Chapter 41

32 0 0
                                    

Megan's POV

Nabalitaan ko yung kagabi. Nanalo si Bie! Sayang di ko napanuod in live kasi naman Hello? Malapit na midterms ayoko naman mapahiya. That's why I studied hard last night. Nakibalita nalang ako sa net. I'm so proud of her. Sasalubungin ko nga sya.

"Oy, Megan anung ginagawa mo dito sa tapat nang room namin?" tanong ni Faye.

"I'll just congratualate Bie, siguro alam mo na kung bakit"

"Oo nga eh, kaso pagagalitan ata yun ni Mr. Hudson" ha? teka?

"Bakit? Diba sya proud sa one and only daughter niya?" hala? First time mangyayari yun.

"Eh Alice skipped class tapos di pa kumuha ng exam sa English" yun?! Magagawa ni Bie? Unbelibables!

"First time!" with matching nanlalaki mata pa ako 0.0

"Speaking of Alice, tamo ang gloomy niya" tinuro ni Faye kung nasan si Alice. Phews ice na kung ice. Napagalitan nga ata

"Go talk to her. Sige mag-aaral pa ako eh" tapos umalis na si Faye. Nilapitan ko naman si Bie. Pagkalapit ko bigla nya akong niyakap

"Hoy! Di ako si Jonathan!"

"Gaga! I just need someone to hug" niyakap ko na lang din sya. Siguro kung isa samin lalaki PDA tong ginagawa namin Xd. Pero seryoso mode tayo ngayon. May problema si Bie

"Bie ano bang nangyari?" sabi ko habang hawak yung mga balikat niya. Nakatungo lang sya. Pero di pa din sya nagsasalita

"Huy Bie may ginawa ba sayo si Nathan?"

"wala" she coldly said

"Eh ano? Eh diba dapat masaya ka ngayon kasi first time mo na ngang sumali sa cosplay contest tapos nanalo kapa"

"Megs, it's the first and the last"

"Ha? teka di ko maintindihan" and then yun kinewento nya sakin ang lahat.

Gosh, Uncle Charlie did that? Well, Uncle daw ang itawag ko sa kanya eh. Ahhh.It all started with Alice's being spaced out every class. Sinabi nyang naging passion na nya ang cosplaying pero hindi na pwede ngayon. Wawa naman ang Bie ko.

"Alam na ba to nila Ate Ayumi?"

"Oo, tinawagan nila ako kanina. Sige Megs mag-aaral pa ako, bye muna"

"Sige, Bie good luck and this time don't space out" then she left me.

Haay I can't blame Uncle Charlie for doing that to Alice.Alice really need to pay for it. Pag talaga anak ka ng isang well-known person kailangan good image ka. Eh sa ginawa ni Alice nagmuka syang pasaway. Disappointment. Theirs something wrong with Bie.

Alice's POV

Pfft. Natapos din yung exam halos 2 hours yun ah. Buti na lang may kasama akong isa pang kaklase ang pagkakaiba lang , sya absent kahapon kasi may sakit pero ako nagskip kaya yun. Pssh

"Alice, next time don't do it again ok?" sabi ni Ma'am Alegria

"opo ma'am sorry"

"Sige na, good thing first time mo lang ito"

"Sige po Ma'am" umalis na ako ng room

"Alice!" nilingon ko sya

"Leighton?"

"Ayos ka lang ba?" he looked worried

"Oo naman, nagtake lang naman ako ng exam"

"Eh kasi nabalitaan ko kay Manang Fely, napagsabihan ka ni Uncle"

Is It You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon