Episode 29 - The Spy

5 0 0
                                    

Pag ka uwi namin sa bahay ay ramdam namin ang sobrang pagod. Lahat kami ay masakit ang katawan kaya naman ay pag pasok ng kwarto ay humilata na kaming apat. Hindi na kami nakapag latag ng sapin. Dahil ang usapan ay sa sahig daw kami matutulog sila AJ at shara sa higaan.

Antok na antok na ako ng bigla akong ginising ni shasha na para kamutin ang likod nya. Kinamot ko naman ito nag request pa sya na kamutin ko sa loob, Agad ko naman kinamot sa bandang bra nya at nagulat nalang ako biglang may pumasok sa kwarto.

--------

Anie: Ano yan ? Wala ng latag latag? Pagod na pagod ?

JB: Napagod kasi talaga kami te sakit ng katawan ko.

Anie: Sige na mag latag na kayo.

---------

Kinabahan ako dahil nabigla ako sa pagpasok ni ate anie sa kwarto hindi ko na naalis ang kamay ko sa likod ni shara. Hindi ko alam kung nakita ni ate anie na nakapasok ang kamay ko sa loob ng damit ni shara dahil naka patay din ang ilaw sa kwarto. Agad nalang kami nag latag agad para makatulog.

------------

Tanghali na kaming nagising lahat dahil sa sobrang pagod sa swimming kagabi, Hindi din agad maka galaw galaw dahil sa sobrang sakit ng katawan Hindi din silang pumasok lahat. Pagkatapos ng tanghalian namin ay nagsibalikan din agad sa kwarto ganun nadin si ate anie, Dahil pagod na pagod sa swimming kagabi. Kahit ako ay ramdam ko parin ang pagod parang kulang pa ang pinahinga ko buong gabi, Kaya naman ay natulog ulit ako.

Nagising ako ng 7pm ng gabi, Ako nalang pala ang tulog lahat sila ay nasa sala nanonood ng tv. Agad din naman ako pumunta sa sala para manood din.

Habang nanonood ay nagulat nalang ako na meron nanaman dumating na lalaki. Yun nanaman ay si jessie. Napamura nalang ako sa isipan ko dahil meron nanamang eepal dito sa bahay.

Pag pasok na pag pasok ay sinabi agad ni jessie na dito daw muna sya mag sstay ng ilang araw hanggang sa tawagan sya ng kompanyang inapplyan nya. Naisip ko na matagal siguro sya mag sstay dito. Nakita ko din ang bag nya na sobrang laki akala mo lahat na ng gamit ay dala nya na.

Sa sobrang inis ay nahiga nalang ulit ako sa kwarto. Ilang minuto pa ay sinabi ni ate anie na sa sala muna kami matulog dahil dito matutulog si jessie sa kwarto nila AJ at shara. Napakamot nalang ako sa ulo sa inis, Bat ba kasi dumating pa tong rabbit na to.

Ilang minuto pa ay sumunod si JB pati nadin si AJ at shara sa kwarto. 

-------

JB: Tang inang yan andyan nanaman si rabbit ampota.

Ako: Oo nga eh. Ano kaya pinaggagawa nya dito papansin ampota.

AJ: Pampam yan.

Ako: Wag nyo ng papansinin yun hon ha?

Shara: Sige.,

Ako: Simula ngaun.

Shara: Sige.

------

Habang kumakain kami ng hapunan ay nakikita kong kahit kinakausap ni Jessie si AJ at shara ay hindi ito pinapansin. Salamat naman dahil nakikinig sila samin, Mas maganda kasi walang magiging close si jessie dito para ma boring sya at tuluyan ng umalis. Ahhh basta basta, Kung ano ano na naiisip ko. Naguguluhan ako, hanggang kailan kaya tong koneho na to mag sstay dito.

Maagang natulog si jessie. Naglatag agad sya sa kwarto nila AJ at shara. Halatang pagod na pagod. Ilang minuto pa ay natulog nadin kami ni JB sa sala ganun nadin sila AJ at shara. Hindi ko na binantayan si shara matulog dahil meron naman akong tiwala sa kanya at alam naman nya kung ano ang tama at mali. Kung meron man si jessie gawin ay dapat isigaw lang nya.

-----

Pag gising ko ay gising nadin si jessie. Nakita ko syang naglalaba sa terrace, Ako at si JB naman ay naghanda na para asikasuhin si jhennica para sa pagpasok. 

Kahit wala na si ate anie dahil pumasok, Ay hirap na hirap padin ako kausapin si shara dahil nandyan si jessie. Hindi ko naman pwedeng kausapin si shara ng matagal dahil kailangan namin asikasuhin si jhennica. 

Hindi ko na nga makausap ng maayos si shara ay dagdag pa si jhennica sa problema dahil nag sspoiled brat nanaman ang batang ito. Ayaw mag paasikaso samin ni JB kaya naman ay nabwisit na ako ay nahiga nalang ako sa kwarto,  Nakita ko naman si jhennica na nagsusuot mag isa ng uniform. Super spoiled kasi gusto nya sya na gagawa kahit hindi naman kaya nakakainis lang alagaan, Parang gusto ko na tuloy sumuko sa pagaalaga dito. Kung hindi lang dahil kay shara lang talaga.

Bago pa man kaming umalis tatlo ni JB sa paghahatid kay jhennica ay napatingin ako kay jessie. Hindi mapakali ang malikot kong isipan sa kanya. Parang wala talaga akong tiwala sa taong to. Natatakot ako baka kung ano gawin nyang masama kay shara lalo na wala kami dahil maghahatid kay jhennica. 



Secret is RevealedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon