Chapter 60

22 0 0
                                    

Alice’s POV

Huwaah! Sembreak na. . . . . . . . . . buti na lang may dalwang linggo akong pahinga. Grabe kasi yung pinagdaananan ko nung  finals. Pero ayos na din yun. Hekhek. Andito nga pala kami ni Leighton at Megan sa mall. Pinag-grocery naming si Lolo Matthew.

“Ano ba yan Megan puro ka junk foods, hindi toh para sayo” sabi ko. Puro kasi  kung ano ano ang kinukuha.

“Akin naman ang bayad eh. hmp” naku!

“BAhala ka” napatingin naman ako kay Leighton na nasa likuran naming. Busy sa katext.

“Ang busy nya, business agad?” nahalata din ni Megan

“Oo nga eh, baka sa ospital, sya kasi lagi naka-assign dun”

“Ah dapat medicine  na lang sya hindi business management”

“Timang, dyan ka lang” nilapitan ko si Leighton

“Kuya! Busy?!”

“Hindi” wow? Di nagreak sa pagtawag ko sa kanya ng kuya?

“Maya na yan” hinatak ko na sya, pero nakatingin pa din sya sa cellphone niya.

“Tsk, akin na nga yan!” hinablot ko yung cellphone at switch off

“Alice! Importante yun!”

“Hmm may nililigawan kaba?”

“Wala, haha, selos?”

“Hala? Kuya talaga, tara na!”

“Cellphone ko”

“Oh” binato ko sa kanya. Buti nasambot. XD

“Sino ba yun?” tanong ni Megan

“Wala, kaklase ko”

“Sows, nililigawan mo ano? Yieeee yey! Move on kana kay Alice!”

“Timang!” sabi ni Leighton

“Mas timang ka hmp” si Megan talaga kahit sinong lalaki lagi ng kaasaran.

Pagkatapos naming magrocery. Dumiretso na kami kay Lolo. Kakapagod pala maggrocery ng maramihan. Hooo!

“Alice tuloy paba dinner date nyo ni Jonathan mamaya?” tanong ni Leighton

“Oo bakit?”

“Malayo bay un? Saan?”

“dyan lang sa Redwood Plaza bakit?”

“Ah, ingat kayo, pahatid ka kay Jonathan pag-uwi” tapos nagdrive na lang sya, anyare?

Yay!  5pm na 6pm usapan naming ni Jonathan. Di nya kasi ako susunduin kaya commute ako. Ok lang sanay na. baka may surprise pa sakin si Nathan kaya di nya ako masusundo.. XD

Naligo muna ako at nagpalit ng damit syempre, formal wear. Pero mini dress lang yun akin para cute. Haha. Excited na talaga ako. Nga pala, kaya kami may dinner date eh kasi 10th monthsary na naming. Dalwang buwan na lang 1 year na! ok ok, 5:30 na. aalis na ako. So kilig. Siguro sobrang gwapo na naman ni  Sio ngayon! Haha. Lagi naman

“Leighton alis na ako!”

“Ingat!” himala? Yun lang nasabi nya. Minsan kasi ang dami niyang paalala bago ako umalis ng bahay. Kakaiba talaga si Leighton ngayon. Hmm.

Pumara ako ng taxi. And I’m off to go. Tiningnan ko cellphone ko. Nye? Wala pa ding text si Jonathan. Hmp. Baka busy sa paghahanda hekhek. Akalain nyong magtatagal kami kahit seloso at selosa kami. Haay. I so love Jonathan Higursahi.

Is It You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon