Chapter 46

27 0 0
                                    

Alice’s POV

“Ah ako na dyan sige na” wow? Di halata kay Ate na ang hilig nyang gumawa ng household chores.
“Ate, ano pang silbi ng maids haha, sipag mo!” pabiro kong sabi
“Haha, Sissy ayoko kasing maging katulad ng ibang anak mayaman”
“Apir tayo ate! haha” at nag-apir nga kami.
“Ah Alice,  I think you need to talk to boyfie este Jonathan pala” she said seriously
“Ah kasi ate ano eh”
“Alice” napalingon kami ni ate dun sa tumawag sakin
“Jonathan?”
“Ehem. I think oras na, good luck boyfie and sissy behave haha, maya na lang ako maghuhugas ng mga plato, talk first, toodles!” at iniwan nga kami ni ate at sinarado pa talaga ang pinto. Pssh
“ah Bie” lumapit sya sakin then he held my hand
“Jonathan pati ba naman ate ko?” I said coldly
“Ha?” binawi ko yung kamay ko
“Boyfie pala ha” I pouted
“I told you not to pout, it’s tempting me to kiss you”
“tumigil ka nga! Nung una si Nathalie ngayon si Ate ano ba? Di kana ba nakuntento? Di pa ba sapat na ako lang?! ha? Nathan! Boyfiee!! Nakakaasar kana!” bigla na lang syang tumawa
“HahahaahahahahaHahahaahahahaha! Alice I think you don’t understand a thing hahahaha--- aray!” binatukan ko nga
“Wag ka ngang tumawa! Seryoso ako!”
“Paano ako hindi matatawa eh ang OA mo, ok I’ll explain, I am Louise’s boyfriend nung grade 8 kami. Pero di tunay yun, naging boyfriend nya lang naman ako para matigil na yung chismis na tomboy sya that’s all OA ka kasi!” napatameme ako. Ginawa nya lang pala yun para kay ate at matagal na pala yun. Nasapok ko sarili ko. Antanga ko bakit ba parang wala akong katiwa-tiwala sa kanya. Pssh. Bigla nya akong niyakap.
“Now do you forgive me?” he asked
“Matagal na naman kitang napatawad” I hugged him back “I’m sorry for not having trust in you”
“No, don’t be sorry, nagulat ka lang naman sa lahat ng nangyari eh, alam mo namang sobrang gwapo ng boyfriend mo ” sinapok ko nga.”Haha to naman I love you”
“Namiss ko yun, paulit?”
“I love you” ramdam ko yung paghinga nya  sa may tenga ko. Kakiliti.
“Hehe, I love you too”
“Pakiss?” umalis ako sa yakap at humarap sa kanya
“Hmp! Ayaw! Linisin mo muna yung mga pinagkainan! ” I pouted and crossed my arms
“Madaya! Sige na nga, mahal kita eh” aba bumigay?
“Good, I’ll wait for you outside” bubuksan ko na sana yung pinto ng hilahin nya yung kamay ko napaharap ako sa kanya ng naapakan nya yung basa sa sahig nadulas sya at natumba kaming dalawa, nagdampi ang mga labi naming. I missed this we kissed passionately yung sweet kiss lang. nang may nagbukas ng pinto at napatayo kaming dalwa. Nakakahiya >.<

“OMG! Sorry pero hoy! Sabi ko mag-usap kayo hindi gumawa ng milagro!” sigaw ni ate
“Lou Lou shhh ayos na kami thank you!!”
“Walang anuman, boyfie, lagi mo na lang kasi akong tinutulungan eh, at wag mo na syang awayin! Kundi bubugbugin kita!” banta ni ate kay Jonathan, napatawa ako
“Thank you din ate ah! Ah nga pala si Nathan na maglilinis ng pinggan diba Nathan?” I smirked
“Ah oo” good
“Ganun ba? Sige, let’s go sissy, Jojo bahala kana dyan” at lumabas na kami ni ate.

Kinabukasan, maaga kaming umalis at kasama naming si Mama at Dad. Pupunta kami sa company building namin.

“Bakit parang kinakabhan ka?” tanong ni Jonathan
“Ha? Eh hindi kaya” inakbayan nya ako
“Don’t worry everything will be fine” he kissed my forehead
“Nathan balita ko graduate na mga ate mo?” tanong ni Dad
“Opo, kalian nyo yung mga ate kong mahilig umabsent at magcutting nakagraduate” at nagtawanan naman kami napatingin ako sa likod kung saan nakaupo si Ate Louise at Leighton. Tulog si Ate Louise pero nakasandal sa balikat ni Leighton. Hmm bagay sila! Ang cute nilang tingnan!

“Why are you staring?” nahuli ako ni Leighton na nakatitig
“Ah wala, ang cute nyo lang tingnan, hehe sige” humarap na ulit ako sa unahan. Hmm what if sila? Hmm hindi din. Kung maging cupid kaya nila ako. Good idea!

Is It You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon