Chapter 6

1K 47 0
                                    

Nicole POV

Ang panget ng umaga ko because of what happened yesterday. Ok, I get it. Fiance ni Damon si Chloe. Jeez, ayokong banggitin ang pangalan nya. Ok, ako na bitter.

Haaay... Simula nung umuwi ako puro problema na lang dumadating sa akin. Maybe, this is the right thing to do something for myself.

Kahit mahirap kalimutan si Damon at iwasan sya, magpapanggap na lang akong okay na ako. I love myself and I wanted to be happy.

I think, Damon is not for me. Tatanggapin ko kahit labag sa loob ko, kahit masakit.

Kaya kagabi agad kong tinawagan si dad na patapusin na nya yung boutique ko. Para doon ko na lang pagtuunan ng oras ang problema ko.

Sabi ni dad kaninang umaga dahil tumawag sya na mga 2 weeks matatapos na ang boutique ko. Oh diba ang bilis. Nagdagdag na kasi si dad ng trabahador. Almost one month na kasi nilang ginagawa yun. At hindi ko pa nabibisita, kaya mamaya bibisita ako dun. Dahil ngayon pupuntahan ko muna si Kath at ikwekwento ko ang mga nangyari kahapon, and of course the big revelation.

So I'm on my way na papunta sa Restobar ni Kath. Habang nagmamaneho ako, sumasagi sa isip ko ang nangyari kahapon. Naisip ko ang unfair ni kupido, di man lang niya ako pinagbigyan sa aking lovelife. Ay, kung makapagsabi lang ng lovelife ni hindi nga pala kami at walang magiging kami.

Itinigil ko ang aking sasakyan at ipinarada sa katabing sasakyan ni Kath. Pababa na ako at tumuloy sa loob, at pagpasok ko nakita ko agad siya dahil andun siya sa isang table kung saan siya nagtitipa sa kanyang laptop at may mga papel din.

Dumiretso ako kaagad sa kanya at umupo sa kanyang harapan. Tong babaeng to talaga sobrang busy di man lang ako napansin.

"Hoy pusa, sobrang busy ah" sabi ko sa kanya at nagulat naman siya. Kung makahawak kasi sa kanyang dibdib sa may bandang puso, haha.

"Aaayyy!!! Bestfriend naman alam kong ang ganda ko pero wag mo naman akong gugulatin, ang pangit ng itsura ko pag nagugulat eh, nakakawalang poise". Tuloy tuloy niyang sabi.

"Oo na, oo na. Hinga ka muna kung makapagsalita ka para kang mawawalan ng oras sa pagsasalita eh" sabi ko. Sinunod niya naman ang sinabi ko at huminga siya ng napakalalim.

"Haaayyy... Ayun ok na. Ano palang ginagawa mo dito". Tanong niya saken habang nagtitipa na naman sa kanyang laptop.

"Aba, ayaw mo bang bisitahin ko ang sexy at mabait kong kaibigan?" tanong ko sa kanya.

"Ay, hindi ok lang kahit araw araw kang pumunta dito basta lagi mo akong sinasabihan ng mga ganyang papuri, kahit busy ako bibigyan kita ng oras hahaha". Sabi niya saken habang nakingiting aso. Binibiro ko lang naman, naniwala na agad. Haha, pero maganda naman itong bestfriend ko kahit may topak. Pero mas maganda parin ako sa kanya, bwahaha...Ssss... Wag niyong sasabihin sa kanya, atin atin lang to.

"Baliw! Ok, eto na seryoso may sasabihin ako". Seryoso kong sabi sa kanya. Pag ganitong tono na ang aking ginagamit seseryoso na siya at makikinig. Tsismosa po kasi siya.

"So serious bestfriend, ok spill it". Sabi niya. Nakuuu, atat lang tong makarinig ng chismis eh.

"Kahapon nagplano kaming magpicnic sa Fresh park ng mga itlog ko, pumayag naman ako pero di ko akalain na yung nakita ko sa parking lot ng condo nung apat na babae na si tss! Chloe ay kasama namin at ni wala man lang nagsabi saken kahit isa sa kanila. Ayun, nung andun na kami sobrang kapit nung babae kay Damon may pasweet sweet pang nalalaman. Kating kati ko ng sabihin sayo kaya to make the story short... Fiance ni Damon si Chloe". Mahina lang ang pagkakasabi ko nung last part, pero alam ko namang narinig nitong babaeng to.

"Huwaaaaaat!!!!!!!! Seryoso, really???"
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Author note: Hello po sa mga nagbabasa at nagsave ng story ko sa reading list nyo. Thank you po:) Sorry kung natagalan po ang paguupdate, ayaw po kasi gumana nitong utak ko. Haha... Please pakishare naman ang story ko sa ibang mga kakilala nyo. Vote and comment narin para naman malaman ko kung ok lang po ba ang pagkakagawa ng story ko. Thank you poooooo:D:D:D

I am the Princess of the Four Bad Boys(ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon