Chapter 63

17 0 0
                                    

Alice’s POV

“Jerome nagtext sayo si Yuuki” biglang hablot sakin ng cellphone

“Bakit na sayo toh? Binabalak mo bang tawagan ang isa sa mga kamag-anak mo?”

“Obvious ba? Jerome pakawalan mo na kasi ako, please! Ano bang mapapala mo kung itinatago mo ako?” haaay, miss ko na sila!! At wala talagang balak si Jerome na paalisin ako. Tsk.

“Tumahimik ka nga. Tsk. Kahit pati si Yuuki nag-aalala sayo, pero di pa din pwede” he looked at me. Halatang naawa na din sya sakin. Katulad kagabi, umiiyak ako bigla nya akong kinomfort. Sabi niya “Kung pwede nga lang sana”. Pssh. Ano ba talagang meron? Sinong nag-utos sa kanya? Ang gulo talaga!! Napaluha na ako. Miss ko na ang pamilya ko. Pati na din ang mga kaibigan ko at syempre si Jonathan.

“Alice pasensya kana talaga”

“Jerome just tell me the reason, bakit mo toh ginagawa?”

“Minsan may mga bagay na din a dapat malaman pa, sige dyan ka lang, bibili lang akong pagkain sa mall, wag kang aalis” umalis na nga siya. Kulong na naman dito. I hate this. Ugh!

Jerome’s POV

Naaawa na ako sa kanya, gusto ko na syang pakawalan. Pero di talaga pwde. Ilang araw na syang umiiyak miss nya daw yung mga taong mahahalaga sa kanya. This is so not me.

“Sir, may I take your order?” ay ako nap ala. Sinabi ko na yung order ko.

“Wow ang gwapo nyo naman sir, may girlfriend ba kayo?” wow. Ang landi nung nasa kabilang cashier.

“Oo eh” nanlaki mata ko nung napakinig ko yung boses may nung isang costumer. Nilingon ko

“Eh nasan po sya sir?”

“Nawawala sya eh, hinahanap ko sya” hala? Andito si Jonathan. Kailangan ko pang ilayo si Alice.

“Nawala sya agad. Di ko pa sya napapakawalan” mahal nya nga si Alice lalo akong nakonsyensya.

“Naku! Mahanap nyo sana sya sir”

“Kunin mo na nga lang order ko, hahanapin ko pa sya”

“Sir order nyo po” those words changed my mind. I know what will I do. Kinuha ko na yung order ko. Sinundan ko na si Jonathan. Umupo sya sa isang table. Nakiupo ako.

“Excuse me, naparinig ko yung usapan nyo nung cashier, matutulungan kita” sabi ko.

“Ha? Alam mo kung nasaan ang girlfriend ko?”

“Basta mayang 5pm punta kang town plaza” tumayo agad ako at umalis.

“teka!” nagtatakbo na ako para din a nya ako maabutan pa. I decided to let go of Alice. Ayokong mapatulad si Alice sa Mama ko. I have to do what’s right. Di naman ako kontrabida dito eh.

Nagmadali akong makauwi para magawa kung ano ang tama, para maalis na din ang bumabagabag sa puso ko. Mabait si Alice kahit na nakakairita sya she deserves to be happy and be with her loved ones. Ewan ko ba kay tanda kung bat nya nasabing masasaktan lang si Alice kay Jonathan.

*beep.beep* a message from Yuuki

-Jerome, kung sino mang kumuha kay Ate Alice, makonsensya naman sya.

Nakokonsensya na nga ako eh. Susuwayin ko na si tanda, susundin ko din si Yuuki para di na sya Pagkadating ko sa bahay, tulog si Alice. Gigisingin ko sya.

“Alice gumising ka bilis” mumulat naman agad sya.

“Bkit?”

“Magbihis ka, aalis tayo, dalhin mo yung mga bagay na importante sayo” tapos lumabas muna ako ng kwarto nya at sa labas na lang ako mag-iintay.

Is It You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon