Chapter 5

1.1K 59 5
                                    

Nicole POV

So frustrating!!! They know, HE knows that I have a feeling for him pero bakit ano to??? I don't understand, I'm confused. Why Damon is with that girl???

Tinignan ko ang mga kasamahan kong mga lalake at nagtatanong gamit ang aking mga mata kung ano to at bakit kasama namin ang babaeng to, kung sino man sya pero tinignan din lang nila ako.

Ano to wala man lang bang mageexplain saken, kasi feeling ko I'm out of place. Tinignan ko si Chase to ask what is this pero umiling lang sya, parang sinasabi niyang wala siyang karapatan magsabi kung ano to.

Nakakatampo, naiiyak na ako pero pinipigilan ko lang. Sumakay na sila at umupo sa may likod namin ni Chase.

Tinignan muna ako nina Liam, Ethan and Chase bago pinaandar ni Liam ang sinasakyan naming van. I'm not comfortable inside this car lalo na't may kasama kaming IDONOTKNOWTHATGIRL!!! Ako na bitter!!! Itutulog ko na nga lang tong inis ko sa dalawang kasama namin sa likod.

----------------------------------------------------------------------

After 1 and a half hour nakarating na din kami sa Fresh park. I think magpipicnic kami.

"Baby girl ok ka lang?" tanong saken ni chase.

"What do you think?" sarcastic kong tanong, nagtatampo parin ako.

"I'm sorry, wala akong karapatan magsabi about Damon and Chloe's situation". Sabi ni chase.

Sooo Chloe pala ang pangalan nung babaeng mestisa na kasama ni Damon.

"I'm sorry too for being immatured kanina". Hinging paumanhin ko kay Chase.

"It's okay baby girl, I understand what you feel". Chase said while giving me a genuine smile. How nice he is and I'm so lucky na kaibigan ko sya.

"Tara na nga, ikain ko na lang to kahit di ako komportable na may kasama tayong iba". Aya ko kay Chase.

Fresh park nga ang pinuntahan namin pero feeling ko hindi magiging fresh ang pakiramdam ko.

Umupo kami sa telang nilatag nila, may mga pagkain narin tulad ng mga iba't ibang chips at mga softdrinks in can, nagtake out din sila sa MCDO ng mga pagkain at meron ding mga prutas. Kumpleto ah, planado.

Katabi kong nakaupo si Chase sa may kanan ko at sa kaliwa naman si Ethan, katabi naman nya si Liam at katabi naman nya yung babaeng nagngangalang Chloe at katabi naman nya si Damon. Nakabilog kami(imagine it na lang guys).

"Kain na tayoooo"!!! Hiyaw ni Ethan. Kahit kailan talaga tong mokong na to matakaw haha.

"Ok let's eat". Sang ayon naman ni Chase.

"Inulit mo lang sinabi ko eh". Nangasar pa tong si Ethan.

"Oo na manahimik ka na lang dyan at kumain. Here baby girl eat". Inabutan ako ni chase ng pagkain. Kinuha ko naman pero wala akong gana. Kinain ko na lang para hindi nila sabihing KJ ako.

Nagkwekwentuhan sina ethan at liam, si chase naman minsan kinakausap ako pero nakikisali din sya kina liam. Ang IDONOTKNOWTHAT girl naman ay kinakausap si Damon at may kasama pang landi dahil sinusubuan pa nya si Damon at eto namang isa napipilitang ngumanga.

Kumunot ang noo ko at napaisip ano ba ni Damon yang babaeng yan? Ayoko namang magtanong sa kanya dahil alam kong hindi naman nya ako mahal, kahit alam nyang mahal ko sya matagal na.

Tinignan ko sya at nagulat ako na tinitignan din pala nya ako. Pero di ko pinahalata sa kanya. Umiwas din ako ng tingin dahil ayokong makita nyang sobra akong nasasaktan. Ayokong kaawaan nya ako.

I am the Princess of the Four Bad Boys(ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon