Hindi ko alam kung bakit bigla nya na lang ako hindi pinansin. Tapos na ba yung 'officially enemy' ek ek nya? Ang bilis naman. Di pa nga ako lubos na nakakaganti sa mga katangahang ginawa nya sakin tapos di na agad sya namamamansin.
Nandito ako ngayon sa park kasi wala lang trip ko lang. Parang trip ko kasi magswing weeeeeee!!
Hehehe sarap naman talaga ee.
"Excuse me po"
Natigil ako sa paglalaro ko ng may tumigil na babae sa harap ko. Para sayang nahihiya na ewan.
"Yes miss?" Takang tanong ko
"Pwede po ba magtanong kung saan po ang ******* subdivision dito? Naliligaw po kasi ako. Kakalipat lang po namin kanina tapos naggala ako at ngayon po hindi ako makabalik kasi di ko po matandaan" mahabang paliwanag nya..
"Oo kasubdivision lang kita. Sabay ka na sakin" sabi ko sa kanya sabay tayo sa swing. Tuwang tuwa sya sa sinabi ko.
"Ako nga po pala si Judelyn. Judelyn Ibasitas Oral. Ikaw? Anong pangalan mo?" Tanong sakin
(TAMA PO BA YUNG NAME?)
"Ishii nalang" at nginitian ko sya.
Maya pa ay sabay na kaming papasok sa gate ng subdivision.
"Dito na lang ako. Salamat ishii!" Paalam nya sa akin.
Ngitian ko sya at nagpaalam na. Habang naglalakad ako pauwi. Parang namalik mata na naman ako at parang nakita ko si devil?
Tumakbo ako papunta doon at hindi nga ako nagkakamali. Si devil nga nakatayo sa poste na animo may hinihintay sa tapat ng bahay na kaharap ko ngayon.
Agad nya akong napansin ngunit agad ding inalis ang tingin sa akin.
"Hoy anong ginagawa mo dito?" Puna ko sa kanya
Dedma..
"Hoy devil"
Still dedma.
"Hoy stupid,yabang,antipatiko,mahangin,!" Buska ko sa kanya para lang pansinin ako.
Still no reaction. At nagwalk out lang sya.
Hindi nya ako pinansin? Pinatulan? Anong nangyayari?
Nagpatuloy ako sa paglalakad habang iniisip pa din kung bakit hindi nya ako pinapansin. Sinong kaluluwang gala ang pumasok sa katawan nya? Bakit ganoon? Nakakapanibago sya?
--
Lumipas ang linggo na hindi nya pa din ako pinapansin. Di ako makapagfocus sa lesson dahil sa inaasal nya.Halos gumawa ako ng dahilan para magalit sya sa akin.
Merong tapidin ko sya habang naglalakad.
Merong hagisan ko sya ng crumpled paper sa mukha.
Meron pang ipagkalat ko na bakla sya
Pero sa lahat ng ginawa at sinabi ko. No reaction pa din sya sakin. HINDI NYA AKO PINAPANSIN!!!
--
"Ishii may problema ka ba?" Si Kite yan. Nasa canteen kami ngayon . Sumabay sya saking kumain dahil ako lang naman ang kinakausap nya.
"Ha? Oo ayos lang ako he-he-he bakit?" Peke kong tawa.
"Kasi nitong nakaraang linggo ang tahimik mo saka parang ang laki ng problema mo." Malungkot na sabi nito sa akin.
Ano ba yan dahil sa kagagawan ko. May naaapektuhan na pala sa akin. Ano ba kasi talagang nangyayari sa akin. Gulong gulo na ako.
--
Uwian na and im on a rush kasi obviously nagmamadali ako hahaha. Magkikita kasi kami ni Cleraine. Nasa tapat na kasi sya ng gate at may surprise daw sya sakin. Kaya pandalas ako ng takbo.Nang malapit na ako sa may gate ay natapilok ako .. pumikit ako at hinintay ang pagbagsak ko pero huh? Ang tagal ko naman bumagsak? Naiinip na ako...
Hindi joke lang hahaha.
May kamay na humapit sa bewang ko dahilan para halos nakayakap na ako sa lalaking ito.
"D-devil?!" Nabigla kong sabi kaya dumausdos ang isa kong paa ay nahila ko sya sa pagbagsak ko. Pero bago kami bumagsak sa lupa at kinabig nya ako dahilan para mapailalim ko sya.
Dahil sa impact ng pagkakalaglag namin ay di sinasadyang napalapat ang labi ko s labi namin.
Nandilat ang mata namin parehas at gulat ang rumehistro sa buo nyang mukha.
Agad akong tumayo At hindi makatingin ng diretso sa kanya. Nahihiya ako!!
"Your lips taste sweeter than i thought" bulong nya pagkalapit na pagkalapit nito sa akin at kumawala ang pinipigil nitong ngiti. Umalis sya pagkatapos noon.
Napakagat ako sa labi ko at hinawakan ko ang labi kong nakadikit kanina sa mapupulang labi nya.
A-ang s-sarap! >///////<
Uwaaaahh erase!! Erase!! Hindi yun masarap virus yun..!!
"Besssssttt!!!!! Nakita ko yonnnn!!" Napalingon ako at nakita ko si Cleraine na ang lapad ng ngiti.. ngayon ko lang din narealize na ang daming taong nakatingin sa akin!!!
Im so dead!!!
BINABASA MO ANG
The Cold Devil Heartthrob is my BOYFRIEND?! (MAJOR EDITING)
HumorHighest ranking so far #4 Humor book two: My Hardheaded Girl is Mine AGAIN. Book cover by:ryll_hearts