Episode 4 - Friday The 13th

15 2 0
                                    

Pag gising ko ay agad akong pumunta ng shop para tumingin tingin. Sinabihan ako ni kuya lits na ako muna mag bantay ng shop nya dahil meron daw syang importanteng pupuntahan saglit. Oo naman agad ako, Nakita ko sa phone ko Friday the 13th pala . Sanay na ako dyan Oo naniniwala ako dyan. Marami na akong expierence basta Friday the 13th katulad ng napahiya ako sa Klase dahil sobrang kapal ng pulbo ko at ipinahiya ako ng guro ko. Di ko naman alam na makapal e.

Meron din akong expierence nasusugatan ako sa paglalaro ng basketball minsan pa nga natatalo sa pustahan ng malaki. talagang itinaga ko na sa bato ang Friday the13th talagang napaka badluck sakin nyan.

Nang umalis na si kuya lits agad naman akong umupo sa server at naglaro agad ng DOTA. Nagtext din sakin si jonnie na meron kaming laro sa kanila ng 5pm ng hapon. kaya excited nanaman ako laro nanaman eh, Sinabi kasi ni kuya lits na mga bandang 4pm ay dadating na sya basta daw saglit lang daw sya.Okay lang naman sakin yun dahil meron pa naman ako 1hour para makapaghanda sa laro.

4:30PM NA ng hapon ay hindi na ako nakapakali dahil wala pa din si kuya lits. kasabay nyan ang pagkabwisit ko dahil puro talo ako sa DOTA sa record na 1-5 grabe sakit sa dibdib ang mga ganung streak na pagkatalo. Palagi akong tumitingin sa Desktop ng oras para i-check kung meron na bang mag ti-time sa mga costumers. Pero mapapadalas kong napapasin ang oras ay palaging merong 13. Unang silip ko ay 2:13pm pangalawa naman ay 3:13pm. At sa pangatlo naman ay 3:13pm. Napapaisip nalang ako at napapangisi parang ganun talaga na chechempuhan lang siguro na ganun ang oras kapag sumisilip ako sa Desktop. Habang nagiisip ay nagulat ako na nagpuntahan na pala ang mga teammates ko at sinusundo na ako dahil 4:30pm na malalate na kami sa laro.

Arvie: Jef tara na . matatalo tayo kapag hindi tayo dumating sa tamang oras dun bilis na

Jonnie: Oo nga tumayo ka na jan mag bihis ka na agad wag kana maligo bilisan mo.

Ako: Eh wala kasing magbabantay dito eh.ako kasi pinagbantay dito ni kuya lits. eh kasi basta una na kayo susunod nalang ako agad kapag dumating na si kuya lits ha. sige una nalang kayo

Jonnie: Humabol ka ha? Kundi kokotongan ka namin .

Ako: Oo Oo. !

Naiinis ako dahil parang hindi pa ako makakalaro ngaung araw na to napakamalas talaga tong araw na to hayyy basta't Friday the 13th talaga napakamalas ko hanggang sa DOTA nadadala ko ang malas puro talo !

Dumating na si kuya lits, Tinapos ko langang laro ko at bago ako tumayo sa server ay tinignan ko muna ang oras. Pucha 5:13pm na. napakamalas talaga 13 nanaman. Hanggang ngaun ba naman!

Bago ako umalis ay tumawag muna ako sa phone tinawagan ko si jonnie. Pero ang nakasagot neto ay si jhai. Sa kanya ata pinahawak ni jonnie ang phone nya.

Ako: He-Hello ? nagsisimula na ba ang laro nila?

Jhai: Oo matatapos na nga e 4th Quarter na . Punta ka dito habol ka bilis.

Ako: Nako hindi na. Super late na ako eh punta nalang ako dyan pero hindi na ako maglalaro punta lang ako.

Jhai: O sigesige !

Dahil hindi na talaga ako makakahabol sa laro ay naligo nalang muna ako. Para fresh naman ako kapag pumunta ako dun. Lagkit na lagkit na kasi ako sa sarili ko eh. kadiri na

Pag katapos ko maligo ay pumunta na ako agad ng court. meron ding liga samin medyo malayo-layo din kasi ang lugar nila jhai. nakakatamad maglakad lalo't na wala akong pera pamasahe. Nakita ko ang isang kaibigan kong merong bike hindi pa naman nya ito ginagamit dahil nanonood sya ng liga kaya ay hiniram ko muna ito para makapunta agad ng mabilis kila jhai. 

Mahal na mahal ko din ang pag bi-bike gusto ko hataw na hataw ako sa pagpapatakbo nito. Lalo na ngayon nagmamadali akong pumunta dun kahit na hindi na ako makakalaro. Todong todo ang patakbo ko ng bike sa hi-way tila walang takot sa pwedeng anu mang mangyari. Sa sobra kakamadali ay kahit sobrang sikip na ng dadaanan ko ay pilit ko pang pinapapasok. Yun nga lang nagkamadali ako dahil sobrang sikip na pala talaga ng dadaanan ko. Merong naka-parking na taxi sa gilid at meron akong sasalubunging trycycle sobrang sikip kinabahan ako bigla sa pdeng mangyari. At Bigla nalang No Choice ako bigla, Sa sobrang sikip ay tinamaan ko ng manibela ang side mirror ng taxi. Napatingin agad ako sa loob sa driver. nakasarado ang bintana di ko sya marinig pero malinaw na malinaw sakin ang sinabi nya tila galit na galit at sinabing P*TANG IN*MO ! Sabay turo sakin. Kinabahan ako bigla binilisan ko agad ang pagmamaneho ng bike hataw na hataw nanaman ulit. Nakikita ko sa likuran kong hinahabol ako ng taxi na nabangga ko. Pinaikot ikot ko ang taxi hanggang nag tago ako sa eskinita at tuluyang nailigaw na ang taxi driver na yun. Ang bilis ng tibok ng puso ko sa sobrang kaba. Mukhang nasira ko ata ang side mirror nun. Pero hinahayaan ko nalang at tumingin nalang ako sa oras sa phone ko. At napa-wow talaga ako dahil pucha 6:13pm na hindi dahil 6pm na. dahil ayan nanaman 13 nanaman! Siguro kasama talaga sa malas ko ung pagkabangga ko ng side mirror ng taxi kanina. Binalewala ko nalang at nag bike nalang ako ulit papunta sa pupuntahan ko.

Nakadating na ako sa court nila pero 4th quarter padin. tinanong ko si jhai kung anong quarter na ba talaga kanina nung tumawag ako. sabi nya 2nd quarter palang pala. wala na akong nagawa nanood nalang ako dahil hindi din naman ako makakalaro dahil wala akong dalang gamit sa panglaro. At sa huli nanalo naman sila. Aba swerte pala sila pag wala ako.Ako talaga ata ang malas talaga e -_-





Secret is RevealedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon