Episode 13 -Back To Normal

9 1 0
                                    

Pagkagising namin lahat ay wala naman kaming narinig kay ate anie na mga hinala man.Sa Halip ay nakipag bonding at kwentuhan pa sya samin na tila wala nang gustong sabihin. Masaya man ako dahil wala nang hinala pa, Nalulungkot din naman ako dahil last day na namin dito. Sinabi kasi ni ate anie na uuwi na daw muna sila sa fairview para samahan ang asawa nyang si kuyalits. Tuwing sabado at linggo kasi ay umuuwi sila sa fairview, babalik sila sa camarin kapag Lunes na.


Kahit nalulungkot ay sinusulit ko nalang ang bondings namin lahat , lalo na samin ni shara. Gusto ko bago kami umuwi ay sana close na kami. Yung tipong kahit nasa fairview na kami ay hindi na kami nag kakailangan , Hindi na yung hindi nagpapansinan. Gusto ko kung ano ang meron kami dito ay ganun din sa fairview. Nakakamiss siguro to mga moments na to.

Nag Selfie,kumanta at naligo sa ulan ang ginawa namin. Naging masaya ako sa huling araw namin dito. Nakakalungkot talaga sana palagi nalang ganito.

Pag uwi namin sa fairview ay masaya ako dahil pinapansin ako ni shara, Nagulat din ang mga kaibigan ko dahil nakakausap ko si shara, Si shara kasi ay lumalabas na parang crush ng buong lugar samin marami gustong maging ka-close sya at maraming humahanga sa kanya. Kaya naman ay naiingit saakin ang mga kaibigan ko. Palagi pa nila akong binibiro na meron na kaming relasyon ni shara.Lumaki tuloy ang tenga ko dahil nakakausap ko ang isa sa magandang babae dito sa lugar namin. HAYYYY parang nasa heaven lang sana nga sya nalang si Jolene eh.

Pag katapos namin pag usap ay niyaya naman ako ni Jb na pumunta kila jhai, Sumama naman agad ako dahil gusto ko makita si jolene at gusto ko malaman kung anu na ang gusto nyang manyari . Miss namiss ko na sya mahal nya pa kaya ako?

Nang nakarating na kami kila jhai ay nagkaayos sila kaagad. Bakas sa kanila ang pagka-miss sa isat isa. Inamin naman nila ang mga pagkakamali nila pero ang hindi ko maintindihan kung ano ang mga balak ni JB, Ano na kaya sila ni AJ? Sakinikilos ni JB at AJ parang sila na talaga. Naguguluhan ako.

Natutulala nalang ako kakatingin sa kanila habang naglalambingan. Pero ako hanggang ngaun naghihintay kay jolene ano na kaya ang balak nya sa relasyon namin. Ayaw nya na ba?

Habang nagiisip ay nakita kong dumaan si jolene sa tapat ng bahay nila jhai. Tinawag ko agad sya pero hindi nya ako pinansin, Sinundan ko sya at hinawakan pabalik dahil tila nagmamadali sya maglakad nung nakita nya ako.

Ako: Ano na ? Bat hindi ka namamansin at nagrereply sa mga text ko ?

Jolene: Wala.

Ako: Ano nga kasi? Ano ba problema? 

Jolene: Wala nga. Bumalik ka na dun kila jhai.

Ako: Nagpapadala ka kasi sa chismis eh. Hindi naman ako pupunta dito kung wala ka eh. Malamang kaya ako pumupunta dito para makita at makasama ka eh. Pero ikaw parang wala lang sayo ang lahat ng efforts ko pumunta dito.

Jolene: Hayaan mo na yun mag break nalang tayo para wala ka masabi.

Ako: Anung break. ! 

Jolene: Basta break na tayo. 

------------

Napaiyak nalang ako sa Sinabi nya. Napakadaya nya at napakagulo. Bat sya ganun napaka unfair nya sa simpleng dahilan lang natitis nya akong nag kaka ganito. Hindi ko na alam kung anong gagawin.

Umuwi kami ni JB na nakasimangot ako. Habang sila naman ni jhai ay okay na okay. Bati na sila at wala ng problema. Ako naman nagpapaka-emo habang naglalakad.





Secret is RevealedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon