Episode 24 - Happy First Monthsary <3

12 1 0
                                    

Linggo ng umaga ay maaga akong nagising. Wala naman sila ate anie. Sinisipag akong maglinis dahil monthsary namin ngaun ni shara. Gusto ko pag gising nya ay malinis na ang bahay gusto ko wala na syang gawin. Ayoko syang mapagod sa araw na to.

Nilinis ko lahat ng mga kalat at mga gilid gilid at pati na mga bakanteng lugar.  Npagod din ako dahil sobrang dame pala lilinisin wala din kasi sila kuya mac at si ate amor ngaun. Kaya pati kwarto nila ay nilinis ko dahil sobrang kalat masyado pala silang burara sa mga gamit nila.

Pag gising ni shara ay meron pang laway sa gilid ng bunganga hinalikan ko na agad sya sabay yakap at bati ng Happy First Monthsary <3 . Binati nya rin ako.

Paglabas ni shara ay hinahanap nya agad ang walis. Sobrang sipag talaga neto.

----------

Ako: Tapos na.

Shara: Alin? Nasan ba yung walis natin ?

Ako. Tapos na nga. tapos na akong maglinis dyan nilinis ko na dyan. magpahinga ka naman. sipag mo ah.

Shara: Ah ganun ba? parang madumi padin ang bahay eh?

Ako: Anong !. madumi ka dyan. pagod na pagod nga ako hindi na ako nakapag almusal kakamadali maglinis ng bahay. tapos sasabihing mong madumi lang.?

Shara: Oo. kaya. ! Nararamdaman ko pa sa paa ko na marami pang dumi. Dumi-dikit sa paa ko.

Ako: Wag na. Almusal nalang tayo tara dito.

-----------

Niyaya ko si shara sa lamesa para mag almusal habang yakap yakap ko sya patalikod. Bumili nadin kasi ako ng almusal na pandesal at mga kape para mag aalmusal nalang si shara pag gising nya.

Ramdam na ramdam ko tong araw na to ang saya saya naming dalawa dahil nga monthsary namin ngaung araw. Sana mag tuloy tuloy na to. Nagusap nalang kami habang nag aalmusal tungkol sa mga pede naming gawin ngaun monthsary namin.

Naisip naming mag simba nalang dahil malapit naman dito ang simbahan dito sa bahay . Konting lakad lang ay simbahan naagad.

Saka yun naman talaga ang gusto ko palagi . Sa simbahan ko palagi dadalhin ang mahal ko. Hanggang sa huli. Hanggang sa ikasal na kami. May Forever kaya?

Napagusapan din namin na gumawa ng letter sa isat isa ngaung monthsary namin.  Letter para samin na gusto namin sabihin ng isat isa.. Ganun kasi ang gusto ko dapat tuwing monthsary ay meron kaming letter sa isat isa. Gusto ko talaga ang relationship na sweet.

Kapag tapos namin kumain ng tanghalian ay natulog muna kami dahil mamaya pa naman ang start ng simba. Hapon pa naman, Pero bago pa kami magsimba dapat ay nakagawa na kami ng letter sa isat isat. Yun ang naging usapan namin.

Hindi pa man ako tuluyang nagkakatulog ay bigla nalang tumawag sa phone ko si ate anie.

--------

Ako: Hello.?

Anie: Jef punta ka dito kunin mo ang ulam nyo para mamayang gabi dyan.

Ako: Aah ganun ba te? sige po.

-----------

Nainis din ako dahil baka ito pa makasira ng plano naming dalawa ni shara.

Agad naman akong nagpaalam kay shasha na pupunta muna ako ng fairview dahil sa ulam na pinapakuha ni ate anie. Hindi ko naman matanggihan si ate anie at baka magalit lang at baka maghinala pa samin. 

Nag promise naman ako kay shara na babalik ako agad kapag nakuha ko na ang ulam na pinapadala ni ate anie. Sa kaka promise ko kay shara ay nabuo ang promise sign namin .Isang Promise sign na pinagdidikit ang daliri namin na hintuturo . Sinabi ko sa kanya na simula ngaun kapag meron kaming ipro-promise na mga bagay ay dapat merong ganitong ginagamit na sign. Means para sure na sure ang promises at dapat walang talkshit.

Secret is RevealedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon