Episode 9 - Too many Gossips

38 1 0
                                    

Natapos na agad ang kampanya namin sa liga dahil maaga kami na eliminate sa laro. Pero Malungkot ako dahil ayaw na ayaw ko talaga matalo pag dating sa anu mang laro. Nang hihinayang ako sa mga batang todo support samin feeling ko hindi ko naibigay lahat ng best ko para manalo sa laro. Nakalalambot talaga ng puso dahil kahit talo kayo anjan ang mga fans mong aapir sayo at sasabihing ang galing mo kuya, yan ang totoong fans. !

---

Kahit wala na kaming laro ay palagi parin kami pumupunta ni jb kila Jhai at jol. Perfect attendance palagi kami minsan nga dun na kami kumakain kulang nalang dun na kami matulog.

Nag daan ang mga araw ay parang madalang nalang pumunta si jol sa bahay nila jhai kahit na andun kami, napansin ko na bihira nadin sya mag reply sa mga text ko. Nagtataka ako merong isang araw na pumunta kami pero hindi naman sya pumunta dun, Para lang tuloy akong tanga na OOP ako sa nangyayari, Hindi ko alam kung anong dahilan o anung ginawa kong mali.

Isang gabi ay nagkatext kami yung hindi matumal, yung text na mabilisan ang reply tinanong ko sya kung anu bang dahilan kung bakit 


-----------

Ako: Bat hindi ka pumupunta kila jhai kapag pumupunta?

Jol: Nagagalit kasi si mama eh, Marami kasing tsumitsismis sa atin eh mga inggetera eh.

Ako: O anu naman ? hayaan mo sila ganun ba tayo ka famous para tsismisan nila?

Jol: Nagagalit si mama kasi maraming tsismis nga nakakaabot sa kanya eh, sinasabing baka mabuntis mo daw ako, ayoko daw nya makikita tayo magkasama kaya mag laylo nalang muna tayo tignan muna natin mangyayari wag ka nalang pumunta samin.

Ako: Pucha buntis agad ? Mga utak talaga ng mga tsismosa halatang walang pinagaralan. Nagiging miserable siguro ang mga buhay nila kaya tayo ang pinapakaelaman nila.

Jol: Basta laylo muna .

---------------------------

Naiinis ako kay jol ng dahil sa tsismis lang bakit sya sobrang apektado, dapat hinayaan lang yan mga tsismosa na yan. mga walang kwenta ang buhay nila .

Sumasama padin ako kay JB papunta kila jhai na kahit alam kong hindi naman pupunta si jol ay sumasama padin ako nagbabasakaling baka pumunta sya o mapadaan lang doon. 

Palagi nalang ganun ang resulta naiinis na talaga ako. Laylo na nga sa personal pati din sa text laylo din ? ganun ba talaga ? madalang nalang sya nakakapagtext sakin sobra na hindi ko na alam ang dapat gawin.

------

Isang araw ay tumatambay kami ni JB sa computer shop ni kuya lito , Close din kasi kami ng asawa nyang si Ate anie at sinabi nya samin na uuwi daw muna sya bahay nila sa camarin para tignan ang bahay. Pabirong sabi ko na sasama kami sa bahay nila sa camarin dahil napaka-boring na dito samin. at sinabi nyang okay lang naman kayo bahala

Sinabi nilang gabi daw sila uuwi at magpakita nalang daw kami sa kanya pag gabi napara makasama kami sa bahay nila sa camarin .

Hapon palang naman. Niyaya ako ni JB pumunta saglit kila jhai , ayoko sana pero mapilit si JB kaya sinamahan ko nalang sya papunta kila jhai.

Mukhang nagkagalit din ata silang dalawa kaya nagmamadali si JB pumunta.

Pag dating namin dun ay naabutan namin si jhai sa bahay nila. Pinapasok kami ng mama ni jhai para umupo muna. Kitang kita ko sa dalawa parang talagang magkagalit sila kaya tamang nood muna ako ng TV dahil wala din naman akong kausap.

Inabot nadin kami ng dilim at ganun padin parang lumalala lang ang away nila talagang hindi magkasundo parang aso't pusa. Bigla nalang lumabas si Jhai.

30mins na kami nagaantay pero hindi padin bumabalik si jhai dito sa bahay. kaya nag decide na kaming magpaalam sa mama ni jhai para umuwi na. Bago paman kami umuwi ay sumilip muna kami sa court titignan daw ni JB kung andun si jhai dahil sigurado naman nandun si jhai tumatambay lang sa court palagi. 

Nandun nga si jhai , at nagulat ako na andun din si jol magkatabi sila, isip isip ko tuloy ay parang parehas lang kaming ginawa ni jb na kasalanan , parang nag uusap silang dalawa tungkol samin dalawa ni JB, gulong gulo na kami atgalit na galit si JB dahil pinagantay kami ni jhai sa bahay nila ng matagal, Kaya niyaya nya nalang ako umuwi at sumama nalang sa camarin sa bahay nila ate anie.

Pumayag naman ako dahil wala na kaming nagagawa dito gusto muna namin magpalipas , dahil gulong gulo na kami sa mga mnangyayari hindi na namin alam ang gagawin.




Secret is RevealedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon