Chapter 4

1.2K 52 3
                                    

Nicole POV

Bumangon akong ang sakit ng mata ko. Naglakad ako papunta sa harap ng salamin dito sa kwarto ko at mugtong mugto nga ang mga mata ko kakaiyak kagabi.

Sino ba naman kasi ang iiyak ng sobra tapos paggising mo ang ganda ganda mo parin, kasi sakin kahit alam kong sa sarili ko na sobrang ganda ko, itsura ko ngayon is like ZOMBIE at dahil ito sa nakita ko kahapon.

Ang dami kong tanong, like is it Damon has a girlfriend already? Why Damon kissed that girl? Pero walang magsasagot sa mga katanungan ko lalo na't ako lang naman ang nakakita, of course including Damon and that girl.

Pero sasabihin ba nila saken, or they need to tell me? Ang sakit kahit hindi naman kami ni Damon. Pero masisisi nyo ba ako kung matagal ko na syang mahal.

"Aaaaaaaahhhhhhh!!!!!!!!!!!". Tumigil ka nga sa kakaiyak mo Nicole para kang ewan" pinapagalitan ko sarili ko dahil umiiyak na naman ako. Instead na magmukmok, ginawa ko na lang ang morning ritual. After that bumaba na ako at pumunta sa kitchen para magluto ng breakfast.

I miss my dad. Wala kasi sya dito sa pinas, may inaasikaso kasi sya sa isang mall namin sa Australia. Hindi ko naman sya pwedeng tawagan sa ngayon kasi alam kong busy sya. Kaya pupunta na lang ako sa isang mall namin. To relax and forget Damon and that girl.

Nakarating na ko sa mall namin at nagpapark ng kotse. Dumiretso ako kaagad sa Massage parlor.

"Hi miss Nicole, buti po at nakabalik na kayo" bati saken ni Rose na isang empleyado dito sa massage parlor. Siya lagi nagmamassage sakin kaya close kami.

"Hi Rose, yeah I want to relax my body and mind so please massage mo naman ako" ngiting sabi ko sa kanya.

"O sige Miss Nicole, tara po" sabi nya, at sumunod na ako.

Hindi nya ako kwinekwentuhan habang minamasahe nya ako dahil siguro naintindihan nya ang sinabi ko kanina at siguro napansin nyang seryoso ang pagkakasabi ko.

Minsan kasi pag nagpapamasahe ako sa kanya gusto ko lang malibang at makipagkwentuhan sa iba. At dahil kailangan ko ngayon ng peaceful mind dito ako kaagad dumiretso.

"Miss Nicole, miss Nicole" tapik sakin ni Rose sa likod ko pero mahina lang.

"Oh I'm sorry nakatulog ata ako haha" natawa ako sa sarili ko dahil sabi ko kanina iidlip lang pero nakatulog na pala ako.

"Naku ok lang Miss Nicole sa inyo naman itong mall" sabi sakin ni Rose.

"Yeah oo nga, nakalimutan ko. Pero ok lang may pupuntahan pa ako, mamasyal muna at bibili narin ng mga kung ano anong magugustuhan ko. O sige maiwan na kita dyan". I smiled at her at lumabas na ng massage parlor.

---------------------------------------------------------------------

Haaaayyyy... Kapagod maglibot. Sabi ko magrerelax pero napagod naman katawan ko. Ang gulo ko ba? Hahaha nababaliw na ata ako. Punta na nga ako sa jollibee nagugutom na ako e.

Umorder ako ng marami dahil gutom na gutom ako. Konti lang kasi kinain ko kaninang umaga at late pa akong nagising tapos ngayon medyo late na naman akong kumain ng lunch. It's 1:30 na pala ng tanghali. Sarap sarap talagang kumain. Ok lang akong kumain ng marami hindi naman ako tabain kaya sexy parin ako, haha yabang ko.

Paalis na akong mall ng may tumawag sakin. Ang daming tumatawag ng pangalan ko ha. Artista lang ang peg? Lumingon ako ng may humawak sa braso ko, pagkalingon ko ah yung mga apat palang ITLOG.

"Prinsesa tinatawag namin pangalan mo pero ang tagal mong lumingon, nabingi ka na ba? "reklamo ni Ethan sakin.

"Ano sabi mo, BINGI ako?" kunwari nagagalit na sabi ko kay Ethan. At mukhang natakot naman etong si gunggong. Bwahaha duwag talaga to.

"Ah, hindi ah. Wala kaya akong sinabi prinsesa. Ang ganda mo kaya para maging bingi ka hehehe" nakangiwing sabi sakin ni Ethan at naka peace sign pa.

"Ok, bakit nyo pala ako tinatawag at bakit kayo andito?" tanong ko sa kanila.

"Ah baby girl nandito kami para magrelax" sabi ni Chase.

"Oo nga prinsesa" sang ayon naman ni Ethan. Tahimik lang ang dalawa dito sa tabi namin. Syempre yung isa dyan  talagang minsan lang magsalita. At pansin ko kanina pa nya ako tinititigan. Alam nyo na kung sino.

"Magrelax dito sa mall, talaga lang ha mall nyo talaga naisipang magrelax" baliw talaga tong mga to, paano naman sila makakapagrelax dito eh ang ingay ingay at ang daming tao. Ang dami ngang taong nakapaligid samin habang naguusap kami. May kumukuha ng picture at nagsisisigaw ng kung ano ano sa mga apat na ito.

"Actually princess hindi sana dito, pero dahil hindi mo sinasagot ang mga tawag namin. Trinace na lang namin phone mo kung asan ka. Yayayain ka sana namin pumuntang Fresh park(sensya na sa place) to unwind" infairness nagsalita na din tong si liam.

"Ok go ako dyan" nakangiti kong sabi sa kanila kahit di ko feel makasama ang isa dito. At ayoko namang mahalata nila na may problema sa aming dalawa. O baka nga ako lang.

"Ok tara na"!!!!! Hiyaw ni Ethan. Sayang saya ang mokong. Haha

At ayun sumakay na kami sa sasakyan ni Liam na van. Para isahan na lang daw ang sasakyan namin papunta dun.

Si Liam syempre ang driver at katabi nya sa passenger seat si Ethan . Katabi ko naman si Chase. At nasa may likuran namin umupo si Damon. Hah! Bakit ayaw nyang tumabi saken, parang ayaw nya nga talaga sakin. Ouch! Bwisit!!!

Nagtaka ako kung bakit huminto kami sa isang malaking bahay at lumabas si Damon.

"Sinong bahay ito at bakit lumabas yun?" tanong ko sa kanila. Hindi na nila nasagot ang tanong ko kasi nakita at alam ko na kung sino ang may ari ng bahay.

Sana hindi na lang ako sumama kung may bwisit na kasama!!! BWISIT!!! AT ANG SAKIT!!!!!!!!

----------------------------------------------------------------------

A/N: What do you think guys? Sino kaya yung tinutukoy ni Nicole? Any idea? Vote and comment please. Thanks:)

Lirpamae

I am the Princess of the Four Bad Boys(ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon