to ate. para ka naman ano.

Anie: TARA na nga.

----------------

Kinabahan ako sa usapan nila. Kahit na nagdahilan si JB ay bakas sa mukha ni ate anie na naghihinala dahil super obvious naman na chikinini talaga ang nasa leeg ni JB. 

Bago pa man kami sumakay ay dumaan muna ako sa tindahan para mag pa load. Hindi kasi ako pinapansin ni shara kaya naisipan ko magload para itext ko nalang sya dahil mahihirapan akong kausapin sya ng personal lalo na andyan si ate anie, At baka makahalata lang na over acting ang usapan namin.

Habang nasa jeep ay tiniext ko si shara. Tumingin sya sakin pero walang sinabi. Ilang minuto pa ay hindi padin sya nag rereply sa mga text ko. Pero nakikita ko syang nagtetext sa iba, Mukhang magkatext padin sila ni eric dahil nakikita kong nakangiti sya at parang kinikilig pa sa mga pinaguusapan nila. Hindi ko na matiis at napipikon na ako kaya naman ay tinadtad ko sya ng text na blanko. Tumingin ulit sya sakin pero wala padin sinabi o kaya senyas lang.

Nasasaktan ako dahil bakit ganon ako ituring ni shara. Kahapon lang ay okay kami pero ngayon bat parang nag iba nanaman ang ugali nya. Nakakainis lang dahil parang pinagpapalit nya na ako dun sa eric na yun. Boyfriend nya ako pero kung mag text sila akala mo sila din.

Hanggang sa dumating na kami sa resort na pag swi-swimingan namin ay hindi nya padin ako pinapansin, Nagulat pa nga ako dahil habang kinakausap ko sya ay biglang may tumawag sa kanya. Hindi ko naman maagaw ang Phone dahil biglang dumikit si ate anie kay shara. Nahihirapan ako kumuha ng chempo para kausapin sya.

Nasasaktan na ako sobra dahil sa pinaggagawa ni shara. Kinikilig pa talaga sya habang may kausap sa phone. Stupid love naman talaga. ! 

Pag dating namin sa cottage ay agad na silang nagpalit ng damit para pang ligo.  Naiwan naman kaming tatlo sa cottage ni Lea at ate anie. 

Secret is RevealedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon