#48 SEPERATE WAYS

6.6K 166 19
                                    

*Ishii pov*

"Pwede ba best kahit ngayon lang gusto kong mapag-isa" asik ko kay Cleraine na panay ang harang sa akin sa may pinto.



"Best parang awa mo na. Kung may binabalak ka man na hindi maganda, Utang na loob itigil mo na!" histerikal na sagot nito.



napakunot ako ng noo. Binabalak na masama? mukha ba akong may gagawin na masama?



"O.A lang best? Mamamasyal lang ako best! tatanggalin ko lang yung lungkot sa sistema ko. Kaya pano mangyayari yang binabalak na hindi maganda na yan? Pakiexplain lang!" pinameywangan ko pa ito. Akala ata ng bestfriend ko na ito porket bigo ako ay may gagawin na ako na hindi maganda. Sus seriously? Ako pa? Ako pa ba?!





"sure ka best?" tanong nito sabay tapon sa akin ng mapanuring tingin na animo hindi naniniwala sa sinasabi ko



Pagak akong tumawa at ambang babatukan ito ngunit maagap itong nakalayo sa akin.


"ihhh, Sorry na best! Kasi may napanood ako na nung nabroken hearted at nagsuicide. Meron pang isa. Pinagbalakan naman patayin yung taong dahilan kung bakit sya nasaktan. Natakot lang ako na baka gawin mo yun."




Napabuntong hininga ako sa klase ng utak meron ang bestfriend ko.



"Best! Hindi ako ganoon okay! Kaya kung pwede lang sana paraanin mo na ako at baka maisipan ko ngang gawin yang iniisip mo SAYO!" Pagkasabi na pagkasabi ko noon ay agad itong gumilid at animo maamong tupang nakangiti sa akin na waring sinasabi na 'ingat ka best. Pasalubong ko pagbalik mo'





Agad akong umalis at dumeretso sa lugar kung saan alam kong walang makakagambala sa pag iisip ko.




Ang park na hindi na masyadong pinupuntahan ng tao ang perfect place para sa akin. Ang lugar kung saan malaya akong makakapag isip ng walang anumang ingay, walang epal at higit sa lahat ang lugar kung saan hindi ko na kailangan pang itago ang tunay na nararamdaman ko. Yung sakit na patuloy na bumabaon sa kasuluk-sulukan ng pagkatao ko.




Pagkarating na pagkarating ko ay agad akong umupo sa likod ng isang tagong puno at doon pinagmasdan ang halos walang kabakas bakas na may napunta pang tao dito.





Napangiti ako ng mapait. Ang park na ito ay parang ako. Sa simula lang minahal. Sa simula lang inalaagan dahil bago pa. Pero sa paglipas ng panahon, nang nakakita ng ibang mapupuntahan ay kinalimutan na lang bigla. Ibinaon na lang sa limot na animo hindi man lang nag exist sa sistema ng mga taong minsan ay naging pasyalan at tagpuan nila ng kanilang mga minamahal.





Hindi ko namalayan na unti unti ng nabalong ang luha ko. Hinihintay ko na lang pumatak ito dahil alam ko namang wala ng sasalo ng luha ko kahit anong pagmamakaawa ang gawin ko. Wala na talagang magagawa at wala na talagang pag asa pa. Kahit ipilit pa. Wala na ring patutunguhan.



"Dont waste your tears. Im here,willing to catch you just, just let me Ishii" nagulat ng biglang may nagpahid ng luha ko at hindi hinayaang mahulog ito.




"Von" anas ko at ngumiti na alam kong hindi abot sa aking mata




"Ishii. Ako na lang. Please Im willing to be a rebound just be mine Ishii. Matagal na kitang mahal . Bata pa lang tayo gusto na kita" sincere na sabi nito habang titig na titig sa akin



Nandidilat ang mata ko at hindi alam ang sasabihin sa pinagtapat ni Von sa akin.




"Von alam mong hindi ko kayang gawin na gawin kang-"






The Cold Devil Heartthrob is my BOYFRIEND?! (MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon