#22 ENCHANTED

10.5K 328 17
                                    

*ishii pov*

Nasaan na ba ako uwaaaaaah!! Nagpalakad lakad ako pero sa iisang dereksyon lang ako napapadpad. Sa lugar mismo na my malaking ugat ng puno na inupuan ko mismo kani kanina lang.

Eto na ba yung sinasabi ni Kite? Hindi na ba ako makakaalis sa lugar na to?

Nanlulumo akong napasalampak ng upo sa ugat ng puno at mangiyak ngiyak na yumuko.

Nasa ganoong sitwasyon ako ng may kumalabit sakin.

Huhu paano na ako nito. Paano ako makakauwi? May maglakas kaya ng loob na pumasok dito sa gubat na to?

*poke*

Paano na ang kinabukasan ko? Yung pangarap kong pamilya paano na matutupad yon.

*poke*

Putek naman ohh kita ng nag eemote ako may papansin na kalabit .... ng .... ka---la--bit sa...Omg!!

Nanginig ang buong katawan ko sa reyalisasyong wala akong kasama kaya sino ang kakalabit sakin.

Ayoko tumingin. Ayoko.. ayoko.. iiling iling kong itinakip ang nanginginig kong kamay sa mukha ko. Takot na takot ako na yung tipong lahat ng santo matatawag mo. Na tipong ayaw mong umiyak pero yung luha mo hindi mo na makontrol sa pagtulo.

Biglang may humawak sa magkabilang balikat ko dahilan para magwala ako.

"Waaaaaaaaa mumu wag pp di po ako masarap. Wag mo po ako patayin parang awa mo na. Di po masarap ang dugo ko. Hindi rin po ako masarap gawing tobacco. May aids po ako kaya mahahawa lang po kayo sa akin may sal--"

*poink*

Napahawak ako sa ulo kong tinuktukan ng mahina gamit ang kahoy.

Napalingon ako sa gumawa nun at narelieve sa na nakita.

"Waaaaaaa manong! Nawawala po ako tulungan mo po ako di ko po alam ang daan parang awa mo na po tulungan---" tinakpan ko ng kamay ko ang bibig ko ng makitang akmang pupukpukin na naman nito ang ulo ko.

"Kuh kaingay mo ba ineng! Natutuleg ako sa ingay mo ba." Wika nito na para bang nagtataka sakin dahil magkasalikop ang kamay ko na nakatingin sa kanya.

"Ayyy koya nawawala man ba ako. Tolong ba? Tolong palabas dito sa gubat?!" nagpipigil ako ng tawa habang ginagaya ang punto ni kuya.

"Dyaskeng batang ire. Gayahin mo pa ako at mahayaan la rine sa dilim pureber" banta ni manong.

*pout*

"Joke lang kuya. Tutulungan mo po ba ako?" Pacute na tanong nito

"Ay hinde ineng titigan lang kita dito" pilosopong sabi ni manong.

*pout*

Nakakarami na tong matandang toh ha!

"Sumunod ka sa aken at parang may sogat ka ata. Magamot mona at mokhang malala ata yan" pangunguna nito sa paglalakad

Agad naman akong sumunod at namangha sa nakita ko. Yung falls grabe napakaganda nito lalo na sa malapitan. Natulala ako sa napakagandang view.

Siguro mga alas sais na ngayom ng hapon kaya ang ganda lalong tingnan ng falls dahil para itong nakinang kinang sa paningin ko.

Ibig bang sabihin nito ako ang pinili ng falls na ito para makita ang tunay nyang ganda. Pero teka sino ang makakatuluyan ko?

Shet na malagkeeet!!!

Wag mong sabihin na si manong ang forever ko?

Uwaaahhhhh..

Falls bakit ang hard mo sa akin! Huhuhu.

The Cold Devil Heartthrob is my BOYFRIEND?! (MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon