Chapter 7

1.2K 60 4
                                    

Nicole POV

"Really???!!! Oh my gosh, oh my gosh oh my gosh" kung makareact naman itong babaeng ito parang siya yung nasaktan ng sobra. Kung makapaypay kasi ng sarili gamit ang kanyang kamay, wagas.

"Oo nga, ang kulit. Nasasaktan na nga ako, pinapaulit mo pa" madrama kong sabi kay Kath.

"Ow, sorry bestfriend. Alam mo wala akong mga experience sa mga ganyang bagay bagay dahil alam mo naman ako diba NBSB, pero heto lang maipapayo ko sayo. MADAMI PANG IBANG MGA LALAKI DIYAN NA KAYANG SUKLIAN ANG PAGMAMAHAL MO, SIGURO NGA HINDI KAYO PARA SA ISA'T ISA MALAY MO GUMAGAWA NA PALA SI DESTINY NG PARA SAYO TALAGA. KAYA ANTAY ANTAY LANG, AT MATUTO KANG TUMANGGAP NA HINDI TALAGA KAYO PARA SA ISA'T ISA. Hehe yun lang" nakangiting wagas na sabi ni kath na parang proud na proud siya sa kanyang binitawang payo para sakin.

"Wow! Di ko akalain na mapapayuhan mo ko ng pagkahabahaba. Bwisit ka, sabihin mo saken wag kang magsinungaling! Naranasan mo ng masaktan no? Siguro nagkalovelife ka ng di ko alam? Hoy! Aminin mo, meron na ba? Ha?" nagtataka kong sabi sa kanya. Di kasi ako makapaniwala.

"Aray! Ang sakit ng sabunot mo ha, di lang kita bestfriend nakuuuu di lang sabunot matatanggap mo sakin pati batok na pagkalakaslakas". Nakangiwing sabi ni Kath habang inaayos nya ang kanyang buhok na nagulo. Haha di kasi ako makaget over sa sinabi niya.

"Ok, sensya na. Seryoso na kasi". I sigh. May iniisip na akong plano para hindi maisip yang mga ganyan problema.

"Ok so anong plano mo?". Tanong saken ni Kath habang kumakain siya ng chocolate cake. Bwisit talaga itong babaeng ito, wala man lang karesperespeto sa pagkain.

"Napagisip isip ko total malapit na din naman ng matapos ang boutique ko dun na lang ako magfofocus para hindi ko na maisip yun. Kahit ang sakit, kahit sobrang mahal ko siya, hindi naman ako tanga para magisip ng paraan para sirain sila. Although I didn't know what is the reason behind that "FIANCE THINGY" na yan at bakit pumayag si Damon na magkaroon ng relasyon sa isang babae at magiging asawa pa". Mahaba kong litanya kay Kath.

"Oo nga eh, nakakapagtaka lang na bakit magkakaroon ng Fiance itong si Damon eh ni ayaw nga nun magkaroon man lang ng girlfriend or flings you know, boys hehe". Nakapeace pang sabi ni kath.

Pano ba naman kasi ang sama ng tingin ko sa kanya. Alam naman niya, even my tatlong itlog na mahal ko si Damon at ayokong magkaroon siya ng relasyon. Dahil alam nila na sila ang mga mata ko at gumagawa ng paraan para walang babaeng lumalapit o umaaligid aligid sa kanya. Pero ang pinagtataka ko bakit walang alam si Kath tungkol dun?

"Matanong nga kita, sigurado ka bang wala kang alam diyan? Kasi diba kayo ang mga mata ko dito habang wala ako?" Tanong ko sa kanya with matching taas ng dalawang kilay ko.

"Hoy, wala akong alam diyan no. Tsaka isa pa medyo nakatutok kasi ako dito sa Restobar ko nitong mga nagdaang mga buwan. At tsaka meron naman yung mga tatlong bugok para magbantay sa mga babaeng umaaligid kay Damon your loves". Paliwanag ni Kath.

"Parang may di sila sinasabi satin. Mukhang alam nila ang tungkol dun. Kasi nung tinanong ko si Chase hindi siya nagsalita at nakatingin lang saken, hindi pa nga nagtaka nung nandun na kami sa tapat nung bahay nung Babae". Nakakapagtampo naman na wala man lang sinabi sakin. Or they are just protecting me to not feel the pain when they told me what's going on with Damon in his life for five years that I'm not here. Haay, di ko alam.

"Well mas maganda kung tanungin mo sila isa isa. O di kaya magtamputampuhan ka para makonsensya sila. Bwahaha siguradong sasabihin nila agad agad sayo, mga sunud sunuran pa naman yung mga yun kapag ikaw na ang nagalit". Napangiti ako dun sa suggestion niya pero ayoko naman na gamitin yung ganun sa kanila para magsabi lang sila kung anong nangyayari. Ayoko silang pilitin.

"That was a good suggestion pero naaah hindi ko gagawin yan. I'll wait until sabihin nila saken". Ikain ko na nga lang ito. Sayang naman mga pagkain na andito sa mesa, ang sasarap pa.

"OMG!!! Ikaw ba si Nicole? Bat parang ang matured mo na ngayong magisip. Iba talaga pag andun sa states haha". Panloloko saken ni kath na may ngiting wagas.

Napangiti na rin ako dahil ang sarap talaga pag may nailalabasan ka ng sama ng loob. Buti na lang pala nagkaroon ako ng isang kaibigang baliw hahaha.

"Baliw ka talaga". Biro ko sa kanya.

"Parang di ka naman baliw katulad ko hahaha". Biro niyang sabi.

At ayun kumain na kami at nagbibiruan. Ang baliw talaga niya... Ok sige pati na ako hahaha.

Bukas na bukas papatapusin ko na yung boutique ko para may pagkaabalahan na.




--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Author Note: Thank you po sa mga nagbabasa ng story ko kahit panget:) Hoping na madami pang magbabasa at magvovote dito. Pashare narin sa iba thanks and also comment na rin. FOLLOW ME GUYS:) lab yah!

Lirpamae

I am the Princess of the Four Bad Boys(ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon