Chapter 4

258 7 0
                                    

-Eriah's POV-

I gave birth to a healthy baby boy that week. He's so cute. A blue-eyed, red-haired baby boy, who pretty much, doesn't look like me. Nakuha lang niya coloring ko. Cute. Kamukha niya siguro ang Papa niya. Lahat naadik sa kanya. Pati nga si Mam Adrianna, eh gustong-gusto siyang binubuhat. Spoiled baby ko.

"Ethan, wait lang baby ko. Shh..." Binuhat ko ang nagwawala kong chikiting. Hay. Hinele ko siya. "Sleep na."

"Ang cute niya talaga. Gwapo to paglaki niya. Di mo man siya kamukha." I sighed at Mildred. Kasama ko siya sa kitchen duty. I looked at Ethan who was, at the same time, looking at me with his midnight blue eyes. His tiny rosebud lips puckered. I smiled at the sight, nuzzling him. He gave us a gurgle.

"Alam mo na ba?" Pinapadede ko si Ethan habang nagmimiryenda kami ni Mildred sa kusina. "Hmm?"

"Di ba nagpaskil sina Sir King ng mga ads tungkol dun sa nawawala niyang apo?" Oh yeah. Ang galing nga, eh. Redhead din pala ang apo niya. Ang naaalala lang daw niya mula rito, eh yung birthmark sa may dibdib nito at pilat sa likod. Malaking pilat sa likod, kasi nung atang baby siya, nahulog siya mula sa kuna niya. May natabig siyang baso, na sumugat sa kanya. Ah, at hindi nila alam anong kulay ng mata niya.

Kakaopera pa lang daw sa cataract sa mga mata niya nang tinakbo siya ng nanay niya. Hindi nga pala si Adrianna nanay niya. Anak siya sa labas ng Papa ni George. Ang gulo lang, no?

"May tatlo daw atang pumasok dun sa mga description nila. Kasama ka." Wha-at? Hay... Oo nga pala. Redhead ako. Tiningnan ko ang birthmark na nasa dibdib ko. Tinakpan ni Ethan ng kamay niya. Cute Ethan. May pilat ba ko sa likod? Di ko napansin yun, ah. I sighed, getting my iced tea in front of me.

"Di ba sila pwedeng magpaDNA test, ganun? Mayaman naman sila, ah." Mildred shook her head. "Ayaw ni George. Di naman kasi talaga siya apo ni Sir King. Anak ata siya ng Papa ni George sa ibang babae. Bago ata sila kinasal ni Mam Adrianna, eh may nabuntis na iba si Sir Erhyl. Tinanggap naman siya ni Mam, kasi inamin naman agad ni Sir sa kanya ang lahat. Kaya dito lumaki ang bata. Hanggang sa, yun na nga, tinakas siya nung maldita niyang ina." Maldita agad? Malay pala natin, gustong-gusto na niya talagang makasama ang anak niya.

Dumating din ang dalawang sinasabi ni Mildred. Mukhang sosyalera sila pareho. Mga snob. Hay naku. Parehas na red-haired, pero blue-eyed ang isa, green-eyed din ang isa. Hay. This will be an ordeal.

Paano nga kaya sila pipili, eh no? Oh. May detective pala. Kaya mo yan, Mr. Detective.

"Nandito kayo ngayon para malaman natin kung sino sa inyong tatlo ang totoong Eriah Adeleine Elliott."

"Tatlo?" The blue-eyed girl inquired. Mr. King glanced at my way and smiled at Ethan, who was busy playing and eating the locks of my hair. Both of them looked at me like I am a trash. Naman. Pasensya na no. Proud kaya akong maging maid. Di katulad niyo na leech.

Tahimik lang silang kumain. "Bakit hindi ka makisalo, Adie?" I shook my head, smiling. "Okay lang po, Mr. King. Sana mahanap niyo na ang apo niyo, no?" I sighed. "Kasali talaga ako? Weird." He chuckled, patting Ethan's hair. "He's so cute. Did you managed to remember anything about your past?" I shook my head. "Even the shrink can't help me. Amnesia, huh?" I nuzzled Ethan. "At least, I have Ethan with me now." Ethan answered me with a squeal. Mam Adrianna giggled at the sound. She eagerly reached for him. He happily complied. Hay. Spoiled na talaga ang baby ko. "Cute-cute baby." George just looked at him. Ang cold talaga ng lalaking to, grabe. He tried touching him. Ethan gave him a toothless grin.And for the first time in my stay here, George smiled. At...dun na naadik si George sa baby ko. Hay naku. Halos hindi ko na siya matanggal sa kamay ng lalaking yon.

"Georgie, si Ethan?" He looked at me, holding Ethan possessively. I raised an eyebrow on him. "Akin muna siya." I sighed. "Oo na. Ano nga bang ginagawa mo dito?" Tiningnan ko ang pinagmamasdan niya. Yung dalawang Eriah, ayun nagsasun bathing ata. "Nice. Sana mangitim sila." He looked at me, confused, then finally broke into a laugh. "Weird mo, Adie." I shrugged my shoulders. "Do you think, isa sa kanila ang kapatid mo? Good luck sa yo pag nangyari yon." Nangilabot ako. "Ayoko talaga ng mga sosyalerang tao." He nodded in agreement, then stared at me. "Okay lang sa king maging kapatid ka. At least magkakapamangkin akong ganito kacute." He nuzzled Ethan. "Ganun? Hoy, don't suffocate him." I looked at the clock. "Oh no. Kailangan ko nang magstart magluto. Ethan, behave ka kay Uncle Georgie, ah?" Nagmadali akong lumabas.

"Grandpa, pwede po bang magstay dito si Klayton for ilang days? May inaasikaso lang po kasi siyang business dito sa mainland." Oh. May boyfie si Green Eriah. Klayton? Hmm... Familiar name.

"Klayton? As in Klayton Madrigal?" She nodded. "Ikaw pala gf ng lalaking yon. Ang tagal na din nung last na pumunta dito si Klay, no Lo?"

Nag-isip ng malalim si Mr. King. "Oh. Yung batang yon. Yeah. I remember now. Siya yung kabarkada mo nung high school at elem, di ba?" George nodded. I can feel he's thinking about something peculiar. "Madrigal? As in Madrigal Group of Companies, George?" Sinubuan ng soup ni George si Ethan. "Yup. CEO ng Madrigal Group of Companies." I frowned at him. "Hey. Don't feed him that yet. Bahala ka. Susukahan ka niya niyan." George just grinned. Ethan squealed. I sighed, but something about that Klayton man really bugged me.

"Hey you. Can you clean my room?" I sighed, getting my broom and mop to clean Green Eriah's room. Tsk. At least si Blue Eriah, kahit snob, eh hindi ganito kasungit. So what kung may boyfriend siyang mayaman? I don't care.

"Hey Klay!" I heard voices in the corridor. Green Eriah excitedly went out of the room. I continued cleaning the house.

"Geez. Ngayon ka pa talaga nagkaflu, no?" I weakly looked at Mildred. Then my gaze went to Ethan who was sleeping peacefully in his cot. "It's okay, Adie. Ako muna ang bahala sa inyo. Mukhang nagkavirus din siya. Pero sabi ni Doc, mahina lang naman daw, kaya in few days, gagaling din kayo." I smiled weakly at her. "T-Thank y-you, M-Mildred..." Hay. Bedridden me. Pati baby ko.



Shades of TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon